webnovel

ii

*Rustle

"Ugh!" Hindi matukoy ni Ace kung bakit makati ang kaniyang likod, iminulat niya ang kaniyang mga mata at ang bumati sa kaniya ay hindi ang puting kisame ng kaniyang kuwarto kundi ang asul na himpapawid.

Kumurap pa siya nang ilang beses habang nakahiga sa damuhan, sobrang nanghihina siya at pakiramdam niya ay napakabigat ng kaniyang katawan.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Ace sa sarili habang dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makabawi siya sa sleep inertia.

Mga puno, malawak na parang, at nagtataasang mga damo. Kumapit siya sa malapit na puno upang suportahan ang katawan sa pagtayo.

"Anong lugar 'to?" Naalala pa niya na nasa loob lamang siya ng kaniyang kuwarto kani-kanina lamang ngunit paggising niya ay nandito na siya sa hindi pamilyar na lugar. Noong una ay inisip pa niyang nananaginip lamang siya ngunit agad din niya itong binawi, paano niya masasabing nananaginip nga siya kung panaginip lang ito?

Dahil sa hindi niya malaman kung saang direksyon siya tutungo, sinundan na lamang niya ang daan sa harapan niya.

Pinili niyang maglakad sa gilid kung saan malapit sa lilim ng mga puno para makaiwas sa nakakapasong liwanag ng araw.

***

Hindi na alam ni Ace kung gaano na siya katagal naglalakad ngunit ramdam na niya ang sobrang pagkapagod. Hindi niya mapigilang huminga sa kaniyang ilong at bunganga nang sabay.

*Gulp

"Patay na ba ako?" Tanong niya ulit sa sarili dahil sa mga napapanood at nababasa niya kung saan namamatay ang mga bida habang tulog at napupunta sa ibang lugar ang mga kaluluwa.

"TAO!! May tao ba rito!?" Malakas na sumigaw si Ace ngunit ang sumagot lang sa kaniya ay ang malakas na ihip ng hangin at tunog ng mga ibon at insekto. Mas lalo lang siyang kinakabahan habang tumatagal.

Diretso lang ang lakad ni Ace. Mabagal ngunit hindi patigil-tigil.

*Splash

Hindi kalayuan sa kinatatayuan niya ay may narinig siyang tunog ng nagbabagsakang tubig kagaya ng sa isang talon. Ang problema nga lamang ay masyadong masukal ang gubat kung saan ang tingin niya ay pinanggagalingan ng ingay.

"Mukhang may talon dito. Sana nasa malapit lang..." Tumingin si Ace sa walang katapusang tuwid na daan, hindi niya matukoy kung saan siya nito balak dalhin.

"Mas mabuti kung makakainom muna ako ng tubig." Saad ni Ace sabay lunok ng sariling laway.

Tumingin-tingin siya sa paligid at pinulot ang patpat na nakita niya, gagamitin niya ito upang itabi ang mga damo at ibang nakaharang sa daan. Kung sakali mang may mga mabangis na hayop sa lugar, may gagamitin siya upang ipagtanggol ang sarili.

*Sigh

Nagdadalawang-isip siya dahil sa mga damong tinatakpan na ang lupa, hindi niya rin masabi kung lupa pa ba ang inaapakan niya o kung ano na.

Habang siya ay naglalakad, hindi niya mapigilang mapailing at makaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib.

'Ang paborito kong sapatos, pantalon, at polo...'

"Kung sino ka mang maygawa nito, mapapatay talaga kita..."

***

Kanina lang, sobrang linis pa ng suot ni Ace ngunit ngayon ay puno na ito ng maliliit na butas at mga dahon na nakadikit dito.

"Malapit na, kaunting tiis na lang." Mas binilisan pa niya ang paglalakad.

Nakatuon lamang sa kaniyang harapan ang dalawang mga mata niya kaya naman hindi niya napansin ang malaking sawa na nakatigil at hindi gumagalaw. Halos kasingkulay lamang ng ahas ang damo sa paligif at imposibleng makita agad ito ng binata.

Aksidenteng natapakan ito ni Ace, dahilan upang madapa siya.

"Ay! Deput-"Mapapamura na sana ang binata pero halos malunok na niya ang kaniyang hininga nang makita ang napakalaking sawa na mas mataba pa sa kaniyang braso.

