webnovel

Lucky Three

CHAPTER 3

KENNETH'S POV

"Kenneth pinapatawag ka na Coach Reyes sa office niya." Napalingon ako sa tawag ng isang team ko habang nagpupunas ako ng pawis sa boys locker room dahil katatapos lang ng practice game namin.

"I'll be there in a minute, thanks bro!" Sagot ko habang naka silip pa ang ulo niya sa pinto.

'Shit, I hope this is not about the trouble on the parking area a while ago.'

Kinakabahan akong lumabas ng locker room at nagtungo sa office ni coach na ilang kwarto lang ang layo sa boys locker area. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Coach, pinapatawag niyo daw po ako?" casual na bungad ko pero kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Imbes na maginhawaan ako sa lamig na hangin galing sa aircon lalo pa akong pinagpawisan sa takot at kaba.

"Kenneth, maupo ka muna sandali." turo niya sa upuan sa harap ng table niya habang tinatakpan ang mouth piece ng telepono.

"Thank you." Magalang na sagot ko ngunit hindi agad ako umupo. Nilibang ko muna ang sarili ko sa mga naka display na trophies na napanalunan ng mga dating players ni coach dito sa academy. Inagaw ng naka frame na picture ni coach at ng isang matangkad at morenong lalake ang atensiyon ko. Jiggen Torres Gonzaga. Mabagal na basa ko sa nakasulat na maliit na trophy katabi ng picture frame. Whoa! Siya kaya yung player na palaging binibida ni coach sa amin? Envy, sana maabot ko rin ang narating niya. Ito ang huling taon ko sa academy at kung papalarin ako ikaapat na MVP ko na ito.

"Kenneth, i was talking to the guidance councilor.." kumabog ang dibdib ko ng magsalita si coach mula sa likuran. Seryoso ang mukha niya kaya naglakad na ako papalapit sa mesa nito at dahan dahang umupo.

"Coach, let me explain.." Depensa ko agad kaso naunahan niya ako ng senyas na manahimik muna at makinig.

"What ever the reason behind that trouble on the parking lot this morning, i already fixed that Kenneth." Sinasabi ko na nga ba. Ang insidenteng iyon ang dahilan kung bakit ako narito. Hindi ito ang unang pagkakataong nangyare ang ganitong aksidente, nangyare narin ito noon at ang nakakatawa pa sa iisang tao at sa pareho ring dahilan. "BUT! But this is the last time i'm gonna save your ass Kenneth James Ang. I told everyone one of you a long time ago not too involved yourselves in any troubles inside or outside the school. Dahil ayokong magkaroon kayo ng kahit anong bad record that will affect your future careers." Mahabang litanya niya. Para akong tinamaan ng bola sa mukha dahil sa maagang sermon niya.

"I promise it will not gonna happen again coach. I'm sorry." Napayuko ako sa sobrang kahihiyan sa sarili ko.

"You all knew that those coaches whose scouting from every schools and universities needs a talent with clean records. At sa bagay na yan ikaw lang ang inaasahan ko at ilang ka team mates mo." At napa buntonghiniga siya ng malalim bago sumandal sa swivel chair. "And about that student na involved sa kaso mo, my assistant talked to him a while ago. Its already been settled."

"Thank you coach." Paulit ulit kong kinukurot ang sarili ko sa inis ng pumasok sa isip ko ang taong naka engkwentro ko sa parking lot.

"The Guidance councillor is expecting you in 5 minutes. Go and get your ELID card. NOW! " Alam ko na kapag nasa ganong tono na si coach dapat agad agad siyang sinusunod. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko sa takot na masigawan pa ako.

"Thank you coach."

"Gamitin mo muna to!" hinagis niya sa akin ang isang lumang ELID card. "Get lost ANG before i kick your ass!" Natatawang dugtong niya at napakamot lang ako sa ulo. Nagbow lang sa harap niya at nagmamadaling lumabas ng malamig na opisina.

"Crap, ang aga aga ang dami ng kamalasan." At naglakad ako papuntang guidance office kahit hindi pa ako nagpapalit ng basketball uniform. "Kasalanan 'to ng gunggung na yun 'e." Gigil na bulong ko sa sarili habang naglalakad.

