webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 15

Masakit pala kapag niloko ka ng taong pinagkatiwalaan mo. 'Yong taong akala mo hindi ka sasaktan pero patago kang niloloko at nagawa pang magsinungaling sayo.

Isang linggo na ang nakaraan mula noong tumawag ako sa kanya na si Adelah ang nakausap ko,at hindi parin nawala sa aking isipan ang narinig ko.Masakit para sa akin ang ginawa niya.Ang sabi niya, huwag ako mag selos dahil kaibigan niya lang si Adelah pero bakit ganon ang narinig ko?Daig ko pa ang isang asawa na may kabit na tinatago.Bakit kailangan niya pa magsinungaling?Bakit kailangan niya pa ako saktan sa ganitong paraan?Pwede naman siya mag sabi,hinde iyong sa iba ko pa marinig.

"Fahrhiya, stand up." Ma'am Garcia said our Science teacher and adviser. " What is the Difference Between an Atom and a Molecule? " Tanong nito nang maka tayo ako.

" I'm sorry ma'am I don't know the answer, " naka yuko na sagot ko dahil sa hiya.

" May problema ka ba Fahrhiya? " Napa-angat ako ng tingin sa tanong ni ma'am." Isa ka sa mga top honor pero bakit mababa na ang iyong mga grado? Hindi kana rin active sa klase at madalas ka ng hindi nagpa-participate.Do you have a problem?"

" Wala po ma'am."

I can't say yes. Problema ko 'to I can handle this na walang ibang karamay kundi ang sarili ko.I admit na mababa ang grades ko hindi lang sa Science kundi sa lahat ng subject. Okupado ang utak ko sa dami ng aking iniisip.Dagdag pa iyong narinig ko noong tumawag ako kay Kenneth.Pati problema sa aming pamilya na hindi ko alam kung kailan ma resulba.Hindi ko alam ang gagawin para ma lusotan ang problema ko kahit anong distraksyon ang gagawin ko sumasagi parin ito sa isip ko.

"Kung may problema kayo,pwede kayo lumapit sa akin pwede kayo mag sabi sa akin dahil adviser niyo ako.Pangalawang nanay niyo ako sa paaralan na'to."

Sana nga ma'am ganun lang ka dali mag open ng problema sa isang tao.Sana ganyan din ako ka tapang tulad ng ibang tao na kayang magbahagi ng kanyang buhay sa iba. Wala akong lakas na loob para mag sabi non, kahit sa mama ko o sa mga kapatid ko pa.

"Friend," tawag sa akin ni Mea. Nakayuko ako sa armchair ng aking upuan habang hinihintay ang second subject teacher namin.

"Umm."

"Huwag mo sanang masamain itong sasabihin ko ha."

Umangat ako ng tingin at humarap sa kanya. " Bakit?"

"Na pansin ko lang kasi na a-no, amm-,"

"Diritsahin mo ako Mea," wika ko dahil na uutal siya at parang ayaw sabihin sa akin ang dapat niyang sabihin kanina.

"Napansin ko lang na mula noong hindi kayo nagpapansinan ni Kj nag iba kana. I mean, kagaya noong sinabi ni ma'am kanina. Hindi ka kasi ganon Ri e, may problema ba? "

" Kung tungkol sa aming dalawa ni Kenneth, wala kaming problema, trip ko lang na hindi siya pansinin ng isang linggo, " I lied. " Na miss ko lang si papa."

Ang alam lang ni Mea ay nasa Bukidnon si papa, hanggang doon lang ang alam niya dahil ayaw kong ka awaan ako kapag sinabi ko ang totoong rason bakit umalis si papa.

" Pwede mo naman siya tawagan may cellphone ka na. "

Oo nga no, bakit hindi ko 'yon na isip. Na buhayan ako ng dugo sa sinabi ni Mae. Biglang nanumbalik ang aking sigla at sa isang iglap na wala lahat ang bigat ng aking pakiramdam.

