Kumalat agad ang balita na nagbreak si Chance at ang girlfriend niya, well hindi naman kalat na kalat, sa room lang naman namin. Aba kung sobrang kalat naman eh ang famous naman nila.
Somehow Ate Shawie, medyo sumaya ako. Alam niyo naman kung bakit, pero gano'n pa din ang set up, hindi ko pa din masyadong pinapansin ang bastos. Dyahe nga lang, kasi mukhang wrong move, kasi mas lalo ko syang nagugustuhan, mas lalo ko syang palihim na tinitingnan.
But the mere fact na puro pang aalipusta at pang iinis lang ang ginagawa nya sa akin ay gusto ko talaga syang ayawan kahit gustong gusto ko sya.
Ang hirap ng one sided love o unrequited love,ikaw lang mag isa ang nagdurusa,bwisit kasing Chance yan eh! Hindi ko pa din makuha kung bakit sya ang chinuwariwap ng heart ko.
"Tara na sa IR,baka maubusan tayo ng pwesto." naka ngiting sabi ni Khaim at hinawakan ako sa braso.
Hay! Sa kabila ng lahat,crush ko pa din sya,ganon naman talaga siguro 'yon diba? Kung super iwas ako kay Chance,super close na kami lalo ni Khaim,nahiling ko nga kay Mother Silveria na sana si Khaim na lang ang minahal ko.
"Tara! Paniguradong dudumugin na naman yun ng mga 3rd year at 5th year." ang sabi ko at tumayo na din.
"Mauna na kayo. Dadaan muna kami sa Gym,may ibibigay daw si Maam Pascual." ani Aiko.
"Alam nyo na,para sa singing career namin ito." dagdag pa ni Karissa.
"Sus! Sa The Voice kayo dapat sumali." pambabara ni Teban at bumaling kay Chance. "Tara na tol."
Pagdating sa canteen ng IR ay si Khaim na ang pumila para sa akin at naghanap na ako ng pwesto namin. Nakipag unahan pa ako sa isang 2nd year na babae base sa lace ng ID nya na kulay dilaw.
"Nauna ako!" anito.
"Talaga? Nakita mong mas nauna akong humawak sa lamesa eh!" sagot kong ganyan. Tinaasan ako ng kilay ng impakta.
"Bakla!" aba?! Gusto ata nito ma awardan eh.
"Hoy! Dibale ng bakla,huwag lang gaya mo na may kulangot sa mata!" sagot ko naman. Kinapa pa nito ang mata nya.
"Muta yan! Tse!" at nag walk out ang bruhilda. Akala nya ah?
Nang dumating na ang tatlo ay nagsimula na kaming kumain. Manok ang ulam ko at talagang sarap na sarap akong ngasabin ito pagkatapos isawsaw sa ketchup.
"May ano ka.. Uhm.." ani Khaim sa akin na hindi ko ma gets. Sina Chance at Teban naman ay nag uusap tungkol sa babae.
Babaero talaga ang hinayupak.
"Huh? May ano?" taka kong tanong kay Khaim.
"May ketchup ka sa pisngi. Here,tatanggalin ko." tinanggal nya ito sa pamamagitan ng daliri nya. Sa sobrang lapit ng mukha nya ay gusto ko na syang halikan.
Gowd! Hindi naman masamang mang rape sa isipan ng crush diba? Kakagigil!
"S-salamat." nahihiya kong sabi. Hay! Resulta yan ng pagiging dead hungry ko.
"Ang sweet nyong dalawa! Baka ang ending nyan ay boyxboy na!" biglang sabi ni Teban kaya nilingon namin sila ni Khaim. Walang reaksyon si Chance,pokerface ang animal.
"Why not? Love has no gender. At isa pa,I like Kiji's personality." nakangiting sagot ni Khaim. Parang gusto ko tuloy umihi ng rainbow dahil dun.
"Sus! Tss." si Chance na nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako kumibo.
