webnovel

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio

Chixemo · Urban
Not enough ratings
65 Chs

Chapter 36: Winly

Hindi ako pinatulog ng mga sinabing iyon ni Kuya Mark. Dapat ko ba syang itext?. E di ba pahinga nga yung hiningi nya diba?. Tsk. Pahinga nga Bamby. Hindi pahinga na tulad ng iniisip mo. Ano bang nasa isip ko?. Na, kaya nya yun mag-isa. Girl naman. Wag ganun. Makasarili ang tawag na sa'yo kapag hinayaan mong mapag-isa sya.

Hay.... eto na naman ako. Kinakausap ang sarili.

Madaling araw nang muli.

"Matulog ka na muna.. Ako na muna bahala dito.." here he is again. Gaya noon kay Knoa. Kuya Lance choose to stay beside us. I'm really grateful for that. "Hindi ka makatulog?. Pilitin mo. Kailangan ka ng mga anak mo.." dagdag hirit pa nya ng di ko sya sagutin. Pinagkunutan ko lang sya ng noo saka ipinahinga na ang sarili sa kama. Kapag kasi sinagot ko pa. Baka lalo akong mawalan ng gana na matulog at gising nalang hanggang umaga.

Nagising ako sa kalabit ni Kuya. Whole is crying. Ang sabi nya'y napalitan na raw nito ang pampers nya't nilinisan na't lahat. Umiiyak pa rin. "Baka gutom na yan. Akin na." iyon agad ang pumasok sa isip ko. Base sa kanyang sinabi, wala itong binaggit na binigyan nya ito ng gatas.

"Ay, oo pala.." nakamot nya ang sentido nang mapagtanto ang gusto ng bata. Marahan nyang nilapag si Khloe sa tabi ko.

"Si Kayden?."

"Kakadilat palang ng kanyang mga mata.." sinilip nya isa mula sa kinatatayuan nya. Tuminykayad lamang ito. Ganyan yan minsan.

"Pabuhat na rin please.."

Humaba ang kanyang nguso. "Mamaya na kapag natapos si Khloe." giit nya.

"Baka gutom na eh." pilit ko naman.

"Iiyak yan kapag gutom na. Hindi pa naman.." anya pa na namaywang lang.

May ounto naman sya. "Pero Kuya?."

"What?." maarte nitong tanong.

"Gusto ko lang na magkatabi naman sila ni Khloe.."

"Magkatabi naman sila lagi ah.." pilosopo nya pang saad.

"Na kasama ako.." mahina kong sambit. Doon sya tumigil at tinitigan lang ako.

"What about Knoa?. Baka nakakalimutan mo nang may isa ka pang anak ha?." parang may kasama pang sama nang loob nya itong sinabi. I just laugh at his remarks. "Wag mo akong pagtawanan. Nag-uumpisa nang magtanong ang isang iyon kung nasaan ang taong gumawa sa kanya.."

"Hahahahahaha.." I don't know how I manage to laugh at him despite all odds.

"At anong nakakatawa ha?. Bamby!." kumulo bigla ang dugo nya.

"E kasi naman. Mga pinagsasasabi mo?. Nakakatawa.. hahahaha.."

"Am I joker to you?. Seryoso ako.."

"E kasi yung mukha mo?. Hahahahahaha.."

"Am I look like a joker?."

"BWAHAHHAHAHAHAHAHA!.." naasar ito at umalis nalang bigla with matching murmurs.

Wala naman akong sinabi na kamukha nya yung joker. Sya lang yung nag-isip ng ganun. Natatawa ako kasi yung mukha nya. Sobrang seryoso. Hindi bagay sa kanya. Hahahahahaha.

Nine in the morning. Pinaliguan ko ang dalawa saka nilagay sa crib nila. Sinubykan kong tawagan si Kuya Lance pero hindi ito sumasagot. "Knoa?." I feel like, it's been centuries ko nang di nabanggit ang pangalan ng aming panganay. Sana hindi ito nagtampo. "Knoa, baby. Are you awake na?." kumatok ako sa silid nito bago binuksan. Nadatnan ko syang nakatayo sa likod ng pintuan. "Good morning love." niyakap ko sya ng diretso habang hinahalikan ang kanyang buhok at pisngi. "Morning Mom.." ngumiti ito ngunit ramdam ko na hindi iyon tunay. "I'm sorry about Tito Daddy's behavior last night?. You know him right?." tumango lang sya. "That's for your own good love.."

