webnovel

Jin (Chapter 13)

ISANG tanghali ay napag-utusan si Jin na tumulong sa paglilinis ng kwadra ng mga kabayo dahil nagkasakit ang isang tauhan na naka-assign doon. Wala na rin namang masyadong trabaho sa sakahan.

Nakahubad-baro lamang siya noon at kupas na pantalong maong na butas-butas sa may tuhod. Talagang naliligo siya sa pawis sa sobrang init ng panahon. Lima lang silang naglilinis no'n.

Binigyan sila ng break para mag-snack at magpahinga. Dahil sa hindi naman niya kilala ang ibang trabahante ay mas pinili niyang manatili sa loob. Samantalang ang apat niyang kasamahan ay nagsilabasan.

"Jin..."

Namilog ang kanyang mga mata nang makita si Marian sa may pintuan. Animo'y naengkanto siya sa kagandahan nito. Nakasuot lang ng maikling shorts at puting manipis na sando. Basa pa ang buhok at halatang kakatapos lamang naligo. Kaagad siyang tumayo. Ang dalaga naman ay tumakbo palapit sa kanya. Nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit.

"Marian, basang-basa ako ng pawis at ang baho-baho ko na," nahihiya niyang sabi pero gumanti rin naman siya ng yakap sa dalaga. Napapikit siya sa sobrang bango nito.

"Mabango ka pa rin naman, e," malambing na sabi ni Marian na inamoy pa siya sa bandang leeg. Hindi pa naman siya nakapagpunas ng mga pawis sa katawan.

Nanatili lamang silang magkayakap. Kumabog ang puso niya nang mga sandaling iyon.

"Buti at nandito ka, Jin. 'Di ba dapat nasa sakahan ka? Perfect lang ang timing na naisipan kong pumunta rito."

"Pinatulong ako rito, e. Bakit ka nga pala nandito? Wala kang pasok?"

"One week kasi kaming walang pasok dahil sa Intramurals namin. Wala naman akong sinalihan kaya umuwi na lang ako rito. At saka namiss kita, Jin. Buti na lang at walang ginawa si kuya Glen sa 'yo matapos ng nangyari sa ilog."

Kumalas siya mula sa mahigpit nilang pagkakayakap. Nagtitigan sila ni Marian. Mas lalo siyang kinabahan. Kung alam lamang ni Marian ang nangyari sa kanila ni Glen.

"Marian, namiss din kita. Sa totoo lang hindi ka na nawala sa isipan ko magmula no'ng nangyari sa ilog," mahina niyang sabi.

"Jin, kung maging tayo na lang kaya," sabi ni Marian sabay ngiti.

"Okay lang talaga sa 'yo? Kahit ganito lang ako?"

"Bakit ano ka ba? Alam mo napakamanhid mo talaga, Jin. Matagal na kaya kitang gusto. High school pa lang tayo crush na kita," pagtatapat ng dalaga.

Bumuntong-hininga si Jin. "Hindi ako manhid, Marian. Sa tingin ko, hindi lang talaga bagay ang estado natin sa buhay. Nahihiya ako sa 'yo at lalo na sa pamilya mo," seryoso niyang sabi.

Muling yumakap sa kanya si Marian nang mahigpit. "Jin, wala akong pakialam sa kanila. Sabihin mo lang sa akin na gusto mo rin akong maging kasintahan at ngayon mismo ay magiging tayo na. Ipaglalaban kita kahit kanino," sabi nito.

Gumaan ang loob ni Jin sa narinig. "Hindi lang kita gusto, Marian. Mahal din kita," sabi niya.

Napakalas si Marian mula sa pagkakayakap sa kanya. "So tayo na ha," sabi nito.

Ngumiti siya sa dalaga. Hindi na siya umimik pa at bigla niya itong siniil ng halik sa mga labi. Kaagad namang tumugon si Marian sa kanya. Walang pagsidlan sa labis na tuwa ang puso ni Jin nang mga sandaling iyon.

Kapwa sila naghabol ng hininga pagkatapos. Nagtitigan sila. Namumungay ang kanilang mga mata.

