webnovel

Lunatic Series 1: Ralph Perez

Lunatics Series 1// Ralph Perez READ AT YOUR OWN RISK... She would wake up feeling nothing and numb. Blood dripping from her wrist and her skin so pale. Pero wala siyang pakialam rito. Because nothing's new from that. Sanay na siya. She stared at the mirror in front of her. She looks like a living corpse. Maputla, payat, magulo ang buhok at maiitim ang eyebags. It's been years since she care about herself. She can't even remember when is the last time she combed her hair. 'Why would I bother to look good? Nothing will change after all.'

Esrixx · Realistic
Not enough ratings
16 Chs

Fifthteen

UMAKYAT si Ralph sa kaniyang kwarto at kaagad na nagbihis. Ng matapos siyang magpalit ng damit, plano niya na sanang lumabas ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Aira.

"A-Are you busy?" mahinang tanong nito sa kaniya na kaagad niyang inilingan. "I'm not. Why?"

Isinara nito ang pinto ang lumapit sa kaniya. She stands in front of him while looking down.

Kaagad na nagtaka si Ralph. She's smiling and giggling a while ago. Anong nangyari?

He reaches her hand and holds her. "Hey, something's wrong?"

Nagtaas ng tingin sa kaniya si Aira at umiling. "It's...I just h-had a nightmare again." nahihirapang sagot nito.

"Nightmare?" pag uulit niya sa sinabi nito.

Tumango lang ito, nag iwas ng tingin sa kaniya at hinila ang kamay nitong hawak niya. Kitang kita ni Ralph ang takot na bumalatay sa mukha ng dalaga. 'She's scared again.' he told himself.

Ralph's heart breaks into pieces when he saw her hold her hand that is trembling. For a second, he saw the old Aira again.

His fragile beautiful stranger.

Pero hindi niya na hahayaang mangyari yun ngayon. Aira's not a stranger for him anymore. She's far from being a stranger. Because she's the love of his life.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Aira at hinila ito papuntang kama. He made her sit in the bed and he put his both hands in her side. Mukhang nagulat si Aira sa ginawa niya. She became more scared and she's about to cry so he did something.

He kneeled down and hold her face. "Aira, look at me. It's Ralph. This is me. I'm Ralph. I won't hurt you."

But Aira closes her eyes and tears start dripping from her eyes. Ibinaba ni Ralph ang kanang kamay para hawakan ang kamay ni Aira. He caresses it gently. "Hey, open your eyes. C'mon, Aira, look at me. It's Ralph. I won't hurt you. I will never hurt you." mas pinahinhin niya ang boses.

"Please, Aira. Please, look at me. It's me, Ralph, I will never ever hurt you."

Unti unting ngumiti si Ralph ng dahan dahan binuksan ni Aira ang kaniyang mata. Nandoon pa rin ang takot pero kahit papaano'y nakita niya rin ang tiwala roon. "R-Ralph?"

"Yes, it's me, Ralph." nakangiting saad niya rito. Aira blinked her eyes multiple times before she recognized him. "I-It's you. I-It's really you."

Hindi napigilan ni Ralph ang sarili. He pulled her for a hug. Rinig niyang napasinghap si Aira but she didn't push him away kaya naman mas hinigpitan niya pa ang yakap dito. "Thank God, you recognize me." he sounds relief.

Saglit na natakot si Ralph kanina. Akala niya kasi muling lalayo ang loob ni Aira sa kaniya. He's scared that her old self will be back. Nanghihina siya pag nakikita niya ang takot sa mga mata ng dalaga habang nakatingin aa kaniya.

He doesn't want that.

Napapikit na lang ni Ralph ang mga mata ng maramdaman niyang niyakap siya pabalik ni Aira at mahina itong napahikbi. Marahan niyang hinaplos ang likod nito para patahanin ito. "Shhh. It's fine. It's okay, don't be scared."

"I-I'm s-s-sorry. I'm s-sorry." rinig niyang bulong nito na nagpasikip sa dibdib niya. "I-I'm sorry."

Humiwalay siya ng yakap dito at pinunasan ang mga pisngi nitong basa ng mga luha. "Don't..." saad niya at umiling. "Don't say sorry. You didn't do anything wrong so don't say sorry."

Hindi niya mapigilang magulat ng hilahin siya ng dalaga para yakapin. "R-Ralph, I don't want to be l-like this anymore. I...I want t-to be strong." she whispered while she keeps on sobbing.

"I know. I know, Aira, I know."

"I'm...I'm going t-to tell you my story a-and I w-won't be stopping t-this time." maingat na nilayo ni Ralph si Aira at nag aalalang tinignan ito. "It's fine. You don't have to force yourself if you're not yet ready-"

"Please. I want to do this. I'm...I'm too tired of being so pathetic and weak. Please, Ralph, please."

Napailing si Ralph sa sinabi ng dalaga. "Don't say that. You are not pathetic and weak." bawat salita niya ay may riin. "You're not."

But Aira disagrees. "I know I am-"

"Aira, stop." tigil niya rito. "Don't ever say that again." his voice is stern yet there's still care and gentleness.

"R-Ralph..."

