webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 15)

Walang saysay ang christmas party. Pagkatapos ng exchange gift ay uwian na. Kaya napag desisyunan ng tropa na gumala at pagdating ng gabi ay gumimik.

"Hay! Ang ganda ng nabunot ko." ani Aiko na panay ang pag daydream. Bakit hindi? Paborito nya nakuha nya,Hello Kitty na stuff toy. "Hindi ko na kailangan mag alaga ng pusa."

"Duh? Hindi pusa si Hello Kitty! Outdated?" pambabara ko dito. Mas cute pa din si Chaji no? Yun nga lang hindi pa nila alam.

"Basta!"

"Ako naman okay naman nakuha ko. Ang ganda ng bracelet kahit silver lang." ani Karissa.

"Ako? Bwisit. Anong gagawin ko sa bikini? Wala naman magsusuot nun." sambakol na sabi ni Teban na ikinatawa namin.

"Bigay mo sa magiging girlfriend mo." ani Chance na naluluha na kakatawa.

"Ikaw,Kiji? Anong nakuha mo?" tanong ni Khaim. "Ako,ang swerte ko. Yung sayo pa talaga nabunot ko. Salamat sa cap."

Wala kasi akong maisip na exchange gift,kaya unisex na cap na lang.

"No problem! Ako? Ano..Uhm.." nahihiya kong sagot. Kasi isang set ng panty naman nabunot ko at tinago ko agad sa bag kong dala. "Basta,secret. Ikaw Chance?"

"Secret din." ang suplado nyang sagot. Abnormal talaga ang animal na to eh. "Kamusta na si Chaji? Baka pinapabayaan mo ah? Patay ka sa akin."

Syempre inaalagaan ko! Mas mabuti pa nga si Chaji hindi ako inaalipusta,hindi gaya ng nagbigay. Lugi nga lang ako pag kinakausap ko si Chaji,wala akong nakukuhang sagot.

"Sinong Chaji?" halos sabay sabay na tanong ng apat. Buti na lamang at pumara na agad ng jeep si Chance at hindi na namin kailangang sagutin ang tanong nila.

Sa Mall of Asia kami nagpunta. Tutal trip namin manood ng sine. Nagtalo talo pa kami kung anong papanoorin.

Si Khaim ang katabi ko kaya kami ang share sa popcorn. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nakaramdam ako ng panunubig.

"Mag cr lang ako." paalam ko sa kanila at tumayo na ako.

"Ako din." ani Khaim at sumunod.

Sa urinal dumiretso si Khaim at ako naman ay sa cubicle. Nang matapos ay halos sabay kaming naghugas ng kamay sa sink.

"Anong balak mo sa pasko?" aniya. Sa reflection namin kami nagtitinginan.

"Sa bahay lang. Importanteng araw iyon eh." sagot ko at ngumiti.

"Sayang! Imbitahin sana kita. Hindi na kasi kita masolo." nakangising sabi ni Khaim kaya hinampas ko sya sa braso.

"Baliw! Galing na ako sa inyo nung nakaraan ah? Sobra na ata pati kung pasko ay nandun ako."

"Its okay. My family likes you. Kasi alam nilang gusto kita."

Hindi ako nakasagot. Parang nagjumping rope ang heart ko ning.

"Ikaw talaga--"

Naputol ang sasabihin ko dahil hinalikan nya ako sa pisngi. Parang nag fiesta yung mga kuliglig sa katawan ko.

"Its true. Gusto talaga kita. Hindi lang ako makakuha ng tyempo. Wala akong pakialam kung pareho tayo ng kasarian. I just like you so much."

Kaya pagbalik namin sa pwesto ay natulala na ako. Iniisip ko ang mga sinabi ni Khaim,oo kinilig ako at gusto ko ang narinig ko. Matagal ko na syang crush at pwedeng pwede kong samantalahin ang pagkakataon. Pero bakit parang may pumipigil sa akin?

Tiningnan ko isa-isa ang tropa. Parang may kulang?

Teka? Nasan si Chance? Bakit wala ang animal?

"Huy,Teban. Nasan si Chance?" ang pagkalabit ko kay Teban. Nakatingin pa din ito sa screen ng sumagot.

"Sumunod sa inyo sa cr."

Huh? Sumunod sa Cr? Eh wala namang Chance na pumasok sa Cr eh?

Nilingon ko si Khaim na busy na din sa panonood. Sakto nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko agad kung sino ang nagtext.

Chance :

Dyan na kayo. May nakasalubong akong chiks eh! Ingat!

