webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 5 Crush

"Miss Guia, maraming salamat po sa muli ninyong pagtulong sa tribo namin, hindi po ninyo kami nakakalimutan kahit napakalayo namin sa kabihasnan." Ani Mang Silvino ang Pinuno ng mga katutubo roon sa bundok sa parteng norte na malapit na sa dulo ng Pilipinas.

Nagsisimula ng magset up ang mga tauhan nila ng mga tent na syang gagamitin nilang clinic para sa libreng Check Ups at soup kitchen para sa mga tao roon para sa isang lingong pananatili nila roon. Dalawang beses sa isang taon kung bumisita siya roon kaya kilala na sya ng mga tao roon.

Madaling araw dumating ang team nila sa paanan ng kabundukan kaya nagsimula silang maglakad dalawang oras bago pumutok ang liwanag sinalubong naman sila ng mga kalalakihan roon at tumulong sa pagaakyat ng kanilang mga kagamitan.

"Naku Mang Silvino ay kaligayahan ho talaga naming lahat ang pagtulong sa inyo, kaya wag na ho kayong magpasalamat at ngiti palang ng mga taga rito ay masaya na kami." sagot niya sa matanda.

"Mam Cielo nakahanda na po lahat ng kailangan pwede na tayong magsimula." Sabi ng isa sa mga staff niya roon.

"Sige, mabuti naman kung ganoon! pasimulan nyo na." Nagsimula ng kumilos ang tao roon ng marinig ang go signal nya.

Inabutan ni Cielo ng tig Isang mangkok na sopas si Doc Martin at Doc Adie na kasalukuyang nagpapahinga sa kubo malapit sa tent nila. katatapos lang ng mahabang pila ng mga nagpapagamot.

"Meryenda muna tayo!" aniya sa dalawang kasamang doktor.

"Nakakatuwa talaga ang mga tao dito, walang tigil ang pasasalamat sa maliit na bagay na ginagawa natin para sa kanila." ani Doc abie, ang sexy at parang modelong doctor na palaging nagpiprisintang sumama sa kanya sa mga medical missions nya.

"Kaya nga mas gusto kong tumulong sa mga tao sa ganitong lugar kase napaka appreciative nila!" natutuwang sabi niya dito. "Kaya deserving silang tulungan!"

"Mam Yra, may dumating pong mga hygiene kits and school's supply galing kay Sir Vince at inaakyat na daw po ng mga tauhan nya!" Sabi ng isa sa mga assistant nya doon.

"Talaga!" napangiti si Yra sa magandang balita hindi lang ito nagpahiram sa kanya ng mga tauhan nito, nagpadala pa ng mga mapapakinabang ng mga kabataan roon.

"Ayos din ang isang yon ah!" ani Doc Martin, "kala ko body guard lang ang pinadala nya sayo, may pahabol palang supplies!"

"At sino naman yang Sir Vince na yan? jowa mo?" tanong ni Doc Adie habang humihigop ng mainit na sabaw. Kahit kase tanghali nay malamig parin sa lugar na yun dahil sa mga puno doon.

"Hindi ko jowa yun!" tanggi niya dito, "best friend yun ng kuya Jion ko, kapit bahay namin!"

"Ah, kala ko may bago ka ng jowa!" sabay tawa nito, di rin kase lingid sa kaalaman ng babaeng doctor ang nagiging problema nya sa mga nakaraang boyfriend nya.

"Hindi nya pa jowa yun!" nakangising saad ni Doc Martin, "Magiging jowa palang!"

Pinanlikahan ni Cielo ng mata ang dating nobyo, "Oy Doc, tumigil ka sa kalokohan mo! kaibigan ng pamilya ko si Vince at hindi sya kasali sa mga lalaking interesado sakin no!" medyo nagkulay pink ang pisngi ni Cielo.

"Yung isang yon hindi interasado sayo? sinong may sabi?" hamon ni Doc Martin sa kanya.

Napaisip si Cielo, "Hindi naman ako yung tipo nung babae kaya alam kong kahit kelan hindi yon magkakainteres sakin!" depensa nya dito.

"Hmm! talaga lang ha!" biro pa rin nito.

"Baka naman si Cielo ang interasado sa kanya!" pang aasar din ni Doc Adie sa kanya.

Napabitin ang pagsubo ni Yra ng sopas, "Girl, sinong babae ba naman ang hindi magkakainteres sa isang yon? kung makikita mo lang sya, it only takes 3 seconds to fall in love with him!" parang nangangarap pa sya sa sinabi.

"So ibig sabihin inlove ka nga sa kanya?"

Napalaki naman agad ang mga mata nya sa sinabi ni Doc Martin. "A-ano ba yang s-sinasabi mo?" nabubulol na sagot niya dito.

"Cielo wag ka ng mag deny! antagal natin magkakasamang tatlo at kahit minsan hindi pa kita nakitang ganyan ka dreamy pagdating sa isang lalaki!" anito.

"Hindi ako dreamy at lalong hindi ako nagdedeny!" angil niya dito, "Crush ko lang sya nung bata pa ako, yun lang yun!"

"Bakit ngayun ba hindi mo sya crush kase matanda kana?" kulit pa rin nito.

"Im just twenty four kaya hindi pa ako matanda!" depensa niya dito.

"So ibig sabihin crush mo pa rin sya kase nga bata kapa!" hindi pa rin tumitigil ang lalaking doktor sa pang aasar sa kanya.

Napanguso nalang si Cielo sa pangugulit ng dating nobyo, buti nalang mula ng maghiwalay sila nito ay naging matalik nya na itong kaibigan, "Pwede ba Doc, tama na nga yang usaping Crush na yan at baka hindi na ako matunawan, Wag na nating pagusapan yung taong wala rito at baka mahirinan pa yun!" saway niya dito.

"Bakit sino bang pinaguusapan niyo?" halos mapatalon naman si Cielo ng marinig ang boses ng lalaking pinaguusapan nila, nakatigil ito labas ng kubo malapit sa likuran niya at may buhat buhat sa balikat na isang sako ng bigas.

"V-Vince kanina kapa jan?" di magkamayaw na tanong niya dito.

"No we just arrived, San ko pwedeng ibaba tong bigas?" medyo hinhingal na sagot nito.

"Don nalang sa tent," dali dali syang tumayo at nagpatiuna rito sa paglakad. Naiwan namang nakanganga ang dalawang doktor na kausap nya.

Iniikot ikot ni Vince ang balikat pagkatapos nyang ibaba ang isang sakong bigas, Medyo nangawit din kase sa layo at tarik ng kanilang inakyat para makarating doon.

"Sana sa mga tauhan mo nalang ipinadala yan, mabigat pa naman!" awtomatik na kinuha niya ang braso nito at minasahe iyon.

"Anong silbi ko kung aakyat ako dito ng walang bitbit kahit ano?" nakangiting sagot nito sa kanya. "bakit nagalala kabang mabalian ako?"

Lintek na box smile yan! bakit ba lagi nalang nagreregidon ang puso ko pag nakikita ko yan!? "Hindi nag aalala sayo, nagalala akong baka mabitawan mo yung bigas at matapon sa daan, sayang naman!" saka niya tinampal ng mahina ang hinihilot na balikat nito.