His right hand raised up to her right cheek and his thumb stroke her face. "Your sweet, innocent, kind, and gorgeous. That's who you are. You're my Aira."

"I-I'm your Aira?"

Ralph nods without hesitation. "Yes."

"I...I like the s-sound of that." inosenteng saad sa kaniya ni Aira at isinandal pa sa palad niya ang pisngi nito. She closes her eyes as she enjoys his thumb brushing through her cheek.

"Me too."

Aira opened her eyes and spoke, "But I'm still going to tell you my story. Now."

"Aira-"

"I want to do it, Ralph." itinaas ni Aira ang isang kamay at hinawakan ang kamay ni Ralph na nasa kaniyang pisngi. "You're the only person that I trusted this much. Hindi ko man gaanong pinapakita cause I don't know how to show it but I trust you a lot that if you break it, I don't know what to do anymore."

His whole being melts at what she said. Ang sarap pala sa pakiramdam pag pinagkakatiwalaan ka ng taong mahal mo. He loves it.

"This is the last risk that I'm taking. This is the last chance that I'm giving myself so I want to give my all. My best." saglit siyang tumigil bago nagpatuloy. "That's why I want to tell you everything."

If that's what Aira wants then Ralph can't complain anything. "Okay. I'll listen and I won't judge you. I promise."

Finally, she smiled. "Thank you."

"Anything for you."

-----

"I was 16 old when my Uncle...Uncle Ricky took me." she's looking below as she remembers everything vividly and perfectly. "I thought everything will change but it became...worse."

(9 years ago...")

"From now on, this is going to be your room." Aira's uncle said with a cold voice. Nagtataka namang napatingin si Aira rito. "P-Pero b-b-basement po i-"

"Eh anong gusto mo? Patirahin kita sa maganda at mamahaling bahay?!" kaagad na nagbago ang boses ng kaniyang tiyuhin tsaka hinawakan ng mahigpit ang kaniyang panga. Mabilis na napapikit si Aira at nanginig. Gusto niyang umalis sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa.

"H-H-Hindi po." nanginginig at nahihirapan na sagot niya.

Padabog na binitawan ng kaniyang tiyuhin ang kaniyang mukha dahilan para matumba sa sahig si Aira. "Mabuti naman." nangingiyak ang mata ni Aira habang nakatingin sa sahig. Natatakot siya. Takot na takot siya.

"Ito ang tatandaan mo, ang alam ng mundo, patay ka na! And now that your father has also died, ako na ang may-ari ng kompaniyang naiwan niya." dinuduro duro pa siya ng kaniyang tiyuhin habang sinasabi ang mga iyon. "Ako na ang mayaman ngayon, hindi na ikaw! Kaya wag kang umastang mayaman diyan, naiintindihan mo?!"

Tumango na lang siya dahil hindi niya na magawang magsalita. She's trembling and frightened. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya na alam.

Narinig niya ang mga hakbang ng kaniyang tiyuhin palayo sa kaniya. "Bakit ba kasi hindi ka na lang namatay kasama ng walanghiya mong ama?" huling rinig niya bago ang tunog ng malakas na pagsara ng pinto na dahilan para mapaiglad siya.

Gumapang siya papunta sa sulok at doon umupo. Niyakap niya ang mga binti at ibinaon doon ang mukha habang mahinang umiiyak. Pilit niyang pinipigilan ang malakas na paghikbi dahil natatakot siyang marinig siya ng kaniyang tiyuhin at balikan siya.

Wala siyang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. When his father died, hindi siya nagpakita sa burol nito kasi ang alam ng mga tao ay patay na siya. She still can remember clearly when his father told her that he announced to the business world that she's died. Ilang araw siyang umiyak dahil doon. She's hurt of course.

But after suffering through her father's hand for over 12 years, wala na siyang pagmamahal na natitira dito. Poot, galit at takot. Yan ang nangingibabaw sa kaniya so she's thankful when her father died. Others might say that she's heartless but they don't know what she's been through. Lahat ng paghihirap niya, lahat ng pasa, lahat ng luha at lahat ng sugat na tinamo niya rito. Wala silang alam sa mga yun.

They don't know the hell that she has been through. They know nothing.

"Talaga palang maganda ka."

Mabilis na napalingon si Aira sa may pinto ng may marinig siyang magsalita doon. Hindi niya pa ito maaninag ng maayos ng muli itong magsalita na ikinakilabot niya. "Ako nga pala si Dan Estolanta. I'm your cousin."

Pilit ipinagsiksikan ni Aira ang sarili sa dingding ng maglakad ang lalaking pinsan niya raw palapit sa kaniya. Boses pa lang nito ay kinakatakutan niya na paano pa kaya pag hinawakan na siya nito.

"W-W-Wag. P-Please, d-d-don't c-come n-near m-m-me." natatakot at nanginginig na saad niya rito.

But he just laughed evilly. His laugh frightened her even more.

"Wag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan." bulong nito. Pero walang nagbago sa nararamdaman ni Aira. Mas lalo lang kinain ng takot ang loob loob niya.

All she knows is they are all the same. They are just going to hurt her.