Montik ko ng maihagis ang phone sa inis. Buti na lang at naalala kong regalo iyon sa akin ni Khaim.

Ano naman kung man chiks sya? Baluga ba sya? Kailangan pa nyang itext sa akin? Bwisit! Akala naman nya maiinis at maaapektuhan ako,duh? Never.

Pero hindi ako mapakali. Tumayo ako at nagpaalam ako na bibili lang ulit ng softdrink,naubos ko kasi agad yung iniinom ko.

Paglabas ko sa sinehan ay nakita ko agad si Chance. Mag isa at walang kasamang chiks! Gusto ata nyang ma chiks ko mukha nya eh.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako dito. Tara!" lumapit sya at bigla akong hinila.

"Hoy! Teka! San tayo pupunta?!" ang pagpiksi ko pero hindi bongga,ayaw kong mapagkamalang nagger dito sa MOA.

"Boring eh. Saka nabadtrip ako sayo." hila pa din nya ako. Napagod na akong pumalag kaya nagpahila na lang din ako.

"At ano namang ginawa ko? At saka hahanapin nila tayo! Animal ka talagang Chance ka!"

"Huwag mo ng dagdagan ang badtrip ko,Kiji! Ako na bahala sa tropa. Manahimik ka na lang at sumama sa akin."

Hindi na ako sumagot,nananahimik na lang ako. Nakakapagod din naman kasing pumutak,lalo na at hindi ka naman papakinggan ng pinuputakan mo.

Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Para akong kinukuryente na ewan. Nakukuryente din kaya si Chance? Saka yung pagkalabog ng puso ko over acting na,ganon din kaya ang sa kanya?

Kasi naman,ayaw kong kaming dalawa lang ni Chance,naloloka ako pag nag iiba na ang mood nya. Okay ngayon,mamaya titirada na naman sya ng pang aalipusta. Lakas lang makalabas ng varicus vein sa noo.

Nakarating kami sa labas ng MOA,dinala nya ako sa may seaside.

"Tutunganga tayo dito?" ani ko at tumingin sa paligid. Medyo madami ding tao. May mga tropa,may lovers at may pamilya. Tumingin ako sa oras ng phone,5:33PM na pala.

"Sabi ko manahimik ka diba? Hintayin mo ako dito. Bibili lang ako ng mangangata natin habang nakatambay." aniya at tinalikuran na ako. Kaya ang ginawa ko ay gumaya na sa karamihan,umupo na din paharap sa dagat.

Last na araw na to na magkakasama ang tropa,christmas vacation na kasi,kaso sinira pa ng walangyang si Chance. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit nainlove ako sa bastos na iyon? Nakakapagtaka talaga.

Pagbalik nya ay may dala na syang box ng pizza at softdrinks. Naupo sya at inilagay sa gitna namin ang mga ito. Ako naman ay tinira ko agad ang pizza,hindi naman nakakahiya kasi kay Chance naman galing,wala din naman syang hiya.

Tahimik lang kaming kumakain habang nakatingin sa dagat. For some reason I don't get bored,parang kumpleto ang pakiramdam ko. Masaya ako na hindi ko maintindihan.

Nilingon ko si Chance,nakatingin lang sya sa dagat. Nang ibalik ko ang tingin sa dagat ay namangha ako. Papalubog na ang araw at kulay kahel na ang langit na may konting violet,kumbaga nag aagaw na ang liwanag ang dilim.

"Waaahh! Tungunu Chance! Ang ganda!" ani ko. Ewan,lagi ko naman nakikita ang langit na ganyan,pero iba pala pag nakikita mong palubog na talaga ang araw. Tiningnan ko si Chance,nakangisi lang sya.

"Sabi ko na eh,magugustuhan mo dito." full of confidence nyang sabi. Saglit akong natigilan pero ipinagkibit balikat ko na lang. Ganyan naman sya eh,kung anu-ano ang sinasabi.

Agad kong kinuha ang phone ko at pinicturan ang ganda ng view. Ngayon ko lang talaga ito na appreciate,bakit nga ba ngayon lang?

"Picture tayo Chance! Dali!" agad akong umakbay sa kanya. Ang papalubog na araw ang background namin. Continues ang shot na ginawa ko kaya hindi ko alam kung anong mga itsura namin ni Chance.

"Nakalubog na ang araw,tanggalin mo na pagkaka akbay mo!" masungit nyang sabi kaya agad akong bumitaw,binalik ko sa bulsa ko ang phone,mamaya ko ng pag uwi titingnan ang mga kuha namin.