"AAAHHH!" Nakabibinging sigaw ni Ace, sabihin na nating "he is frightened witless" bago mabilis na tumayo at tumakbo palayo. Hindi na siya tumingin pa sa paligid o sa ahas man lang, basta diretso na lang ang kaniyang pagtakbo. Masasabi pa ring suwerte si Ace dahil sa kasalukuyang tinutunaw pa ng ahas ang kaniyang pagkain.

Gusto man nitong gumalaw, ang bigat ng kung ano mang nasa loob ng tiyan nito ang nagpapabagal sa kaniyang paggalaw.

"Bwisit! Akala ko mamamatay na ako..." Tumigil siya sa pagtakbo at napatingin sa pinanggagalingan niya.

Hinawakan ni Ace ang kaniyang dibdib at huminga nang malalim pero sa sandaling humakbang siya paatras, napasigaw na naman ulit siya sa gulat.

"AAAAHHH!!"

Hindi na niya maramdaman ang lupang tinatapakan niya dahil sa bumubulusok na siya pababa mula sa taas na halos limampung metro.

Naging blanko ang kaniyang utak habang palapit siya nang palapit sa tubig na inakala pa niyang lupa noong una.

"Putang inaaaa!!" Naiiyak na mura ni Ace sa kung sino man bago siya bumagsak sa tubig.

*Splash!

***

Samantala, ilang sandali lang bago mahulog si Ace sa bangin ay may tao na sa ibaba nito, nakatingin siya sa taas kung saan ay maririnig ang sunod-sunod na sigaw ng isang lalake. Doon nga ay nakita niya ang isang lalakeng aksidenteng nahulog sa bangin.

Mabilis na isinuot ng babae ang kaniyang mga damit nang tuluyan nang bumagsak ang katawan ni Ace sa tubig at lumubog pailalim.

Naghihintay lamang siya sa kawawang Ace na lumutang ngunit malas lang dahil hindi marunong lumangoy ang binata. Idagdag pa ang hindi maayos na kundisyon ng kaniyang utak na hindi pa gumagana nang maayos, malulunod talaga siya kapag walang tumulong sa kaniya.

"TU..."

"Tuloooong..."

Umikot-ikot ang katawan niya sa ilalim ng tubig at imbes na hangin ay tubig na ang pumasok sa kaniyang ilong at bunganga. Nang mapagtanto ng babae ang nangyayari kay Ace ay agad din niyang tinanggal ang kaniyang damit maliban sa suot niyang panloob bago tumalon at iligtas ang binata.

Sa madilim na mundo ni Ace, tila ba nakakita siya ng umiilaw sa puti na kamay kamay at palapit sa kaniya. Nang hawakan niya ito ay agad nagbago ang kaniyang paligid.

*Cough cough!

Halos isang baso ng tubig ang inubo palabas ni Ace, tuloy lang siya sa pag-ubo habang gumagapang palapit sa babaeng nagligtas sakaniya. Hirap na hirap pa siyang huminga at medyo masakit din ang kaniyang dibdib ngunit nang bumalik na sa normal ang kaniyang pakiramdam ay dahan-dahan siyang tumayo.

Tinanggal niya ang suot niyang polo at sapatos bago tumingin sa himpapawid, tahimik at tila may malalim na iniisip. Napakataas na ng haring araw ngunit kakaibang sobrang lamig ang kaniyang pakiramdam, dahil ba sa muntik na siyang mamatay?

"Salamat..." Tumingin si Ace sa babaeng nakatayo sa likuran niya, mayroon itong blonde na buhok. Fil-am ba o kinulayan niya lang?

"Paano ka napunta rito?" Agad na naitanong ng babae ngunit ang tingin niya ay nasa baba imbes na sa mukha ng binata.

Hindi naman ito napansin ni Ace dahil sa abala siya sa pagtanggal ng mga nakadikit na dumi sa kaniyang pantalon.

"Hindi ko nga alam, eh. Baka hindi ka rin maniwala kapag sinabi ko."

"Then how?"

"Nakatulog ako tapos pagkagising ko, nandito na ako. Haha! Hindi ko nga alam kung buhay pa ako o hindi. Langit na ba ito? O baka naman impiyerno?" Natatawang sabi nito.

"Sa lakas ko ba namang magjakol no'ng bata ako siguradong sa impiyerno ang punta ko." Parang mababaliw na siya sa kakaisip ng kung ano ang nangyayari.