Pagdating ko sa harap ng GO building nakita ko yung isang student na nakaharang sa harap ng electronic box. Tss, mga babae talaga pare pareho ang mga istilo. Delaying tactics para magpapansin. Ilang ulit pa kaong tumikhim para makaramdam siya.

"Kung dadaan ka, dumaan ka---" naputol ang sinasabi niya ng itaas ko ang kamay ko sabay tap ng ID sa electronic box.

"Tss, nakaharang ka sa daraanan ko, Stupid!" bulong ko dala ng inis. Damay damay na mainit ang ulo ko ngayon e. Iniwan ko siyang mag isa sa labas pagbukas ng pinto. Pagpasok nagpa assist lang ako dun sa front desk kung saan ang office ng guidance councilor.

At ng makarating ako sa tapat ng pinto ng office ilang beses akong huminga ng malalim dala ng kaba. Pikit mata akong kumatok bago ko pihitin ang door knob.

"Good morning ma'am. I'm Kenneth James Ang." Lakas loob na pakilala ko. Nag angat siya ng tingin habang abala sa mga papel sa ibabaw ng table niya.

"Come in have a seat." ngiting sagot niya sa akin ng alukin akong umupo."I was talking to Coach Reyes a while ago and he said you'll drop by to get your ELID card." Pormal na wika nito.

"Yes, ma'am." Nahihiyang sagot ko at bahagyang napayuko. Narinig ko ang tunog ng bumukas na drawer at nag angat ako ng tingin.

"Here's your ELID card." una kong nahawakan ang lace ng ID ko. "Thank you po."

"And next time son stay out of trouble. I don't wanna see you in my office again, understood?" Umiiling at seryosong wika niya. Unti unting nagsalubong ang kilay ko sa narinig. It sound rude to me but theres something on her voice, a calming like feeling the way she deliver it. Like i'm listening to a relaxing sound or music. Ang weird pero masarap sa pandinig, mahinahon at may halong lambing sa dulo. Baka ganun lang talaga ang mga guidance councilor. Weird. "I'm just kidding, bakit gusto mo pa bang bumalik ulit dito sa Guidance Office?" Natatawang dugtong niya at dun ko lang nakuha yung ibig niyang sabihin.

'Stupid me!'

"Oh no no no ma'am!' natarantang sagot ko. "Coach Reyes will kill me if that happens again." Napakamot ako ng ulo at nahihiyang ngumiti sa kanya. Pareho na kaming nakangiti sa isa't isa. I felt so weird. Suddenly, i miss Grandma and Tita Sylvia.

"Promise me son."

"I stay out of trouble ma'am, i promise." Napapangiting sagot ko.

"I know son." Napakalambing ng boses niya at paulit ulit iyong nagpi-play sa utak ko.

"I need to go Ma'am may klase pa po ako." Nahihiyang paalam ko at tumango lang siya. Natataranta akong lumabas ng opisina niya. Sumandal ako sa malamig na pader at dun lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang weird ng pakiramdam ko at ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Muli akong sumilip sa loob sa huling pagkakataon. Gusto ko lang siyang makita ngunit pagdungaw ko sa loob nahuli niya akong nakasilip at sa takot ko dali dali akong naglakad papalayo.

Pagdating ko sa lobby nakita ko na naman yung babaeng engot sa labas kanina na nakikipag kwentuhan sa receptionist.

"Sige GANDA inaantay kana ni Ma'am sa loob." Todo pa ang pagkakangiti niya sa kausap at napakamot naman sa ulo ang babaeng tinutukoy niya. Pa simple ko siyang tinitigan,maganda naman mukha lang siyang tomboy kung kumilos.

"Tss.." hindi ko mapigilang mapasinghal habang papalapit sa kanila. Salubong ang kilay na nakipagtitigan siya sa akin.

Tch! Maganda nga engot naman!

ANDI's POV

Heller, I'm Andress Bolivar Jr. 16 years old , Andi sa dapit hapon hanggang mag umaga. Born and raised from the beautiful Island of Eastern Samar.

