webnovel

Daniel (Chapter 8)

"RUBY, nasa labas na ako ng gate ninyo," sabi ko kay Ruby.

I called him. Medyo ninenerbyos ako kasi mukhang maraming bisita sa loob.

"Sige, Daniel... wait sandali ha, pupuntahan na kita diyan!"

Halata sa boses niya ang excitement. Tsk... wala man lang akong maibibigay na gift sa kanya.

Ilang sandali lang ay nakita kong palabas na siya ng gate kasama ang dalawang kaibigan na mga member din ng federasyon.

Hindi ko masyadong kilala ang mga ito. Napakaseksi nila sa kanilang outfits.

Bugbog din ng make-up ang mga mukha nila. Pero bagay rin naman sa kanila kasi para naman silang mga babae tingnan.

Nagpi-pills kasi sila. Kung ako kaya ang mag-crossdress? Bagay rin kaya?

Napatawa ako sa aking naisip. Magmumukha lang akong baklang bakulaw siguro.

"Hi, Daniel..." halos sabay nilang bati sa akin.

Nginitian ko lang sila. Lumapit agad si Ruby sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi na ako tumanggi pa. Birthday naman niya kaya pagbibigyan ko na lang.

Nang kumalas si Ruby mula sa pagkakayakap sa akin ay saka ko siya binati.

"Thank you, Daniel. Siyanga pala, mga kaibigan ko," pagpapakilala ni Ruby sa mga kasama.

Nabigla ako kasi biglang hinawakan ng isa ang kanang kamay ko para makipag-shakehands. "I'm Yumi..." pakilala nito.

"Daniel..." pakilala ko naman.

"Opppsss... ang kamay!" parang naiiritang sabi ni Ruby.

Mabilis namang binitiwan ni Yumi ang kamay ko at tumawa. "Napakaselosa naman ng pekpek mo, Ruby!"

"Binalaan ko na kayo 'di ba? Akin lang si Daniel," nakataas-kilay namang sabi ni Ruby.

"Over..." sabi naman ng isa. "I'm Chersey nga pala..." pakilala nito na hindi na nagtangkang makipag-shakehands pa sa 'kin.

Pangiti-ngiti na lang ako. Ini-enjoy ko na lang ang moment.

Pero sa loob-loob ko nang mga sandaling iyon ay para na akong naloloka sa kanila.

Hinding-hindi talaga nila ako naaamoy. Kalurky talaga haha...

"Ang gwapo mo talaga Daniel at ang bango-bango pa," kinikilig na sabi ni Ruby.

Ngumiti ako sa kanya at nagpa-cute pa kaya mas lalo siyang kinilig.

Nakatsansing pa agad nang kinurot niya ang tagiliran ko pero mahina naman kaya natawa lang ako.

Hinawakan niya ang aking kanang kamay at nilaro ang mga daliri ko. Medyo nakaramdam ako ng kiliti sa ginagawa niya.

"Pasensya na Ruby, wala akong dalang gift para sa 'yo," mayamaya ay hingi ko ng paumanhin.

Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko no'n. Para na talaga kaming lovers.

Halata namang naiinggit sina Yumi at Chersey sa eksenang iyon. Nginitian ko na lamang sila.

"Ano ba... Okay lang 'yon, 'no. Ikaw ang best gift ko ngayong gabi. Thank you so much Daniel at hindi mo ako binigo."

Halatang seryoso siya sa kanyang sinabi. Namumungay pa ang mga mata niyang titig na titig sa 'kin.

Binigyan ko naman siya nang isang napakatamis na ngiti. Kinilig na naman ang bakla.

"Ruby, pasok muna kami ha," mayamaya ay sabi ni Yumi.

"Mas mabuti pa nga. Nakakaumay na rito, e," sabi naman ni Chersey.

Nagtawanan kaming apat. Infairness, totoong napatawa ako sa sinabing iyon ni Chersey.

"Gaga! Mas mabuti pa ngang umalis na kayo para masolo ko na si Daniel," pasigaw namang sabi ni Ruby.

Tawa pa rin ako nang tawa. Sabay na tumalikod ang dalawa at parang nasa isang fashion show na rumampa papasok ng bahay.

"Pasok na tayo, Daniel. Are you hungry na?" she asked me.

Pero bigla akong nagdalawang-isip na pumasok. Ewan ko ba pero nahihiya akong pumasok nang mga sandaling iyon.

"Ruby, dito na lang tayo. Hindi naman ako magtatagal, e. Saka kumain na ako bago pumunta rito. 'Di ba sinabi ko na 'yon sa 'yo kanina?" I told him.

Actually, medyo nagugutom na ako no'n. Kunti lang naman talaga ang kinain ko sa bahay.

Halata agad ang pagkadismaya sa mukha niya. Para tuloy akong nakonsensya sa aking sinabi.

"Grabe ka naman, Daniel. Minsan lang ako mag-birthday tapos ganyan ka pa!" nagtatampo niyang pahayag. Binitawan pa ang kamay ko.

Napabuntong-hininga ako at ako na mismo ang humawak sa kamay niya ulit. Tsk... lumabas na naman ang pagka-KJ ko.

"Pero kung 'yon talaga ang gusto mo... okay. May magagawa pa ba ako?" Nakayuko siya nang sabihin iyon.

Nakaramdam naman agad ako ng habag para sa kanya.

Napag-isip-isip ko ring since nandoon na ako, paninindigan ko na lang.

Basta uuwi na ako bago pa maghating-gabi. Napatingin ako sa suot kong relo.

Mag-aalas-diyes na. Hinawakan ko ang beywang niya.

"Okay-okay... pero uuwi na ako bago pa mag-twelve, ha. 'Yon kasi ang paalam ko kay nanay," sabi ko.

Napangiti naman agad siya sa sinabi ko. "Okay, you're the boss!"

Tsk... buti naman at mukhang mabait din naman si Ruby. Mabilis makaintindi.