webnovel

Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan

koleksyon ng mga tula na isinulat ni Dee Makabuluhan

Dee_Makabuluhan · Realistic
Not enough ratings
29 Chs

Ikaw ang bahaghari

Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng ulan

Ikaw ang bahaghari sa bawat pagtahan

Ikaw ang bahagharing, kay sarap na pagmasdan

Ikaw... Ikaw.. ikaw... Hanggang sa walang hanggan

Noong una kang makilala ay di ko inaasahan

Ang pagpana ng pag-ibig ay di ko maiiwasan

Sa Palasong, pinakawalan, ako ay tinamaan

Mistulan bang biglaan na pagbuhos ng ulan

Ako'y walang dala na payong, hindi ko napaghandaan

Ngunit imbis na takbuhan ay nilusong ko na lamang

Ipipikit mga mata. nakatingala sa ulap sa pagbuhos mo ako'y nag-aabang

Dinarama bawat patak na darampi saking katawan

Dinarama iyong presensya sa puso ko't isipan

Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng ulan

Ikaw ang bahaghari sa bawat pagtahan

Ikaw ang bahagharing, kay sarap na pagmasdan

Ikaw... Ikaw.. ikaw... Hanggang sa walang hanggan

Bumuhos man muli ang ulan ay di ako mangangamba

Dahil sinta ay nand'yan ka

Wala nang ibang kailangan pa

Ikaw ang aking silong sa gitna ng bawat trahedya

Ang sikat ng araw sa pagdating ng bagong umaga

Sa tingin ng 'yong ,mga mata agad ako na kakalma

Sa bawat salita tanggal agad pagka balisa

Sa buhay ko ay may ngiti na ikaw lamang nagdadala

Sa bawat pagkapagod ikaw ang aking pahinga

Ano mang unos ay makakaya basta ikaw lang ang kasama

Ikaw lang talaga

Buhay ko'y nagkakulay dahil ikaw ang nagpinta

at kung ito ay isang kanta ikaw ang aking melodiya

Bahagharing sa buhay ay nais ko na makasama

Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng ulan

Ikaw ang bahaghari sa bawat pagtahan

Ikaw ang bahagharing, kay sarap na pagmasdan

Ikaw... Ikaw.. ikaw... Hanggang sa walang hanggan