webnovel

Chapter 1

Kauuwi lang ni Gianna galing sa trabaho. Sumampa agad ito sa kama dahil sa sobrang pagod. Pumasok ang asawa niyang si William at humiga sa tabi niya.

Hinalikan niya si William sa pisngi. "Tulog na ba 'yong mga bata?" tanong nito.

Tumango ang asawa nito. "Idlip ka na muna. I know you're tired." Niyakap pa ni William si Gianna.

"By the way, hon," wika ni Gianna nang may naalala siya. "Naalala mo 'yong best friend kong si Diana na lagi kong sinasabi sa 'yo? Lilipat na naman siya ng work. This time, dito sa lugar natin.

"Gano'n ba?" sabi ni William na hindi naman interesado sa sinabi ng asawa niya.

"It's been six years noong huli kaming nagkita. I really missed her."

William took a deep sigh. "You can invite her dito sa bahay if you want. Para na rin magka-bonding kayo kahit isang araw lang."

Napanguso na lang si Gianna sa sinabi ni William na kahit isang araw lang. Nakaidlip ang mag-asawa.

Naalimpungatan si William nang marinig ang iyak ng kanilang dalawang anak. Bumangon siya at lumabas ng kwarto nila upang puntahan ito sa katabing kwarto. Hindi pa kasi dumating 'yong katiwala nilang si Manang Neneng na umuwi ng probinsya nitong huling linggo. Baka sa susunod na araw pa ito makabalik.

Tumunog naman ang cellphone ni Gianna kung kaya't nagising ito. Agad niya itong kinuha at sinagot nang hindi tinitingnan ang screen kung sino ang tumatawag.

"Hello, Jing!" bungad na bati sa kabilang linya.

"Hello?" sagot naman ni Gianna.

"Jing! Ano ka ba? It's me, si Ding!" masayang wika pa ni Diana.

Nanlaki naman ang mga mata ni Gianna nang makilala na niya ang tumatawag. "Hala, Ding! Ikaw pala 'to! I'm sorry, hindi ko agad na-realized. Kakagising ko lang kasi. Nakaidlip ako eh." Natawa pa ito.

"Ay, okay lang 'yon! Kaya ako napatawag dahil I just want to inform you na bukas ako babyahe. Maybe by five or six in the evening na ako dadating."

"Talaga? That's great!" masiglang sabi ni Gianna sa balita ng kaniyang best friend.

"Oh siya! Let's see and continue chitchatting tomorrow na lang. Inaantok na kasi ako," sabi pa ni Diana na natatawa pa.

"Sige, Ding! Good night!"

"Good night, Jing!" sagot naman ni Diana at in-end na 'yong tawag.

Matagal nang mag-best friend sina Gianna at Diana. Naging malapit sila sa isa't isa noong third year high school pa lamang sila dahil sa sila ay magkatabing nakaupo. Jing ang tawag ni Diana kay Gianna. Ding naman ang tawag ni Gianna kay Diana.

Nananabik na ang makita nila ang isa't isa dahil ilang taon na rin silang hindi nagkikita.

Si Diana Villagracia ay maganda, sexy at naughty na klase ng babae. Alam mismo ito ng kaibigan niya pero hindi na lamang pinansin ni Gianna ito at tinatawanan na lang minsan. Si Diana ay liberated din at maraming lalaki ang pinapantasyahan siya lalo na sa mga kompanyang pinagtrabahuan niya. Madalas siyang umakit sa mga boss nito at mayayamang lalaki upang magkapera.

Hindi rin nagtatagal si Diana sa trabaho niya dahil matapos siyang makuha ng mga lalaki ay sinisisante siya ng mga ito. Nais lamang nila ang katawan nito. 'Yon lamang ang habol nila sa kanya. Kahit ganoon ay ayos lamang ito kay Diana dahil malaki naman ang perang nakukuha niya. Sa hirap ng buhay ngayon, praktikal siya kung mag-isip.

Si Gianna Manlapaz Alvarez naman ay maganda rin, sexy, matalino ngunit simple lamang. Unlike her best friend, siya ay hindi liberated. Marami ring mga kalalakihan ang nahuhumaling sa kaniya, lalo na 'yong lalaking nagtatrabaho rin sa bangkong pinagtatrabahuan niya. Kahit si Gianna ay may asawa at dalawang anak na, hindi ito halata.

Hindi pa nakikilala ni Diana ang asawa ng kaniyang kaibigan dahil walang komunikasyon ang magkaibigan noong panahong iimbitahan sana ni Gianna sa kanyang kasal si Diana.

Sobrang nagmamahalan sina Gianna at William. May-ari si William Alvarez ng WAIO Restaurant na kilala sa kanilang lugar pati na rin sa buong bansa. Siya ay gwapo ngunit supladong lalaki ngunit tanging sa asawa't mga anak lamang siya mabait. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga babae dahil sa katangkaran, kakisigan at matipuno nitong katawan.

