Napasinghap ako sa winika ng propesor, "Nalalaman? So prof, masasagot mo ang-I mean, ako gusto kong malaman ang buong katotohanan sa pagkatao ko, kahit alam ko na ang minor details about sa akin."
Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Prof. Irvin nang tumingin siya sa akin saka napabuga siya ng hangin, "Halika muna kayo at pumasok muna tayo sa loob ng munti kong tahanan," pag-aanyaya sa amin ng propesor. Nasa likuran niya kami nang binuksan niya ang pintuan ng kaniyang tinutuluyan, saka kami sumunod sa kaniya na pumasok sa loob. Sinenyasan niya kami na umupo sa wooden sala set niya. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng bahay ng propesor. Simple at maimis ang mga gamit. May mga kakaibang halaman din na nakatanim sa mga paso at naka-display sa sala at kusina. Umupo ang matandang propesor sa harap namin.
"Makinig kayong mabuti, kailangan ninyong malaman kung papaano nagsimula ang lahat, lahat-lahat."
I gulped, and I heard Loki and Rincewind gulped as well. Pero si Luccas, chill na chill sa isang sulok habang pinaglalaruan ang kaniyang grimoire gamit ang kaniyang magic. Napa-iling na lamang ako. Itinutok na namin ang aming atensiyon sa propesor nang muli siyang nagsalita ng marahan, "Ayon sa lumang paniniwala ng mga wizards o tinatawag na manggagaway noong sinaunang panahon, nagsimula ang lahat dahil sa alitan ng mga anak ni Bathala- ang mga anak niya mula sa isang mortal," nandilat ang mga mata ko, dahil naalala ko ang Philippine Mythology subject na pinag-aaralan ko noong nasa Heather U ako, "Alam ko po 'yan prof, ilan sa mga anak ni Bathala sa isang mortal ay sina Hana at Tala saka si Mayari at Apolaki." bulalas ko na ikinagulat ng tatlong heartthrob na kasama ko saka sila napanganga habang napatulala sa akin. May silbi rin ang pakikinig ko sa literature subject ko!
"So, may alam ka pala sa ganiyan, Mira?" tanong ni Luccas sa akin, "Sakto lang, pinag-aralan ko kasi iyan noong nasa Heather U ako, sa university na pinapasukan ko sa human world."
Tumango-tango si Luccas at ibinalik naman nila Loki at Rincewind ang atensiyon kay Prof. Irvin, "Please prof, pakituloy po ang inyong kuwento," paki-usap ni Rincewind.
Tumikhim-tikhim ito bago itinuloy ang kuwento, "Nagsimula ang sigalot ng magkapatid na si Mayari at Apolaki nang manghina si Bathala. Ayon sa mga ninuno ko, hindi raw magkasundo ang magkapatid na sina Mayari at Apolaki, na parehas may pagnanasa sa trono at ang puno't dulo ng lahat ng kanilang alitan ay dahil sa pambubuyo ni Sitan sa magkapatid. Si Sitan ang hari ng sinaunang impiyerno, ang pinuno ng kasamaan. Sinamantala ito ni Sitan dahil nais din niyang agawin ang trono mula kay Bathala, kaya nilipon niya ang kaniyang mga alagad upang lipulin ang mga diyos, diyosa, mga diwata, pati mga mortal na nasa panig ni Bathala."
Pansamantalang tumigil ang propesor saka ikinumpas ang kaniyang kamay. May biglang sumulpot na isang baso ng tubig saka niya ito ininom. Pakiramdam ko, hindi na humihinga sina Loki at Rincewind sa pakikinig habang patuloy pa rin nag-iisip bata si Luccas sa isang tabi. Itinuloy muli ng propesor ang kaniyang pagku-kwento, "Huli na ng malaman ng magkapatid ang tunay na pakay ni Sitan mula sa mga anito na inatasan ni Bathala. Ayon sa mga anito, ginamit lamang ni Sitan si Mayari, ang diyosa ng buwan at Apolaki, ang diyos ng araw at patron ng mga mandirigma para maisakatuparan ang kaniyang mga plano. Sapagkat sa alitan at labanan ng magkapatid, hindi sinasadyang nabulag ni Apolaki si Mayari. Dahil ditto, lalong tumindi ang poot ni Mayari kay Apolaki, ngunit huli na para magsisi si Apolaki, dahil sa matinding poot ni Mayari sa kaniya, hindi na niya kinayang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan- ito ang plano ni Sitan sa simula pa lamang. Ang nakakahalinang liwanag ng buwan ay naglaho ng tuluyan, at lalong dumilim ang gabi. Lumamang sa laban ang kampon ni Sitan kahit nagsanib-puwersa na ang mga diyos at diyosa."
Nag-aatubili si Loki at Rincewind na magsalita dahil walang patid ang pagtapik ng kanilang mga daliri sa kanilang hita. Ibubuka na sana ni Loki ang kaniyang bibig nang nagsalita muli ang propesor, "Nagtataka siguro kayo kung papaano nila natalo si Sitan, ang totoo niyan, dahil nagsisi si Apolaki sa ginawa niya kay Mayari, ibinuhos niya ang lahat ng makakaya at kaniyang kapangyarihan upang paliwanagin muli ang buwan, sapagkat nilamon na ng kadiliman si Mayari dahil sa suklam at poot niya kay Apolaki. Nagawa naman ito ni Apolaki at naakay niyang muli sa liwanag si Mayari, saka nila pinabagsak at ibinalik sa kailaliman ng impiyerno si Sitan. Humingi si Apolaki ng tawad sa kapatid,. Nagkasundo silang dalawa na gumawa ng mga libro na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at mahika mula sa araw at buwan. Ipinamana nila ito sa mga pinili nilang mga mortal, dahil naniniwala pa rin ang magkapatid na babalik si Sitan upang maghasik ng lagim at kaguluhan sa mundong ibabaw. Nagpasalin-salin ang mga librong ito sa iba't-ibang henerasyon, at sa bawat henerasyon, may nangyayaring kaguluhan. Ang palatandaan ng kaguluhan ay ang 'eclipse' na tinatawag ngayong makabagong panahon."
