webnovel

Maging Akin Ka Lang

Eya Isabelle Versoza. Young. Pretty. Rich and a certified spoiled brat. Her wish SHOULD be granted, she always get want she wants. Now she's eighteen she would not desired dolls or doll house anymore but Nicholas Benitez, her feelings are way out of line bukod sa mas matanda ito sa kanya ng anim na taon ay may kasintahan na ito at nakatakda ng magpakasal. "...Iiponin ko lahat ng genie sa mundo MAGING AKIN KA LANG..."

Coni_kath · Teen
Not enough ratings
2 Chs

2

Halos panawan ng ulirat ang dalaga dahil sa ginawang pag ngiti ng binata. Ang mumunti niyang puso ay hindi kinaya ang kakaibang kiliti. Hindi talaga siya maka get over sa kagwapohan nito.

Tumikhim ang binata.

"Señorita Ysa" gustong umungol ni Eya sa tinig nito. Deep and masculine. Walang ibang tawag sa kanya kundi Eya lang ngunit napangiti siya dahil ito lang ang naglakas ng loob para tawagin siya sa ibang pangalan. Isa pa magandang pakinggan ang Ysa kapag sinasambit ng lalaki, napaka sensual.

"Huh?" tila ngayon lang siya nabalik sa reyalidad. Naging malabo kasi ang paligid dahil busy siya kakapantasya sa kaharap na binata. Oo, ngayon lang siya nagkaganito sa lalaki mukhang na love at first sight ata siya. Namula ang kanyang mga pisngi.

"Mukhang wala po kayo sa sarili. Salamat po pala sa pagtulong sa lola ko"

"Ahhh w-walang anuman"

"Ako po pala si Nico kasama po ako sa nag-aani ng kape" pakilala ng binata habang inabot ang medyo may dumi nitong kamay. Nang tignan ng lalaki ang kamay ay agad nitong binawi ngunit huli na dahil mabilis na pinagdaop ni Eya ang mga kamay nila.

Walang arte arte sa ngayon. Napasinghap siya ng may kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang kanilang mga palad. Nadismaya siya ng binawi ka agad ng binata ang kamay.

Nagsimula ng kumain ang lahat. Marami ang pagkain-may letchong manok, sinugbang isda, kamote at iba't iba pang gulay. Sa unang pagkakataon ay masaya siya para kasing nagkaroon ng isang simpleng pista sa maliit na kubo. May nagkukwentuhan, tawanan at masaya ang lahat.

Ngunit ang mga mata ni Eya ay nanatiling nakatitig kay Nico na kasalukuyang kasalo ang lola Carmen nito. Paminsan minsan ay tumatanaw din ang binata sa direksiyon niya na agad din naman siyang lumalayo ng tingin at daliang balikan ito ng tingin na kumbaga'y huhulihin niya ngunit napasimangot siya ng hindi man niya ito mahuli. Nagiging assuming na siya. Hindi ba siya type ng lalaki? Maganda naman siya ah, sexy, mayaman ano pa bang kulang don?

Mabilis na lumipas ang oras at maghahapon na at gumayak na sila pauwi.

"Eya halika na" tawag ng kanyang papa. Ayaw pa sana niyang umuwi at tinitignan ang kapehan. Hindi pa kasi umuuwi si Nico at ang lola nito. Gusto pa sana niyang manatili para matitigan ito ngunit ano naman ang maidadahilan niya para magpaiwan?

"Hindi ba pwedeng mamaya na ako umuwi papa?" nagtatakang tinignan siya ng ama.

"Aba'y anong nakain mo at gusto mong magtagal dito? Akala ko ba ay ayaw mo dito at napipilitan ka lang kanina na sumama"

Bahagyang malakas ang tinig ng kanyang papa niya. Agad din siyang dumipensa baka marinig siya ni Nico at akalaing maarte siya, oo aminado siyang maarte siya pero ayaw niyang ma bad shot sa binata.

"Wala naman. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala dito"

Sakto namang nagligpit ng mga baonan si Lola Carmen. "Uuwi na po kayo Lola?"

