8 HANGGANG PANGARAP NA LANG BA?

I.

Hindi maipaliwanag

Kakaibang nadarama

Sa tuwing makikita ka

Puso ay lumulundag sa tuwa at kaba

Refrain 1:

Ano bang feeling ito?

Ako ba ay inlove na sa iyo?

CHORUS:

Ikaw na laman nitong puso at isip

Ikaw na maging sa panaginip

Ikaw na pinapangarap makasama

Sana ay magkatotoo na at hindi hanggang pangarap na lang

II.

Paano ba ipababatid?

Lihim na pag-ibig sa iyo

Na aking pinakatatago

Refrain 2:

Matatameme na lang ba ako?

Sana ay mapansin mo rin

Ang damdamin ko

REAPET CHORUS

III.

Ngunit puso ko ay nangangamba

Na baka sa akin ay umiwas ka

Kapag nalaman mo ang tunay kong nadarama

Bridge:

Sana nga ay masabi sa iyo

Ang tunay na damdamin ko

Para madama ko rin kahit minsan

Init ng yakap at halik mo

REAPET CHORUS 2x

avataravatar
Next chapter