"Nagsisimula ka na naman." inis kong sabi. Kailan kaya mangyayari na hindi nya sisirain ang mood naming dalawa?

"Punta pa tayo sa iba." aniya,tumayo at nagpagpag sa puwit,ganon din ang ginawa ko.

"San naman tayo pupunta ngayon?"

"Sa Q.Ave,sa may Guilly's. Tara." aniya,hinawakan ulit ang kamay ko at hinila ako.

Anong lugar iyon? Ang daming alam na lugar ng impaktong 'to ah?

Habang sakay ng taxi ay hindi ko pa din mapigilang mapaisip. Gusto kong tanungin si Chance kung ano ba talaga ang trip nya sa buhay? Predictable sya ngayon,mamaya hindi na. Ang hirap nyang basahin. Pero naisip ko na kesa pasikitin ko ang cerebrum ko sa kakaisip ay i-e-enjoy ko na lang ang moment.

Pagdating namin dun sa sinasabi nya ay na shock ako. Bar pala yon,at ang mokong nakalista na pala kami sa guestlist. Pagpasok sa loob pumapailanlang na ang mga mix na makabagong music,naeengganyo na akong mag headbang.

Ang dami daming sumasayaw sa dancefloor,mga kaedad namin,may mga nasa 20's na. Iba't ibang uri ng mga taong gimikero.

Hinila ako ni Chance sa may table na nakalagay na reserved. Dun kami naupo,ang sosyal! Ang lambot ng sofa!

Kumaway si Chance sa isang waiter,lumapit ito at may ibinulong si Chance. Tumingin ulit ako sa dance floor,parang ang sarap sumayaw,parang ang sarap umindak. Sobrang lakas ng tugtog,sa bawat pagdagundong ng bass ay dadagundung din ang dibdib mo.

"Anong masasabi mo?" ang malakas na bulong ni Chance sa tenga ko. Napapiksi pa ako kasi nakiliti ako sa hininga nya.

"Gusto ko ito. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa ganito." sagot ko,pero sadyang malakas ang music.

"Ano? Ibulong mo sa akin!" ang bulong nya ulit. Imbis na sumagot ay itinuro ko ang papalapit ng waiter. Umayos kami at inilapag ng waiter sa mesa ang isang bucket ng San Mig light at sizzling sisig,parang nakaramdam na naman ako ng gutom.

Kain at inom lang ginawa namin. Hindi naman kami makapag usap ng maayos dahil sa lakas ng music. Nang maramdaman ko ng umeepekto na ang alak ay tumayo na ako,gusto kong umindak.

"Sayaw lang ako Chance!" ani ko. Tumango lang ako at dumiretso na ako sa dancefloor.

Sa una ay simpleng indak lang ang ginagawa ko. Pero nung nakukuha ko na ang tyempo ng tugtog ko ay pinalaya ko na ang pagkahiya at umindak ng walang humpay.

Hanggang sa maramdaman kong may sumasayaw na din sa likod ko. Paglingon ko eh si Chance pala,kaya pala nagtilian yung mga katabi kong babae. Mga haliparot.

Hinawakan ni Chance ang mga bewang ko habang nasa likod ko pa din sya. I grinned at him,naramdaman ko sa aking likod ang kanya. Napakagat labi ako,I don't know but Im feeling naughty.

Hanggang sa yakap na ako ni Chance mula sa likuran at sabay na ang pag indak namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasang humiling na sana ay pareho lang kami ng nararamdaman,na iisa lang ang indayog ng puso namin tulad ng indayog ng tugtog at sayaw.

Biglang nag iba ang tugtog,naging mellow at sweet. Nagulat pa ako ng iharap ako ni Chance sa kanya. Inayos nya ang cap nya patagilid para siguro mas makita ko ang mukha nya. Tinitigan ko sya,hindi ko alam kung dahil ba sa alak o iba talaga ang nakikita ko sa mga mata nya.

Walang nagsasalita sa amin,at parang wala din akong naririnig kundi ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Ngayon lang,gusto kong pagbigyan ang sinisigaw ng puso ko.

"Napaka intense mong tumingin,Kiji. Nagkaka gusto ka na ba sa akin?" ani Chance. Hindi ako sumagot nakatitig lang ako sa kanya.

Tumingkayad ako at mabilisan ko syang hinalikan sa labi at saka ako tumakbo palayo doon. Nanakbo ako hanggang sa labas ng bar.

Nagtago ako sa likod ng isang van. Hinawakan ko ang labi ko at napangiti. Saglit lang ang halik kong iyon,pero iyon ang the best.