Natulog lang siya tapos namatay na? Anong klaseng kamatayan naman ito kung gano'n nga. Mas gugustuhin na lang niyang malunod na lang kung gano'n nga.

"Pareho tayo." Tugon ng magandang babae, agad namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Ace nang marinig ito.

"Hindi talaga ako kusang natulog, nakaramdam lang ako ng antok nang binuksan ko 'yong invitation letter na binigay sa akin." Pagtatama ni Ace sa sinabi nito kanina.

"Kaya nga, ganiyan din ang sa'kin. Gaano ka na katagal dito?"

Napaisip si Ace.

"Don't kno'. Siguro mga tatlong oras o mas matagal pa."

"Hooh..." Huminga nang malalim ang babae nang marinig ang sagot ni Ace.

Parehas nilang hindi alam kung nasaan sila at wala rin silang nararamdamang panghihinala sa kung paano sila napunta rito

Tinanong ni Ace ang babae kung gusto niyang samahan siya para maghanap ng mga bahay o tao kung may nakatira man malapit dito.

Pumayag naman ang babae dahil sa ayaw niyang maiwang mag-isa rito sa gubat.

***.

Sa sandaling ito, napagtanto ni Ace na naglalakad sila pababa ng sa alam niya ay isang bundok. Ang daang tinatahak nila ay sadyang ginawa ng kung sino man. Kahit na kayang dumaan ng dalawang truck dito nang magkatabi, walang kahit na anong marka ng gulong ng kahit na anong sasakyan sa lupa.

Hahangin lang nang malakas ay magliliparan na ang mga buhangin ngunit nakapagtatakang wala man lang nakita ang dalawa na mga footmarks ng tao o hayop. Tila ba sobrang layo ng lugar na ito sa sibilisasyon.

Dahil sa iisa lang ang daan, sinundan na lang ito ng dalawa. Paminsan-minsan ay tumitigigil sila upang magpahinga at pagkatapos pa ng ilang oras ng paglalakad, nagsisimula nang dumilim ang kalangitan.

Tuyong-tuyo na rin ang mga suot nila at hindi ito maganda sa pakiramdam lalo na ang amoy ng pawis.

Habang naglalakad, tumikhim si Ace at nagsalita.

"Ano nga pala ang pangalan mo? Ako nga pala si Ace Santos." Nahihiya man ay kinapalan na lang niya ang mukha.

"Parang narinig ko na ang pangalan mo. Hindi ba kayo 'yong nanalo sa CADM this previous Summer Camp?" Paninigurado ng babae nang mapagtantong medyo pamilyar ang pangalan ni Ace.

"Oo pero wala na akong balak na makilahok pa sa buwisit na summer camp na 'yan." Sagot ni Ace habang inaalala ang ginawa ni Aris at ang isang pangit na pangyayaring hindi niya makakalimutan.

"Angel Dela Cruz." Pagpapakilala rin ng babae sa kaniyang sarili bago iabot ang kaniyang kamay para sa handshake. Hindi naman nagdalawang-isip si Ace na tanggapin ito.

'Ganito ba ang pakiramdam ng makipagkamay sa magandang babae?' Iniisip ni Ace habang pinapakiramdaman ang malambot na kamay ni Angel.

"Masaya akong makilala ka, pangalawang buhay ko na 'to dahil sa'yo... Salamat." Malaki ang pasasalamat ng binata kay Angel. Iniisip lang niya kung paano makakabawi rito.

"Nakakahiya namang hindi pamilyar ang pangalan mo sa akin." Biro pa ni Ace rito.

"Hahaha! It's nothing, kilala lang kita kasi palagi kong naririnig 'yong pangalan mo sa livestream ni Arisgodofwar habang nanunuod 'yong kakilala ko."

Ang eSports ang isa sa pinakakilala at may pinakamalaking premyo tuwing Summer Camp. Ito rin ang dahilan kung paano naging mas kilala at sikat na video game streamer si Aris.

***

Masyado nang madilim. Matapos ang ilang oras pang paglalakad ay sa wakas nakababa na rin sila ng bundok. Sobrang malas naman nila kung sa pinakatuktok pa sila ng bundok napunta dahil hindi sapat ang isang araw na paglalakad para bumaba mula roon.