"Dapat kayo na lang. Mukhang gustong gusto nyo naman ang isa't isa." sabi pa ni Teban tas humina ang boses. "Atin atin lang 'to,magaling si Kiji sa handjob."
"Tarantado!" binatukan ko nga. Tawa lang ng tawa ang Teban. Nakakahiya yun ah? Si Khaim naman nagpipigil ng ngiti. Pagtingin ko ulit kay Chance masama na tingin sa akin.
Problema mo? Sayo lang ba ang pwede kong hawakan?
"Nakakawalang gana naman ang sinasabi mo,Teban." seryosong sabi ni Chance. Again,hindi ako kumibo.
"Totoo yon,tol!" tumawa ulit si Teban at bumaling kay Khaim. "Ikaw na humusga."
"Gago ka talaga Teban! I hate you!" at sinapak ko sya sa braso.
"Tama na nga yan. Late na tayo." natatawa ding sabi ni Khaim. Infairness,tapos na pala kaming kumain hindi ko man lang namalayan.
"Mauna na kayo. Mag cr lang ako." ani Chance,tumayo na at lumabas ng canteen.
Habang naglalakad kami ay tumunog ang phone ko,sinenyasan ko sina Khaim at Teban na mauna na sa Main Bldg at tumalima naman sila.
Pagtingin ko sa tumatawag eh yung kinakapatid ko pala.
"Hoy? Napatawag ka? Anong meron?" ang agad kong bungad ng sagutin ko ang tawag. Naglakad ako papunta sa gilid ng maliit na stage dito sa likod ng gym at naupo sa sementadong bench.
"Rook ang pangalan ko hindi Hoy." ang suplado nitong sabi na ikinahagikgik ko.
"Pasensya naman. Oh,ano nga? Bakit ka napatawag?" tiningnan ko yung corner ng RH bldg at Amang bldg kung saan may cr,kakalabas lang ni Chance at may lumapit sa kanyang babae,agad nagsalubong ang mga kilay ko.
"May nakilala akong beki,ipinasok ko sa part time job ko,para syang ikaw kaya naiirita ako. Ano ba dapat kong gawin Kiji?" ani Rook.
"Gago ka ah? Nairita ka dahil parang ako? Ano bang pangalan? Chakkabels ba?" ani ko na kay Chance pa din nakatingin,umakbay pa sa babae yung impakto. Mahulog sana sila.
"Magandang bakla sya,yun lang pinagkaiba nyo. Euri ang pangalan at sobrang nakaka bwisit."
"Hoy Rook ah?! Nakakasakit ka na? Hindi mo pa ako nakikita ngayon kaya huwag kang ganyan. Pero kung talagang naiinis ka,huwag mong pansinin. Ganyan din ang sitwasyon ko ngayon." sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng parang halikan ni Chance yung leeg ng babae.
Mga walangya! PDA! Shet na yan. Sarap nilang tusukin ng maraming karayom!
Sa sobrang inis ko sa nakita ay napindot ko ang End call. Tumayo ako at naglakad. Yun nga lang hindi ko napansin yung ugat ng puno at natalisod ako,unang tumama yung ulo ko kaya hindi agad ako nakabangon. At ayaw kong bumangon dahil sa kahihiyan. Paniguradong pinagtitinginan na ako ngayon.
Pumikit ako,dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako. Bwisit kasing Chance yan,pati tong puno na to,bakit ba dito ako dumaan.
Naramdaman ko na lang na may umalalay sa akin at ibinangon ako.
"Tss! Alam namang walang tubig,dito pa nag dive." napadilat agad ako sa nadinig ko at agad pumiksi sa pagkakahawak nya.
"Kasalanan mo eh!" sabi ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid,buti pala wala masyadong tao.
"Kasalanan ko pa? Tinulungan na nga kita! Kasalanan ko bang maging tanga ka? Puro kasi paglalandi inaatupag mo,mga bakla nga naman." aniya at namewang.
He's really rude! How dare him? Ang kapal nya!