***

"Nasa'n na kaya si Jing?" tanong ni Diana sa sarili nang hindi nito ma-contact ang kaibigan. Kanina na rin niya sinubukang i-text ito ngunit hindi naman nagre-reply.

Nagkasundo kasi sila ni Gianna na ang kaibigan niya ang susundo sa kanya at sa bahay ni Gianna muna manatili si Diana kahit dalawang araw lang para na rin magkausap sila nang matagal dahil sobra nilang na-miss ang isa't isa.

Nagtungo muna si Diana sandali sa comfort room sa terminal kaya iniwan muna niya saglit sa tabi 'yong mga dala niyang gamit. Nakasalubong pa niya sa daan ang isang matangkad, gwapo ngunit nakasimangot na lalaki nang siya'y pabalik na sa pwesto niya kanina. She even bit her lower lip dahil hindi nito maalis sa isipan niya ang lalaki, lalo na 'yong mapatingin siya sa bulge nito. Nakaramdam siya ng kakaibang init.

"Ang laki talaga. Kapag nakita ko siya ulit, dadakmain ko talaga 'yon," wika nito sa kanyang sarili.

Sinubukan niyang tawagan ulit si Gianna ngunit hindi pa rin ito ma-contact. Kinuha na lamang niya ang kanyang mga gamit at aalis na sana siya ngunit huminto sa harap niya ang lalaking nakita niya kanina lang. Nagulat ito at kinabahan.

"Is this you?" tanong ng lalaki at pinakita kay Diana ang mukha ng babaeng nasa cellphone na hawak nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Diana. "Yes. That's me," sagot naman niya at napatingin ulit sa mukha ng lalaki.

He immediately removed Diana's photo that was sent to his messenger at binalik sa bulsa niya ang kanyang cellphone.

"Wait. Paano mo nakuha 'yong picture ko?" namamanghang tanong ni Diana sa lalaki.

"My wife sent it to me kanina in case na hindi kita matawagan. I was calling your phone ngunit hindi kita ma-contact. Mali yata ang naibigay na number ng asawa ko kaya 'yong picture na lang ang ginamit ko para mahanap ka," naiinis na sagot ng lalaki.

Nagulat si Diana sa sinabi ng lalaki. "So you mean, ikaw ang asawa ng best friend kong si Gianna?" tanong nito upang kumpirmahin.

Tumango ang lalaki.

Hindi pa rin makapaniwala si Diana na ang lalaking nakatagpo niya kanina at nakausap ngayon ay ang asawa pala ng kanyang best friend.

"Ang swerte naman pala ni Jing dahil ang hot ng napangasawa niya," sabi ni Diana sa kanyang sarili.

"Shall we go now?" saad ni William.

"Sandali. Nasa'n si Jing? Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin?" nagtatakang tanong ni Diana sa lalaki.

Nairita naman si William dahil panay tanong si Diana. "May urgent meeting sila kaya inutusan niya akong sunduin ka. Tara na, pwede?"

Tumango na lang si Diana at ngumiti.

Napansin niya ang kakaibang kinikilos at pananalita ni William kaya naisipan na lang nitong hindi magtanong pa.

"Ang sungit naman ng lalaking 'to. Porket gwapo," reklamo niya sa kanyang sarili.

Binuhat ni William ang ilang gamit ni Diana at naunang pumunta sa kotse. Wala namang nagawa si Diana kaya binuhat na rin niya ang naiwang gamit at sumunod sa kotse.

Tahimik lamang ang dalawa habang nagmamaneho si William. Inabala na lamang ni Diana ang kanyang sarili sa pagce-cellphone habang nakaupo sa back seat. Pinili na lamang niyang huwag magsalita dahil baka mairita at magalit si William. Nang mapagod sa kaka-cellphone ay itinago na lamang niya ito sa bag niya at tinitigan ang likuran ni William.

Labis siyang humanga dahil kahit likuran ng lalaki ay ang gwapo tignan. Gumalaw pa si Diana nang kaunti upang silipin si William. Dumako ang tingin niya sa hita ng lalaki. Lihim siyang napakagat ng labi dahil gusto nitong hawakan ang hita ni William kahit na nakasuot ito ng pantalon. Pinagpawisan nang kaunti si Diana nang mapunta ang kanyang tingin sa umbok ni William. Hindi nito napigilang mag-isip ng marumi. Iniisip niya kung ano kaya ang itsura nito at gaano kalaki. Gusto niyang hawakan iyon ngunit malabong mangyari dahil sa ugali pa lang ng lalaki ay napapaatras na siya.

Natigilan lamang si Diana sa pag-iisip nang huminto na ang kotseng sinasakyan nila.

"We're here," anunsyo ni William nang makarating sila sa bahay. Nagmadali siyang bumaba at nagtungo sa likuran ng sasakyan upang kunin 'yong mga gamit ni Diana.

Nauna siyang maglakad papasok ng bahay dala-dala 'yong gamit na binuhat niya kanina sa terminal papuntang kotse.