"Oho. Don Simon, Senyora Delia mauna na po kami" paalam ng matanda. Lumapit si Nico at nagpaalam din. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang panandaliang pagsulyap ni Nico sa katawan niya. Kumikislap ang mga mata. Kung ibang lalaki ito paniguradong mababastos siya pero pagdating dito ay nag-iinit siya, nadadala siya sa malakas na intensidad ng mga tingin nito.

Biglang may kung anong apoy ang nabuhay sa loob niya. Nang magtama ang kanilang mata ay automatikong gumuhit sa mga mukha niya ang isang nananabik na ngiti.

"Nico"

"Señorita" tango ng binata at tuluyan ng tumalikod. Hindi nilubayan ng paningin niya ang papalayong pigura ng lalaki hanggang sa wala na siyang matanaw.

"Kung nais mong magpaiwan at ienjoy ang paligid sa kapehan aba'y maaari naman tayong magtagal-" hindi na natuloy ang sasabihin ng ina niya ng sumakay na siya sa nag aantay na kotse ng ama.

"ahhh wag na mama. Naiinip na ako at saka andaming lamok" at marteng hinahaplos ang puting balat.

Habang bumabaybay papauwi ang sasakyan. Tahimik na nakaupo si Eya, malalim ang iniisip. Well she can't get enough of that man, Nico. There's something in him that pulls her closer to him. Wala siyang pakialam kung puppy love lang ito pero alam niya ang gusto niya. Too bad I always get what I want. Be ready Nico...

...iiponin ko lahat ng genie sa buong mundo maging akin ka lang....

Sumilay ang isang ngisi sa mukhang ni Eya.

Kinabukasan pagkatapos sa eskwela ay maagang lumabas sa gate si Eya. Plano niya sanang pumunta sa kapehan at ng masimulan na niya ang mga hakbang upang lubusang makilala ang lalaking nakilala niya kahapon. Kinikilig siya habang iniisip na nandoon ang kanyang sinisintang si Nico. Hay ang pag-ibig nga naman..

Inis na inis na tinignan ni Eya ang kanyang mamahaling wrist watch. It's 3:23 na at wala pa atang planong sunduin siya ni Mang Abner, ang family driver nila. Kainis. Baka hindi na niya maabutan ang pakay at magabihan siya pauwi. Another strike na naman siya sa ama. Naku, paniguradong grounded na talaga ang aabutin niya.

Nang biglang nahagip sa gilid ng mga mata niya ang pamilyar na mukha.

"Nico" bulong niya. Pabalik balik siya ng kurap baka ay guniguni niya lang dahil sa sobrang kaiisip sa binata. Ngunit hindi ito nawala bagkus nakangiti ito ng pagkaluwang habang kausap nito ang isang grupo ng kalalakihan marahil mga barkada niya.

Napansin ni Eya na naka uniporme ito ng pangkolehiyo, ilang taon na kaya ito? kuryos na tanong ng kanyang isip. Kung ganun nag-aaral ito sa kolehiyo marahil ay tatlo o apat na taon ang tanda nito, she recognized his uniform and thank god his school wasn't far from hers. Mukhang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Humakbang siya para puntahan ang lalaki ng malakas na bumusina ang itim na kotse sa harap niya.

Napalundag siya sa gulat at ng makarecover ay pinandilatan niya ng mata si Mang Abner. Aba'y papatayin ba siya sa nerbyos nito?

"Pasensya na maam nasiraan ako kanina dinala ko pa sa talyer itong sasakyan" sigaw nito. Dali niya itong nilapitan dahil pinagtitinginan na siya ng mga estudyante. Mukhang mapapahiya pa siya ng wala sa oras.

"Umalis ka muna Mang Abner at nagbago ang isip ko...at saka sa susunod pwede ba huwag kayong sumigaw wala tayo sa bukid" masungit niyang turan.

Nakonsensya siya saglit ng makita ang apologetic look sa mukha ng matanda. Argh siya lang ata ang demonyang maawain. Umalis na ang kotse at binalikan niya ng tingin ang kinaroroonan ni Nico.

Halos sumpain niya ang mundo ng makitang wala na ito. Bwesit.