After ng nakakakilig na PE class dumerecho na kame ni Lucky sa locker area para magbihis. Ang weird lang talaga ni Lucky this past few hours. Itong new found seshie ko ata ay lamang ang pagiging Tivoli kesa sa pagka Beki. Sayang ang aura ni Cara Delevingne na sobrang iniidolo ko kung hindi niya mapaninindigan. Isa pang nakakaloka kay seshie parang walang amor sa kanya ang mga boylets sa campus, anyare?

Kanina pagpasok niya sa Music Class namen habang kasalukuyan akong kinukutya ng mga hampas lupa kong classmates biglang umeksena ang bakla. Parang siyang anghel ipinadala ni Papa Jesus para iligtas ako sa masasama. Dininig ng diyos ang panalangin ko na makaupo. Late na kasi akong dumating kaya naparusahan akong kumanta sa harap ng klase.

Buti nalang hulog ng langit itong si Lucky. Lucky ka talaga sa buhay ko neng!

"Hoy teh, may lakad kaba? Bakit para atang nagmamadali ka?" puna ko sa kakaibang ikinikilos niya.

"Ahh wala- inaantok lang ako." Sabay malakas na ibinagsak ang pinto ng locker niya.

"Bakit parang badtrip ka ata?" nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang mga ikinikilos niya.

"Ako maba-badtrip? Kanino naman? Eh ang ganda ganda kaya ng araw ko ngayon!" Ngiting tugon niya pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niya.

"Eh bakit hindi mapaghiwalay yan kilay mo? Sobrang dikit teh oh, pagdikitin mo lang yan pwede ng bumuo ng letter "M" sa word na McDonalds. Ang ganda teh amazing!"

'Sigurado akong may pinagdadaanan 'to eh pero hinahayaan ko lang baka nga di pa siya makapag adjust dito sa school.'

"Alam mo ang weird mo." Saka ako tumingin ng derecho sa mga mata niya.

At bigla niya akong tinalikuran.

"Anovey! Bakla wag mo kong iwan!" Hinabol ko siya. Sa iksi ng biyas ko at lusog ko agad akong hiningal kakahabol.

"Va-klush, badaaff, jokla, bading, beks, kafatid sa fananamfalataya, ka-fedrasyon, beklu, beki!" Malakas na sigaw ko habang humahabol. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga schoolmates ko. Huminto siya at nilapitan ako.

"Maka bakla naman Andres para namang dinenay ko yun! sayo" sabay irap ng lola mo.

"Eh isa ka palang birhen eh, maka walk out ka kala mo maliit yang sipit sipitan mo!"

"Uuwe na ako. Kung may lakad ka pa mauna na ako sayo." Nababagot na sagot niya.

"Ayan tayo eh, ito ang second day ng friendship naten tapos iiwan mo ko sa ere." nagtatampong sagot ko at biglang lumambot ang itsura niya at mukang nakunsensiya.

"Sige bilang kaibigan ibibigay ko sayo ang isa sa mga price possesion ko." Na excite ako at alam kong mae-excite din siya sa idea ko. "Sayo na ang pinirmahang t-shirt ni Kenneth James Ang." todong ngiting offer ko habang iwinawagayway ang tshirt.

'Siguro naman di na siya aarte sa offer ko? Sobra sobra na yan sa token of friendhip!'

"Huwag na marami pa naman kaming basahan sa bahay." malamyang sagot niya.

"Ay taray gagawin lang basahan yung pinaghirapan kong isingit para mapirmahan lang ni Kenneth. Sarap mo din kakwentuhan ano Lucky?" Kaloka to si ateng daming drama.

"Hala sige kumaen nalang tayo, treat ko. Now na. Huwag umarte kong wala namang keps." Mabilis na hila ko sa kamay niya pabalik sa direksiyon ng canteen.

"Talaga kakain tayo?" halos mapunit ang bibig niya sa laki ng pagkakangiti.Malapit na akong mabaog sa kawirduhan niya. Nag take out lang kami ng food sa canteen at naghanap lang kami ng magandang spot sa campus para dun kami kumaen.

"Alam mo seshie, nawiwirduhan talaga ako sayo." Walang eme emeng sambulat ko.