Sa harapan naman nila ngayon ay isang napakalawak na lupain ngunit wala silang maaninag na ibang bagay maliban na lang sa walang hanggang kadiliman.

"Ano 'yon?" Tinuro ni Angel ang kaniyang kamay sa harapan nila, inakala pa ni Ace na sa mismong himpapawid siya nakaturo.

Makikita sa himpapawid ang numerong 52 at nang mas naging maliwanag pa ang ilaw nito na kulay pula, naaninag nina Ace at Angel ang dambuhalang monitor kung saan nakaproject ang numero.

"Tara!" Tumakbo si Ace patungo rito habang hila-hila ang kamay ni Angel.

"Private villa ba 'yan? O baka private residence?" Naitanong ni Angel. Kani-kanina lamang, ang malaking monitor lang ang nakikita nila sa itaas ngunit isa-isang nagsiilawan ang mga ilaw sa taas ng bakod na pade.

"May villa ba na napapalibutan ng naglalakihan at makakapal na mga pader? Parang puwede na itong gawing kulungan ni King Kong, eh." Tugon naman ni Ace sa kasama bago tumigil sa pagtakbo.

Maliban sa kanilang dalawa, nakakita rin sila ng iba pang mga taong patungo sa kaparehong direksyon kung saan sila patungo.

"Saan nanggaling 'tong mga taong ito?" Tumingin si Ace sa paligid nila bago bitawan ang kamay ni Angel. Tila ba bigla na lang nagpakita ang lugar na ito mula sa kawalan, hindi rin maalala ni Ace na nakita niya ang lugar na ito kanina. Kahit pa madilim, imposibleng hindi man lang niya ito naainag sa sobrang laki nito.

Isang sementadong daan ang nakakonekta sa pasukan. Lumakad si Ace rito hanggang sa makarating siya sa harapan ng nakabukas na bakal gate.

Sa loob ng pader ay makikita ang iba't ibang mga imprastraktura, mayroon ding playground, ang lugar sa loob ng naglalakihang mga pader ay parang ng sa malawak na bayan.

Ang nakakuha ng atensyon ni Ace ay ang pinakamataas na gusali sa lugar kung saan nakalagay ang malaking monitor sa itaas nito, naroon pa rin ang numerong 52.

"Halika..." Pag-aya ni Ace sa kasama na siya namang sumunod agad sa kaniya papasok.

Ang pader na nakapalibot sa lugar na ito ay mas matangkad pa sa dalawang palapag na bahay at sa taas naman ay mayroong mga barb wires, parang isang heavily guarded prison.

Lumakad ang dalawa papasok sa isang gusali na may nakalagay na "pizza haus" sa itaas nito.

"Walang tao." Saad ni Angel.

Tumango lang si Ace habang umiinom ng tubig.

Napatingin silang dalawa sa pinto nang bumukas ito.

"Parang ghost town." Kumento ng isang lalake nang makapasok sila ng mga kasama niya.

Agad din namang lumabas sina Ace at Angel, saktong narinig nila ang isang malakas na kalabog at tunog ng nagkikiskisang mga bakal.

Nang makainom na ng tubig sina Ace at Angel, lumabas din sila ng gusali.

Pagkalabas nila ay ang saktong pagsasara ng naglalakihang mga gates ng bayan.

*Creak! Bam!

Bumaling ang tingin ng lahat ng mga tao sa pinasukan nila.

"Yung pasukan." Agad tumakbo ang isang lalake rito at sinubukan pa itong buksan.

"Buwisit! Kasalanan mo 'to, eh. Kung hindi ka sana nagpumilit na pumasok!" Sisi niya sa kaniyang kasama.

"Aba! Alam ko bang masasaraduhan tayo?"

Nakatayo lang sina Ace at Angel habang pinapanuod ang nangyayari.

"Nag-aaksaya lang sila ng lakas." Rinig ni Ace na sinabi ng isang babae.

Kahit pa siguro dalawang elepante ay hindi kayang itulak pabukas ang gate.

Sa sandaling nakatuon ang atensyon ng lahat sa gate na tanging daan lang nila palabas, dose-dosenang mga taong nakasuot ng puting maskara ang lumabas mula sa mga gusali.

Ang bawat isa ay nakasuot ng maskara na may natatanging "facial expression", nakasuot din sila ng itim na barong tagalog at armado ng iba't ibang klase ng mga baril.