"Yap, baka mahuli na tayo rito, e," nag-aalalang sabi ni Jin.

Nangunot ang noo ni Marian. "Sinong yap?" maang nitong tanong.

Natawa siya. "Iyon na ang tawagan natin magmula ngayon. Binaligtad ko lang ang pie kaya yap," sabi niya. Napakamot pa siya ng ulo. Baka kasi nakornihan sa kanya si Marian.

"Okay, yap. Bilis makaisip ha. Ang cute," sabi ni Marian.

"Pasensiya ka na sa hitsura ng nobyo mo ha. Ang dungis-dungis."

Natawa si Marian. "Dahil nga sa pagiging madungis mo kaya na-in-love ako sa 'yo, e. 'Di ba minsan ko ng nasabi sa 'yong gusto ko 'yong lalaking-lalaki. At ikaw ang definition ko sa lalaking-lalaki na sinasabi ko. At saka nababanguhan nga ako sa pawis mo, e," sabi ni Marian at kumagat-labi pa.

Hindi na siya nakatiis. Muli niyang inangkin ang mga labi nito. Muli nilang pinagsaluhan ang isang maalab na halik. May gusto pang mangyari si Jin nang mga sandaling iyon pero alam niyang hindi pupuwede.

"Sige na, yap. Umalis ka na rito bago pa tayo mahuli," pagtataboy niya sa dalaga.

"Actually, kaya ako nagpunta rito kasi namiss ko ng mangabayo. Since nandito ka naman so ikaw na lang ang sasakyan ko, yap," natatawang sabi ni Marian.

Kumunot ang noo ni Jin. "Akala ko ba virgin ka pa?" tanong niya.

"Oo, virgin pa naman ako. Gusto ko ngang ikaw ang makauna sa akin, e."

"E, bakit sabi mo miss mo na ang mangabayo?"

"Huh? Porket sumasakay ako ng kabayo, hindi na ako virgin, gano'n?"

Natawa si Jin. "Sorry, hindi lang kita agad naintindihan. Akala ko, lalaki kinakabayo mo," sabi niya.

Bigla siya nitong kinurot sa tagiliran. Napangiwi naman siya sa sakit. Nag-aalala naman kaagad si Marian at hinalikan siya sa parting nakurot nito.

"Sorry na, yap," malambing na sabi ni Marian.

Nakaluhod na ito sa kanyang harapan. Kaagad naman siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Lalong bumukol ang kanyang harapan dahil sa unti-unting pagtigas ng kanyang kargada.

"Yap, namiss ko 'to," sabi ni Marian sabay dakma sa kanyang harapan. "Ikaw ha, tinitigasan ka na naman sa akin," pilya nitong sabi na hinimas-himas na ang kanyang bukol sa harapan ng pantalon.

"Namiss ko rin ang sa 'yo, yap. Hindi natuloy ang sa ilog, e. Baka maunahan pa ako ng iba." Hinila niya si Marian at siniil na naman niya ng mariing halik sa mga labi.

Kaagad namang naglakbay ang mga kamay niya sa malambot nitong katawan. Habang patuloy siya sa pakikipaghalikan dito ay nilamas naman niya ang mayaman nitong mga dibdib. Hanggang sa ibinaba niya ang kanang kamay at ipinasok sa loob ng manipis na shorts at panty nito.

Kaagad niyang nasalat ang pagkababae nitong may mga balahibo. Hinimas niya iyon at hinanap ang kuntil. Nang mahanap iyon ay gigil na gigil siyang pinaglaruan iyon at pinisil-pisil pa. Napaigtad si Marian sa kanyang ginagawa. Naghiwalay ang kanilang mga labi.

"Ang sarap, yap," sabi ni Marian.

"Yap, kailangan na talaga nating itigil ito, baka mahuli tayo."

Bigla siya nitong hinawakan sa kamay at hinila. Hindi niya alam kung saan sila papunta basta pumasok sila sa isang maliit na kwarto na puno ng mga damo. Ini-lock ni Marian ang pintuan.