webnovel

Magic Within Me

Zie Aer is a not your ordinary girl. Although she desires to be normal, it is impossible for her to be one until she met Yael Zed Oria popularly known as Yzo. Yzo is a believer of all sorts of magic. She believes therefore she desires to be extraordinary. Join their journey as they unlock the secrets of their past, unravel myths, and overcome misfortune as they discover each of who they really are and who they were meant to be.

NicocolinePH · Fantasy
Not enough ratings
9 Chs

Aice Velmont

8th day of February-Friday,

2018

Manila, Philippines

Earth

Yael Zed Oria

Everything is in a big Mess. Geez. I was late again and the PM's kept staring at me. Darn it. I didn't do anything to them, well except that I beat them again in a quiz bee. Sheet.

May lumapit sa'king tatlong PM na nagpakaba sa akin ng bigla. Again, my physique issues are becoming very obvious to me again. Ba't ba kasi ang pangit ko? Ang taba ko pa. I tried to diet pero kumakaway sakin ang mga pagkain kaya't diko maiwasan ang kumain.

''Hey, uhm, your Yael Zed Oria right? We are from the MJC (Master Journalist Club), we would like to have a talk with you regarding the Quiz Bee.'' Muntik na akong mapanganga sa harapan nila ng marinig iyon. I mean, itong mukhang to? I-interview-hin para sa School Newspaper?

''Uhm. Okay.'' I was really delighted inside. Gosh! Pero di ko pwedeng ipahalata. Kunyari kalmado lang ako. Yzo stay calm.

''We're...kidding! Why would we interview you? Mahawa pa kami sa mga...pimples mo. Let's go girls.'' And they walked out leaving me dumbfounded, this is bullshit. Yumuko na lang ako sa pagkapahiya.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong sinampal ng ilang ulit ng katotohanan na kahit anong talino ang meron ako, everything will stay the same.

Narinig ko naman ang mumunting bulungan at halakhakan ng mga estudyante. Nandito nga pala ako sa Cafeteria, tiyak kakalat na agad ang tsismis na to. Wala si Lauren ngayon may lakad daw siya kaya binubully ako ng kung sino sino. Si Kuya naman wala lang. Matuto daw akong ipagtanggol ang sarili ko. Kailangan ko din daw mag ayos at  mag diet para gumanda naman ako. Sayang ang genes kung di ko daw i-shoshow off tulad nya.

Gustuhin ko man na umiyak, life must go on. Di ko dapat ito damdamin. Muli ay kumain ako na parang walang nangyari at maya-maya pa ay umalis na ako dun. Puro bulungan ang naririnig ko habang naglalakad ako palabas ng cafeteria. Napadaan naman ako sa table nila kuya. Tumayo lamang ito, patted my head and smiled at me bago ako hayaang umalis.

Naglakad lakad ako sa malilim na parte ng campus, life wasn't that hard on me, school in fact was hell for me. Sa paglalakad ko ay di sinasadyang napunta ako sa library. I found myself there reading again about some mythical creatures and fairies, phoenixes, shape shifters, blood suckers, at kung ano ano pa. Madalas ko 'tong gawin specially kapag down ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag babasa ng mabuklat ko ang isang pahina, the title was written in an elegant way, para pa ngang kumikintab ito,

''Aelari's'' bigkas ko, it triggered my curiosity and when I was about to read it someone pulled the chair infront  of me. I was startled by the sudden movement kaya napasigaw ako ng bahagya.

''Sweet Sheep! Wth?'' Tumingin naman ako sa harapan ko at nakita ko yung nerd na nakabunggo ko kahapon.

''Anong ginagawa mo dito?'' Tiningnan ko ito nang may halong pagtataka. Nakakabigla naman kasi ang pagsulpot nya out of nowhere.

''I heard you saying 'Aelari'  kaya lumapit ako.'' His eyes were glittering with excitement. Anong meron sa lalakeng to? Daig nya pa nakadrugs.

''Ugh? So what's with them? I mean sila ang nagtatag ng school na to. Is there anything wrong mentioning their name?'' Kung kanina ay punong puno ng excitement ang kaniyang mata ngayon halatang dismayado ito.

''Yes, the Aelari's are the founder of the school but there's more about being an Aelari. It is said that this school has many secrets. That there is another world than ours. That the fairies, pixies, witches, sorceres, etc. do exist. We just need to figure things out. We need to find the key to get in.'' Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Too much information, I guess? I just stared at him and gave him a weird look.

''I know that you think I'm being weird but I've been collecting clues, info's. I've read that book a hundred times pero ngayon ko lang nakita ang pahinang tungkol sa mga Aelari, maybe you can help me. Maybe you are the key.'' Makahulugan nyang wika. Okay... now he's freaking me out.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nakadrugs ka ba? Or are you delirious?" I tried checking his temperature baka may sakit lang to at nagdedeliryo na pala kaya kung ano-ano ang sinasabi.

Tiningnan nya na lang ako. Like he was confused. Maya-maya pa ay may dumating na lalake na nagmula sa PM.

''Is it her?'' Tanong nito kay nerdy guy at pinasadahan ako ng bored na tingin.

''No Terrence, I guess nagkamali lang ako. She's not the jmepwg'' Bahagya lang ang pagkakarinig ko sa mga sinasabi nila.

"Then we need to remove all the info's you gave in her mind." Okay now the Terrence guy is being weird too. Tumayo naman ang balahibo ko ng itinaas ni Terrence ang kamay nya.

''Okay.'' Lumapit sila sakin at hinawakan ang kamay ko, nagulat ako sa init ng kamay nila, tila may hinihigop ito sa katawan ko then nanghina ako. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Syempre joke lang yun. Sakyan ko na lang muna ang trip ng dalawang to. Nang tinanggal nila ang kamay nila ay pareho silangtumingin sakin. Nag usap sila ng mahina then tumingin sa'kin.

''Naaalala mo pa ba ako?'' Adik ba to? Pagkatapos nya akong daldalin ng tungkol sa mga Aelari ay akala nya makakalimutan ko sya agad? Umacting naman akong naguguluhan sa mga nangyayari.

''Oo, akala mo sakin makakalimutin?'' Nakita ko kung paanong lumaki ang mata nya at tumingin kay Terrence na medyo gulat din. Pinigilan ko namang matawa at baka sitahin kami ng librarian.

''Kasamahan mo ba siya sa pag gawa ng kabaliwan mo dito? Or nasa gag show ako?'' Lumingong lingon naman ako at baka may hidden camera talaga.

''Huh? Paano?'' Tila gulat at hindi makapaniwalang tanong nito na di ko alam kung para sa akin, kay Terrence, o sakanya.

''Umalis na muna tayo. Kung hindi sya yung Gate Keeper baka isa siya sa mga kailangan ipadala sa City of Larias.'' Sumulyap muli sakin si Terrence bago tumalikod. Tumayo naman si Mr. Nerd at nagpaalam.

''Babalikan kita. But if you already need me, contact me.'' He then handed me a card at umalis na sya.

Sinulyapan ko yung card and a strange name was written in it.

Aice Velmont. Parang pang Harry Potter lang ang pangalan. Natawa naman ako sa naisip.

But as I think about it, they really are acting weird. Gate keeper? Anong akala nila saakin? Gwardya? City of Larias? Where the hell is that?