"But Mom. I want to sleep with you. I miss Daddy." para akong tinamaan ng lumilipad na palaso sa dibdib dahilan para kumirot ito. Wala naman syang alam sa nangyayari pero pakiramdam ko, meron. He's too young. Siguro totoong namimiss nya pang Daddy nya.

"Then call him if you misses him.."

"I want to play with him Mom.." yung tumamang palaso sa puso ko ay lalong dumiin pa kaya ito ay nagdurugo na.

I sighed. Umupo ako sa harap nya. Para pumantay ako sa paningin nya. "Don't worry. I'll let him know that you want to play with him okay?. For now. Wag ka nang malungkot kasi Mommy will become sad if you do.." pinakita ko ring malungkot ako. "And, later tonight. Sleep with us. This is our secret okay?."

"Are you sure Mom!?." Yes. Ibinulong ko iyon sa kanya at pinaulan ng halik ang cute at mapula nyang pisngi. I miss him so much. Tama nga si Kuya. Nawawalan ako ng oras sa kanya. He is not used to it pa naman. Baka isipin nya ay nakalimutan ko na sya dahil meron na yung dalawa. Soon siguro. Maiintindihan nya rin ang lahat.

Naging maayos din kami ni Kuya Lance nang makitang kasama ko si Knoa. Favoritism ang bakla!. Pero hinde. He has a point too. Dapat daw kasi pantay ang priorities ko at hindi lang sa isa.

I'm preparing for our lunch nang nakita kong online si Winly sa chat. Umupo ako sa stool chair habang hinihintay na kumulo ang chicken curry na gusto ni Knoa at Kuya. Typing palang ako ay heto na ang tawag nya. "Hoy bakla!. Kamusta?." kung katabi ko siguro to. Nabingi na ako. Makasigaw.

"Ayos lang.. ikaw.. gumaganda ka ha?." tukso ko rito. Pumuti pa lalo ito at may highlights na rin ang buhok. Ayaw nyang ipahaba. Magagalit daw ang kanyang Tatay.

"Charing ka. Balita ko, andito sa Pinas si boy Jaden?. Bat di kayo kasama?."

"Ah. oo.." e sa wala akong maisagot. Magaling pa naman itong manghuli kung may tinatago ka ba o wala.

"War kayo?."

"Hindi noh?."

"Sowsss.. deny pa more.. kainuman namin sya kagabi bakla.." ano bang sasabihn ko?. Mukhang may alam naman na sya. "Kumpleto ang tropa. Kayo lang wala." nagpa-inggit pa. Sarap sabunutan!. "And take note, Beverly is here too."

"Nagbibiro ka ba?."

"Bakla.. seryoso ako.."

"Tsk.. ginugoodtime mo lang ako eh. teka.. tignan ko lang yung niluluto ko.."

"Sus.. palusot pa sya.."

"Oo nga.. tignan mo pa." pinakita ko sa kanya yung curry.

"Wow!.." tulo laway nya.

"Paborito ni Knoa.."

"Hmm.. how's my inaanak na pala?."

"Hayun.. miss na ang Daddy.. pakisabi nga pala sa kaibigan mo.. hinahanap sya ng anak nya ha.."

"Hahahahahaha... akala ko ba hindi kayo war?.. paissue ito eh.."

"Hindi nga."

"E bat sakin mo pa sinasabi yan?. Bat di mo tawagan?. Hay... naghihintayan na naman kayo.. tsk.. tsk.. call or text him na bakla.. umiiyak sya noong isang gabi.. namimiss nya na daw kayo.."

"I will.."

"Sus yang I will mo na yan ha?.. o sya.. bye na.. beauty rest muna ako.."

Hinayaan ko na syang mawala sa linya. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya about life there pero mukhang pagod ito at wala syang oras para duon. Kahit man lang sana yung tungkol sa pag-iyak ni Jaden ang sabihin nya. Iyon lang para marinig ko ang side nya pero wala. Pabitin. Hay....