"P-P-Please." she whispered. Halos wala ng marinig sa hina ng kaniyang boses. But the man just walk towards her even more. Kung kaya niya lang maglaho sa harapan nito, matagal niya ng ginawa. She's scared to death.

Ng tuluyang makalapit ang lalaki sa kaniya, pilit niyang iniwas ang mukha rito pero hindi siya nagtagumpay dahil muli siyang pinaharap nito. "Anong problema mo?" malamig na saad nito sa kaniya pero hindi niya ito sinagot.

Iniiwasan niya lang ito ng tingin at kahit nanginginig na ang buong katawan niya, pilit niya itong itinulak gamit ang natitira niyang lakas. At kahit papaano'y nabitawan siya nito at napalayo sa kaniya ng unti.

"Aba't..." manggagalaiting bulong ng lalaki bago naramdaman ni Aira ang malakas na pagsampal nito sa kaniya. Kaagad na napahawak si Aira sa kaniyang pisngi. It feels painful. Parang namanhid ang kaniyang pisngi dahil sa sobrang lakas ng sampal na yun.

"Yan! Yan ang bagay sayo!" sigaw pa nito sa kaniya.

Muling tumulo sa mga mata niya ang mga luhang hindi na maubos ubos. Pakiramdam niya'y kakapusin siya ng hininga dahil sa bigat ng kaniyang dibdib. She's shattered, inside and out.

Ng hindi siya sumagot, marahas na hinawakan ng kaniyang pinsan ang kaniyang buhok at hinila iyon. "Ahhh!" impit niya dahil sa sakit. Sa sobrang higpit ng kapit nito sa kaniyang buhok, parang matatanggal na ang anit niya.

"Nakikita mo yan?! Yang mga yan?!" malakas na sigaw nito at itinuro ang mga gamit sa may gilid na sira sira na. May kama doon na halos magigiba na at puno ng alikabok, mga damit na punit punit at marurumi pero isang bagay ang kaagad nakakuha ng atensiyon niya.

Yun ang kadenang malaki at kinakalawang na nasa sahig.

"Yan na lang ang mga gamit mo ngayon! Hampaslupa ka na! Mas mahirap ka pa sa mahirap ngayon!" pagduduldulan ng kaniyang pinsan at hinila pa ang kaniyang buhok palayo dahilan para magkaharap sila. "Wala ka ng kwenta ngayon! Hindi ka na mapapakinabangan!"

Takot na takot siya habang masama siyang tinitignan nito. Halos hindi siya makahinga dahil sa nangyayari. Napapikit na lang siya habang umiiyak ng mas higpitan nito ang pagkakahawak sa kaniyang buhok. "Dapat nga magpasalamat ka pa dahil naawa kami sayo, dahil kinupkop ka namin."

Wala siyang magawa kundi ang mahinang magdasal na sana'y iwan nalang siya nito. Nanghihina na siya at pakiramdam niya, ano mang oras ay mahihinatay na siya. "Wala lang utang na loob." saad nito tsaka padabog siyang binitawan.

Bumagsak na lang ang kaniyang katawan sa pagod at sa sobrang takot. Wala na siyang lakas para labanan pa ito o magsalita pa. Humihinga siya pero pakiramdam niya'y patay na siya.

Habang nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, narinig niya ang paghakbang ng kaniyang pinsan. Akala niya'y iiwan na siya nito o lalabas na ito pero nagkamali pala siya.

She heard something loud and then she felt something cold on her feet. Kahit wala na siyang lakas, sinubukan niya paring tignan kung ano yun. And what she saw made her terrified.

Nakita niya kung paano siya marahas na ikadena ng kaniyang pinsan. Inilagay nito ang isang dulo sa kaniyang kanang paa at ang isa naman ay ikinawit nito sa kung anong nakalagay sa dingding.

"A-Anong g-g-ginagawa m-mo?" halos hindi na marinig na bulong niya.

Tinawanan lang siya nito bago nito tuluyang nailagay sa kaniyang paa ang kadenang yun. Kaagad na bumigat ang pakiramdam niya roon. At dahil malaki ang kadenang nasa kaniyang paa, kaagad na sumakit ang paa niya.

Ang natitira niyang lakas ay ginamit niya para hinahin ang paa pero kahit anong gawin niya, walang nangyayari. Nagpapagod lang siya. "A-A-Anong..."

Hinanap ng kaniyang namamagang mata ang pinsan. Nakita niya itong nakatayo sa may pinto habang nakangisi. Kitang kita niya ang tuwa sa mukha nito habang pinagmamasdan siya.

Halatang masaya ito habang nakikita siyang nahihirapan. "Bagay na bagay sayo." saad nito at mahina pang natawa bago malakas na isinara ang pinto.

Wala ng natirang lakas sa kaniya para kumilos pa. Bumagsak ang kaniyang ulo sa sahig at unti unting pumikit ang kaniyang mga mata habang nanakit ang kaniyang nakakadenang paa. Sinubukan niya pa yung hilahin pero walang nangyari.

She breaths heavily before giving up.

Huhuhu naiyak ako sa chapter na to! But still, sana nagustuhan niyo.

LOVELOTS!

Esrixxcreators' thoughts