Nahati sila sa dalawang tuwid na linya at sa pagitan nila ay isang lalakeng nakasuot din ng maskara.

Pinagmasdan siyang mabuti ni Ace.

Nakangiti ngunit may patak ng luha sa magkabilang pisngi ang maskara niya. Sa kanilang lahat, siya lang ang nakasuot ng puting barong.

Nakatayo siya nang tuwid at ang dalawang kamay niya ay nasa likuran niya.

"Maligayang pagdating, mga manlalaro." Bati nito sa mga kabataang nandito.

"Sigurado akong nagtataka kayong lahat kung ano ang nangyayari kaya ngayon na kumpleto na kayo, hayaan ninyo akong magpaliwanag."

Mayroon siyang pinindot sa hawak niyang remote at sa pader ng pinakamalapit na gusali ay naifocus ang projector, kung saan makikita na naman ang numerong 52.

"There are 52 participants and the only way for you to leave this place is to win the game. Survive until the end." Mayroon na naman siyang pinindot at nagbago ang nakaflash sa projection.

"Honor students, varsity players, representatives for the national quiz bee, social media personalities, and artists: Everyone in here has their own achievement, everyone in here came from well known universities and state colleges in the country but for now, let us forget all those things." Rinig ng lahat ang masiglang boses ng isang babae ngunit ang nakaproject lamang ay isang black screen.

"Starting from the 52 participants to the last man standing, our exciting game will end the moment the 51 participants were all eliminated. 'Wag niyong subukang tumakas mula sa lugar na ito dahil kahit ano ang gawin ninyo, hindi kayo makakaalis maliban na lamang kung papayagan ko kayo." Matapos ng mga salitang ito ay isang kamay na may hawak na baril ang nakita sa projection.

"Is this real? Not some kind of a prank?" Isang lalake ang humakbang paharap.

Agad namang nakilala ni Ace kung sino ang lalakeng ito, siya si Tomy Antonyo. Ang kaniyang unibersidad na pinapasukan ang nanalo sa basketball at soccer sports category sa nakaraang summer camp. MVP siya sa dalawang laro at may tsimis din na kumakalat tungkol sa kaniya at hindi ito kaaya-aya.

Napansin ni Ace nang mapansin na ang mga mata ni Tomy ay nakatingin sa baril ng lalakeng nakasuot ng puting barong, bago pasimpleng tumingin sa ibang direksyon.

"Hoho! Kung nagbibiro lang kami, bakit pa kayo narito?" Naitanong ng babae sa projection.

"Paano kami napunta rito?" Ibang estudyante naman ang sumunod na nagtanong.

"Paano nga ba kayo napunta rito? Siguro, mahika ang dahilan."

*Toot

Nang mawala na ang projection, sumunod namang nagsalita ang lalakeng nakaputing barong.

"Magsisimula ang laro bukas, sumunod kayo." Tumalikod ang lalake at lumakad.

Nagdadalawang-isip ang karamihan dahil hindi pa nila masyadong maintindihan ang nangyayari.

"Walang mangyayari kung tatayo lang kayo." Taas-kamay na saad ni Tomy sa mga kasama.

Lumingon si Ace sa kasama niya bago sumunod na rin pero mayroong biglang lumapit sa kaniya.

"Nandito rin kayo?" Salubong ni Ace ng tanong si Sofia. Kanina pa siya rito pero bakit hindi man lang niya napansin ang mga kaibigan?

Bago sumagot ay tinignan muna ni Sofia si Angel.

"Oo..."

"Sumunod na muna tayo sa kanila, may masama akong pakiramdam dito." Kinakabahang sabi ni Darell sabay hawak sa kamay ng kasintahan.

"Mas mainam kung mamaya na lang tayo mag-uusap." Dagdag pa niya.

Umayon si Ace sa sinabi ng kaibigan at mukhang hindi lang sila ang may masamang pakiramdam sa mangyayari, hindi lang nila pinapahalata.

Habang sila ay naglalakad, hindi nila mapigilang mapatingin sa mga kabahayan at ibang gusali sa lugar, wala ni isang palatandaan na may tumira sa mga ito.