"Weird is good." Tumatangong sagot niya habang nilalagyan ng ketsup ang hinating niyang burger sa styro.

"Hindi nga seryoso ako." Tumuwid ako ng upo at ipinakita ko ang serious face ko. Kung nakita niyo na ang painting ni Mona Lisa ganun po ang itsura ko ngayon.

"Fine, in what way?" aminadong sagot niya.

"I mean weird in someways. Beki ka pero hindi ka baklang bakla. Mukha ka ngang babae pero parang tomboy ka naman kung kumilos. Ano ka ba talaga?"

"Paano ba dapat?" nakangusong sagot niya. He looks innocent and cute.

"Be yourself. Let yourself out huwag kang matakot o mahiyang kumilos ayon sa kagustuhan mo. Be free!" tinaas ko pa ang isang kamay ko sa ere animo'y may pinaglalaban ako.

"This is the real me Andi." Casual na sagot niya. "Sa dati kong school wala akong naging closed friend na kagaya mo. Puro lalake at tomboy ang kadalasang mga kasama ko."

"Whaat? Seryoso yan?" gulat na sagot ko. No wonder.

"Wala nga. Meron naman piling pili pero hindi ko sila palaging kasama dahil magkakaiba kami ng interes." Napatango lang ako atleast kahit papano nagkukwento siya. I need more information para ma decode ko ang pagkatao niya.

"Unbelievable." Napapapiling ako sa naririnig ko sa kanya. "So ako pa lang ang una?"

"Hindi naman. Ugh, paano ko ba i-explain." Napakamot siya ng ulo. "Kadalasang mga kasama ko kasi mga discreet bi's at mga tomboy. Sila kasi ang mga kalaro ko sa volleyball. Sa bahay lumaki naman ako na kasama ang kapatid kong lalaki at sa Tita kong butch. Gets?" at parang barakong dinampot ang burger sa mesa at kinagat ng malaki.

'Maygad!'

"Papaanong piling pili?" hindi makuntentong tanong ko.

"Piling beki lang. Karamihan kasi sa kanila galit sakin." Malungkot na kwento niya at sinundot sundot yung burger na natira sa styro.

'Hayst, kahit sino naman kasing vaklush mai-insecure sa kanya. Ang ganda naman kasi ni Lucky para maging isang bakla.' And wait there's more napakagaling niya pang kumanta dyusmiyo!'

"Hayaan muna seshie. Malamang inggit lang yung mga yun sayo." Pinisil ko siya sa braso at tipid siyang napangiti.

"Tss, sana nga ganun lang 'e kaso mas malala pa yun sa inaasahan ko." Makahulugang tugon niya at saka bara barang kumagat ulet sa burger.

"Dahan dahan sa pagnguya Lucky, para kang construction worker kung kumaen. Jusmiyo, pagod na pagod teh?" saway ko sa kanya. "Eh Bestfriend? Don't tell me wala kang bestfriend?" ako naman ang sumubo sa jumbo hotdog na binili ko.

"Meron." Ngumunguyang sagot niya.

"Maygad, akala ko talaga wala jusko iisipin ko talaga isa kang Alien seshie." At dinampot ko yung Mountain Dew in can sa mesa. Pinagpapawisan ako sa vaklang 'to.

"Adik meron naman, siguro mga 25 lahat yung bestfriends ko." Inosenteng sambit niya at bigla kong naibuga yung ininum ko sa kanya.

"Ano ba! Ayan binasa muna yung damit ko!!" at dinampot niya yung tissue at namunas.

"Lucky, kaloka ka ang bestfriend dapat isa hanggang dalawa tao lang. Grabe ka 25, ano kayo kulto?!" makukunan na talaga ako sa ka wirduhan nito.

"Lahat kasi yun mga closed friends ko. Kalaro sa volleyball, classmates, at yung iba friends sa labas ng school. Dapat nga nasa wanhandred yun binawasan ko lang baka kasi magtaka o magulat ka." Saksaksan siya ng weird. Nakakatuwa lang kay Lucky yung pagiging inosente niya sa mga bagay bagay. Pasimple lang siya bumanat pero nakakatawa talaga. Kagaya ko natural lang din ang pagiging laitera niya.