"Nakaka distract kasi kayo nung kalampungan mo kaya natalisod ako! Mga bwisit!" sigaw kong ganyan. Natigilan sya at napanganga,kaya agad na akong tumalikod at naglakad ng mabilis palayo sa kanya.
"Hoy! Kiji! Anong sabi mo? Ibig sabihin tinitingnan mo kami?" nadinig kong sabi nya,alam kong hahabulin nya ako kaya nanakbo na ako.
Pagtapat ko sa clinic ay natigilan ako. Papasok ba ako o hindi? Sa huli ay pumasok na din ako. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay bumukas ulit ito,paglingon ko ay si Chance pala,inismiran ko sya at humarap sa nurse.
"Napano ka? May konting dugo at gasgas ang noo mo." sabi ng nurse at tumayo. "Kukunin ko lang ang first aid kit."
"Natisod po ako sa ugat ng puno at nadapa." ang sagot ko. Tumabi si Chance pero hindi ko pinansin.
"Ganon ba? Mag ingat dapat palagi." ani ng nurse at lumapit.
"Miss,pwedeng ako na lang gumamot sa kanya? Mag uusap din kasi kami." sabi ni Chance na ikinalaki ng mga mata ko.
"Miss gamutin nyo na ako. Late na ako sa next class ko." pagmamaka awa ko sa nurse,kung hindi sya maaawa ay isusumpa ko sya.
Ngumiti yung nurse na ikinasalubong ng mga kilay ko.
"O sige,gamutin mo na sya. May tinatapos din kasi akong pirmahan." anito at iniabot kay Chance ang first aid kit at bumalik sa desk nya.
"Tae talaga." sabi ko na lang at naupo na sa monoblock,kumuha si Chance ng isa pang monoblock at naupo sa harapan ko.
"Anong sabi mo kanina? Bakit mo kami pinapanood nung babae?" aniya habang nilalagyan ng betadine ang noo ko.
"Hindi ko kayo pinapanood. Napatingin lang ako." ani ko at inirapan sya. Sobrang lapit lang nya at naaamoy ko na mabango nyang hininga,kumakalampag na naman tuloy ang puso ko.
"Ganon pa din yon." aniya na patuloy pa din sa ginagawa. Hinipan pa nya yung sugat,napapikit ako. Kung sana,parehas lang kami ng nararamdaman hindi ako magkakaganito. "Pag hinihipan ni Mama yung sugat ko nung bata pa ako,nawawala ang sakit. Masakit pa ba?"
Dumilat ako,napatitig ako sa gwapo nyang mukha,ang magaganda nyang mata,makakapal na kilay,matangos na ilong,mapulang mga labi. Hindi mo iisipin na bastos sya at puro pang aasar lang ang alam.
"Hindi na masyado." ani ko at tumingin sa nurse. Nakatingin ito sa amin at nakangisi.
"Patas lang tayo,Kiji. Nakita mo akong nakikipaglandian ng hindi sadya,atleast ako hindi harap harapan,eh yung landian nyo ni Khaim,sa harap ko pa talaga,at sa tingin mo natutuwa ako?" ang bulong ni Chance habang nilalagyan na ng bandage ang noo ko.
Napasinghap ako at naguluhan sa sinabi nya. Hindi maprocess ng utak ko ang ibig nyang sabihin.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Aiko at Karissa. Nahuli nila na magkalapit ang mga mukha namin ni Chance at hindi ko alam ang sasabihin.
Pagdating sa room ay may teacher na. Binigay ko ang excuse letter ko at naupo na kami sa mga upuan namin.
"Anong nangyari,Kiji?" pabulong na tanong ni Khaim.
"Nadapa ako eh." ani ko na sa harapan pa din nakatingin.
"Ganon ba? Ihahatid kita sa inyo mamaya ah?"
"Sige,ikaw ang bahala." ang sagot ko naman. Bigla akong siniko ni Chance kaya nilingon ko sya.
May isinulat sya sa papel at nilapag nya sa table ko. Binasa ko ang sinulat nya na ikinanganga ko na naman.
"Sige pa, landi pa. Hindi na kita gagamutin sa susunod."