Tumigil ang lalakeng sinusundan nila sa harapan ng pinakamataas na gusali sa bayan at may pinindot na naman sa remote na hawak niya, sunod ay dahan-dahan na bumukas ang bakal na pinto ng gusali at doon nakita ng mga estudyante ang marangyang interior design nito. Marble flooring at pader.

Ilan sa mga estudyante ang napatango na lamang.

"Enter one by one and find your room." Utos ng lalakeng nakaputing barong.

Naunang pumasok si Tomy pero tumigil siya sa harap ng hagdan na patungo sa ikalawang palapag. Sa harapan niya ay isang lamesa kung saan ang limampu't dalawang baraha ay nakaayos.

Mula Ace hanggang sa King: Club, diamond, heart, at spade.

"Pumili ka ng isa." Utos ng isang taong nakamaskara bago itulak si Tomy gamit ang kaniyang baril.

***

'Ano ang pipiliin ko?'

Si Ace na ngayon ang pipili at ang natitirang mga cards na lamang ay apat: Ace of Spades, Ace of Heats, Jack of Clubs, at King of Diamonds. Nakakatawang isipin na ang pinakamalalakas na cards pa ang naiwan.

Pinili ni Ace ang Ace of Spades bago tumingin sa mga kaibigan. Nauna nang umalis si Angel dahil pinauna siya ni Ace na pumili kanina.

"Alis na!" Agad nagtungo si Ace sa hagdan habang nakasunod naman sa kaniya ang masked man.

Tumingin siya sa mga pangalan na nakalagay sa bawat pinto ng kuwarto sa ikalawa at ikatlong palapag ng gusali ngunit wala ang pangalan niya rito. Nang magtungo siya sa ikaapat at ikalimang palapag ay wala rin.

"Kailangan ba talagang itutok mo ang baril mo sa akin? Hindi ako tatakas." Kinakabahang saad ni Ace.

"Sa ikapitong palapag, pumunta ka mag-isa." Tinulak siya ng masked man patungo sa isa pang hagdan. Bago lumakad ay napatingin muna siya sa suot na maskara ng lalake, mayroon itong malungkot na ekspresyon ngunit walang mga luha.

"7th? May 6th floor pa, ah." Nagtatakang saad ni Ace.

***

Sa ikapitong palapag ay may dalawang pinto, hindi pinansin ni Ace ang isa dahil hindi rin naman niya kilala kung kaninong pangalan 'yon.

*Click

"Hindi naka lock."

Nang makapasok na siya sa kuwarto ay isinara rin niya agad ang pinto.

May aparador, lamesang kainan at mga upuan, sopa, at hindi mawawala ang sariling banyo.

Napansin din niya na may ballpen at maliit na notebook sa kama kaya naman ay agad niyang tinignan kung may nakasulat ba rito.

***

Matapos mahanap ni Jiel ang kaniyang kuwarto ay agad din siyang pumunta sa kuwarto ng kaniyang kasintahan na nasa tabi lang ng kaniya.

"Magpalit tayo ng card." Seryosong sabi ni Jiel.

"Ayaw." Pasupladang tumanggi si Darell dito.

"Hmm... Bakit? Ah! Baka pagod ka lang, halika bibigyan kita ng libreng masahe." Nakangiting sabi ni Jiel at umupo sa likod ng kaniyang kasintahan. Inayos din niya ang suot na locket ni Darell dahil pumulupot na rito ang mga hibla ng kaniyang buhok.

Medyo hindi maganda ang ekspresyon ng mukha ni nang magsimula na si Jiel sa kaniyang ginagawa.

"Dahan-dahan, hindi kagaya ng katawan mo ang katawan ko!"

Binawasan naman ni Jiel ang puwersa ng kaniyang mga kamay dahil sa daing ng kasintahan.

"Bakit ba ganiyan ang mukha mo? Ha?" Naitanong niya nang mapansing nakasimangot pa rin ang kasintahan

"Hmp! Tingin ka nang tingin kay Angel kanina, maganda ba siya?"

Tumikhim si Jiel bago sumagot.

"Ahem!"

"Tumingin lang saglit galit ka na?" Nang-iinis na tanong ni Jiel. Nagawa pa niyang tusukin ang tagiliran ng kasama.

"Kyaah!" Sigaw ng dalaga at mabilis na lumayo kay Jiel.

"Isa pa, makakatikim ka talaga." Pinandilatan niya ng tingin ang kasintahan na napatawa na lang sa kaniya.