Sumariwa bigla sa aking isip ang mga sinabi sa akin ng misteryosa at maharlikang babae sa aking panaginip. Kung gayon, ang mga napapanginipan ko ay isang babala na maaring maulit muli ang mga nangyari sa nakaraan. Bumuntong-hininga si Rincewind, "You mean, history will just repeat itself?" pagtatakang tanong niya. Sumagot si Prof. Irvin, "Oo, mauulit kapag nagapi ng kasamaan ang kabutihan. Katulad ng nangyari sa aking dating estudyante na si Minerva, ang reyna ng Lunaire. Kahit nasugpo niya ang kasamaan ng kapatid niya, namatay naman siya, at nararamdaman ko na nasa paligid lamang si Morgana."
May kung ano ang bumangga sa puso ko kaya nagsimulang mangilid ang mga luha ko sa king mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko nang marinig ko mula sa labi ng propesor ang pangalan ng aking ina at ni Morgana. Magsasalita na sana ako ng mariin na hinawakan ni Loki ang aking kaliwang kamay. Sa ginawa ni Loki, kumalma ang nagwawala kong emosyon, saka ako humugot ng malalim na hininga. Mira, just inhale and exhale.
Seryoso ang tingin ni Rincewind sa propesor, "Kung gano'n po, may alam kayo sa propesiya? At paano ninyo maipapaliwanag ito?" marahas na tinanong ni Rincewind si Prof. Irvin saka ipinakita ang kaniyang grimoire sa matanda. Nandilat ang mga mata ng propesor nang makita na may naka-engrave na sun symbol sa kaniyang grimoire. Nagulat din si Loki sa kaniyang nakita, "Paanong-", tanging bulalas ni Loki. Marahil hindi niya napansin ang nakaukit na simbolo sa grimoire ni Rincewind kahapon, Kahit ako, hindi ko ito napansin. Mas lalong nabigla ang propesor nang ipinakita rin ni Loki ang kaniyang grimoire.
"Imposible! D-Dalawa ang S-Solar grimoire na nagmula kay Apolaki?!" bulalas ng matandang propesor. Mahigpit na hinawakan ko ang Lunar grimoire, saka muling nagsalita ang propesor, "Hija, ilapag mo ang Lunar grimoire rito," utos ng propesor sa akin at iminuwestra na ilapag ko ito sa wooden center table na nasa harap namin, "Gayundin kayo mga hijo." sinunod ni Loki at Rincewind ang propesor.
Pinagmasdan niyang maigi ang aming mga grimoire bago ito nagsalita, "Inaasahan ko na ang itinakdang lulupig sa kasamaan ay ang dalagang ito na anak ni Minerva, siya ang lulupig sa kasamaan ng kaaway." Napasinghap ako dahil sa tahasang pagkakasabi ng propesor. Shit! Bakit mo sinabi! I'm a dead meat now! Except for Rincewind, gulat ang ekspresyon na nakapinta sa mga mukha ni Loki at Luccas, saka lumingon sa akin. Mahinahong sumabad si Rincewind, "As for me, matagal ko ng alam na siya ang anak ng dating reyna, unang kita ko pa lamang, alam ko na siya ang hinihintay ko- I mean, natin."
Narinig kong nagtagis ang bagang ni Loki, "Ibig sabihin, matagal mo ng alam na si Mira ang anak ni Lady Minerva, na siya ang susunod na reyna ng Lunaire?! Kailan mo pa ito itinago sa akin, Wind?!" bulalas ni Loki na mukhang nagtataas na ng boses, "Ayokong ipaalam ito sa iyo o sa kahit kanino, gusto ko si Mira ang magsabi sa inyo mismo." Rincewind looked at me emotionlessly. Bakit ganyan ka makatingin, wala man lamang simpatiya.
Tumikhim ako upang kumuha ng buwelo, "S-Sorry Loki, kung hindi ko agad sinabi sa'yo, nangako ako kay Mrs. Clementine na ililihim ko 'to sa kahit na sino. B-But, I didn't expect na, alam din pala ni Rincewind ang tungkol sa bagay na'to." I stammered as I explain my side to Loki.
Marahas na tumayo si Loki, "So, matagal ninyo na ngang alam?!" galit niyang bulalas sa amin ni Rincewind. He threw a very cold gaze at me that made my body froze, saka siya nagwalk-out. May kung anong bagay ang sumasaksak sa dibdib ko ng paulit-ulit, and the only thing that I wanted to do was to cry out loud, ngunit hindi ko ito magawa. Ngayon, ang taong tila nagkakaroon ng puwang sa puso ko ay mukhang lalayo ang loob sa akin. Pero bakit gano'n ang naging reaksyon niya sa mga nalaman niya?
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Like it ? Add to library!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!