Kita pa ni Diana ang likuran ni William bago ito tuluyang nakapasok sa bahay. "Medyo malaki rin pala ang pwet ni William. Ang sarap naman hawakan niyon," nasabi niya sa kanyang sarili.

Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni William. Bumaba na rin siya at kinuha 'yong mga naiwang gamit niya.

"Grabe! Ang laki at ang ganda pala ng bahay nila. Sana all talaga," wika pa nito sa sarili bago sumunod sa bahay.

Mga 7:00 PM na nang makauwi si Gianna sa bahay galing sa trabaho. Medyo natagalan ito dahil may urgent meeting pa ito sa bangko.

Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng magkaibigan. Madaldal talaga ang dalawa lalo na kapag magkasama.

"Akyat lang ako sa taas, ha?" paalam ni Manang Neneng sa kanila upang puntahan ang dalawang anak ng mag-asawa.

"Sige po, manang," masayang sagot naman ni Gianna sa kanilang katiwala.

"Ilang taon na pala 'yong mga anak niyo, Jing?" tanong ni Diana sa kaibigan.

"One year old and a half 'yong boy, si Wyler. 'Yong girl naman na si Greisha is one month old," sagot ni Gianna.

"Ambilis palang nasundan, no?" natatawang sabi ni Diana.

Nagtawanan na lamang ang dalawa samantalang tahimik lang si William. Madalas naman kung mag-usap ang mag-asawa talaga ngunit hindi lang gusto ni William ang makipag-usap nang matagal sa mga taong hindi niya gusto. Gaya na lamang ni Diana.

"By the way, Ding, hindi ko pa pala naipakilala sa 'yo ang asawa ko," singit ni Gianna nang maalala nitong hindi pa niya naipakilala si William sa kaibigan niya. "He is William," sabi ni Gianna at napatingin sa katabing lalaki. "Hon, she's my best friend, Diana."

Tumango lamang ang asawa nito at hindi umimik.

"Hon, bakit ang tahimik mo naman yata? Are you okay?" hindi napigilang itanong ni Gianna sa asawa nito.

"I'm fine. Kayo na lang mag-usap since reunion niyo ngayon," kalmadong tugon ni William at natapos na ring kumain.

"Mahiyain siguro ang asawa mo, no?" hirit ni Diana at napatingin kay William.

"Ganyan talaga 'yan, Ding," wika na lamang ni Gianna. "Don't worry. Dadaldal din 'yan kapag nasanay na siya sa 'tin," dagdag pa nito.

Ngumiti na lamang si Diana sa kaibigan at sumulyap ulit kay William na sinamaan siya ng tingin nito nang magtama ang kanilang tingin. Awkward na napangiti na lang si Diana sa lalaki at nagpatuloy na lang sa pakikipag-usap kay Gianna tungkol sa kanya-kanyang buhay sa nakalipas na mga taong hindi sila nagkita.

Hindi makatulog sa kaiisip si Diana. Naiinggit siya sa buhay ng kanyang kaibigan. Mas naiinggit siya lalo dahil may asawa na ito samantalang siya ay single pa rin kahit isang taon na lang at magte-trenta anyos na siya. Hindi naman siya nagmamadali talaga ngunit ngayon lamang niya napagtanto na dapat na siyang mag-asawa dahil baka mahirapan pa siya kapag ang tanda na niya kapag nagdadalang-tao.

Naalala pa nito ang asawa ng kaibigan niya. Panay ang sulyap niya kanina sa lalaki dahil sobra talaga siyang nahumaling sa kagwapuhan nito. Sumagi pa sa kanyang isip ang umbok ng lalaki. Sa hindi niya malamang dahilan, ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng panties nito. Nag-iinit ang katawan niya dahil kay William. Alam niyang bawal at mali ang kanyang ginagawang pagnanasa at pagpapantasya sa asawa ng kaibigan niya ngunit parang nasasarapan siya sa tuwing dadako ang mga mata niya sa umbok ng lalaki.

"Tulog na kaya sila?" tanong niya sa sarili. "Mukhang tulog na yata. Alas dose na naman siguro at wala naman akong naririnig na mga tinig," dagdag pa nito.

Napagdesisyunan niyang tumayo at tignan kung ano'ng oras na sa kanyang cellphone. 11:45 PM na nang makita niya ang nasa screen nito.

Lumabas siya sa guest room na tinutuluyan niya ngayon at nagtungo sa harap ng pinto ng kwarto ng mag-asawa.

"Ooohhh... sige pa, hon..."

Nanlaki ang mga mata ni Diana nang marinig ang ungol ng kanyang kaibigan nang ilapat niya ang tainga niya sa pinto.

"Fuck! Ang sarap mo talaga, hon... uuuggghhh..." ang ungol naman ni William na nagpapainit kay Diana.

Naisipan na lamang niyang bumalik sa guest room and there she pleasured herself habang ini-imagine ang asawa ng kaibigan niya.

Next chapter