"At saka, kausapin mo na si Kj para hindi na mag alala yong tao. Kawawa naman, hindi alam ang rason kung bakit hindi mo siya pinapansin. "

'Kung alam mo lang ang rason friend baka ikaw mismo ang magsabi na huwag ko siyang kausapin' saad ko sa aking isipan.

"Kausapin ko mamaya."

Hindi ko alam kong paano ko siya kakausapin, kung gusto ko pa siyang kausapin kasi siya mismo walang ginawa para kausapin ako. Hinayaan niya lang ako kung hanggang kailan ko siya kausapin muli. Pwede naman siya gumawa ng paraan dahil isa siyang makulit, pero sadyang wala sa kanya ang mag suyo ng isang tupakin na girlfriend.

Nag alala pala siya bakit ni minsan hindi man lang siya nag tangka na kausapin ako. Umabot na nga ng isang linggo.

"Alam niya ba na may cellphone ka?"

"Hindi niya alam-, "

"Bakit naman hindi niya alam?!"

" Hindi ko sinabi e kaya hindi niya alam. "

" Baka may iba kang syota kaya hindi mo pina-alam na may cellphone ka. "

" Hala siya! Ako pa talaga? Hindi ako ganon no! "

" Biro lang, ito naman. "

Hindi ko sinabi dahil gusto ko siya mismo ang makaalam. Siya mismo ang mag text o tumawag sa akin dahil bakit naman hindi pwede diba? Pero wala talaga. Hindi niya alam o baka hindi niya inalam o baka alam niya pero ayaw niya lang. Bahala siya.

Nagsimula ang aming klase at naging active akong muli. May alam naman ako, nag advance reading ako pero sadyang ang mga problema ko ang sumasagi sa isip ko nitong mga nakaraang araw kaya ganon ang epekto sa aking pag-aaral.

"Very good, Fahrhiya. Sana tuloy-tuloy na iyang pagiging active mo ulit sayang naman at nasa top honor kapa naman, " ma'am Aquino said pagkatapos kong mag recite. Ngumiti ako sa kanya bago umupo.

" Inspired ulit ang maganda kung best friend, " bulong ni Mea.

" Thank you," I mouthed.

Hanggang sa matapos ang last subject ay ganado ako. Uuwi ako na may ngiti sa labi at masaya. Bagong achievement na naman self.

Bahagya akong napatigil sa aking paglalakad ng makita ko si Kenneth na naka sandal sa tindahan ni Ante Mona. Naka sukbit sa kanyang balikat ang kanyang pulo uniform naka tsinelas narin siya at magulo ang buhok ngunit ang gwapo parin tingnan. Tumabingi ang aking ulo nang makita ko ang kanyang mukha. Seryoso ito at naka kunot pa ang kanyang noo, ano kaya ang iniisip ng lalaki na'to?

Hindi na ako dumaan sa tindahan at dumiritso na ako pa uwi. Hindi naman siguro ako ang hinihintay.

"O! Bakit nandito kapa?" Rinig kong tanong ni Mabel.

"Hinihintay ko si Riya," sagot ni Kj na ikinatigil ko.

"Dumaan na siya hindi mo na kita?"

"Galit ba sa akin ang pinsan mo, Bel?"

Nanikip ang dibdib ko sa aking narinig.Walang pag alinlangan na bumalik ako sa aking dinaraanan. Hindi ko man siya nakita pero ramdam ko ang lungkot at pagtataka sa boses niya dahil sa aking inasta.

"O! Ri?!" Nagulat pa si Mabel nang makita ako.

"Nakalimutan ko mag palit ng tsinelas," sagot ko at kinuha ang tsinelas ko.

Nahugot ko ang aking hiniga ng ma amoy ko ang pamilyar na pabago ni Kenneth. Na miss ko ang amoy niya isang linggo rin kami hindi nagkasama.

"Pansinin mo na ako bhe. Miss na kita."