"Ha ha ha! Kumaen na nga lang tayo nagugutom ako sayo eh." Binato ko siya ng potato chips sa mukha. Nginiwian lang niya akosabay dampot sanalaglag na chips sa mesa at biglang isinubo.

"Hala ka! Bakit kinaen mo madumi na yun!" sigaw ko at hinawakan siya sa panga para iluwa niya.

"Wala pang five minutes pwede pa 'to!" tumatawang sagot niya habang tuloy sa pagnguya.

"Maganda ka lang talaga Lucky! Maganda ka lang!" gusto kong maiyak sa harap niya.

Pagkatapos naming manginaen inaya ko na siyang umuwe. Sabay na kaming naglakad papalabas pero nag shortcut kami kaya sa parking lot.

"Iniiwasan mo ba ako Kenneth? Kahapon ka pa ganyan ang dami ko ng text at missed call sayo pero ni isa wala kang reply!" nanggagalaiting sigaw ni Amber yung nababalitang ex-girlfriend ni Kenneth.

Napahinto kami ni Lucky sa paglalakad dahil sa nakita naming eksena.

"OMGeeeehh!" sigaw ko sa isip. Parang kinikiliti ako ng feathers sa tenga ng makita ko si Kenneth James Ang. Buo na ang araw ko matutawan na ako sa kinaen ko, napaka pogi niya kahit magkasalubong ang kilay niya. Nagpapadiyak pa ako sa kinatatayuan namin ni Lucky habang pinapanuod sila.

"Ano ba!" iritabling sambit ni Lucky at pinandilatan ako. Hinila ko siya palayo sa pwesto nung dalawa baka isipin nila mga tsismosa kami.

"I told you i'm busy." Walang kagana ganang sagot ni Kenneth. Para kaming mga alimango na patagilid maglakad sa mga naka park ng mga sasakyan.

"Andres ano bang ginagawa naten?" kunot noong tanong ng kasama ko. dahil iniiwasan kong makita kami ng dalawa.

"Busy with what? Ang sabihin mo iniiwasan mo lang ako!" bulyaw niya kay Kenneth.

"So what if I'am? Do you have any problem with that?" casual namang sagot ni Kenneth at parang hindi man lang apektado sa galit ni Amber.

"W-What?" bakas sa mukha ni Amber ang pagkadismaya sa isinagot ni Kenneth.

'Ay siya naman dito pa talaga sa parking lot napiling mag dramahan itong dalawa paano pa kame e-exit ng kasama ko.' Paglingat ko wala na si Lucky sa tabi ko. Hala nasaan na si Lucky? Lumingon ako sa kanan kaliwa wala siya.

"LUCKY!? LUCKY! INDAY NANDIYAN NA SI SER MO DALHAN MO DAW NG ORANGE JUICE!" Malakas na sigaw ko habang naghahanap sa bawat kotseng madaanan ko.

"Ginoo ko, nasan ka ng belat ka!" Naiinis na bulong sa sarili ko habang nag iikot sa parking lot.

"Meowww, Meowww. Muning-Muning! He he he." Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakaupo sa gutter. Tuwang tuwa at hinihimas himas niya yung ulo ng pusa.

'Sus, ginoo ko nakikipag harutan pa sa kuting!'

"LUCKY ano kaba naman kaloka ka kanina pa kita tinatawag nandiyan ka lang pala!!" lumapit ako sa kinauupuan niyang gutter.

"Hong kyutkyut ni Miming Andres, tingnan mo magkaiba yung kulay ng mata niya." Niyakap yakap niya pa yung pusa at hinalik halikan at parang bata itong kinakarga sa dibdib .

"Eowww, ano kaba naman Lucky pusakal yan bakit hinahalikan mo pa!" Sigaw ko sa kanya.

'Ano ba tong seshie ko kung hindi shutay gutom, mucha's grasas naman ang peg!'

"Arte mo mas mukha pa ngang imported 'tong pusa kesa sayo, Oh!" sabay inangat ng mataas yung pusa sa ere.

"Ganern mas matimbang sayo yan kumpara sa akin na seshie mo, Lucky?" Taas kilay na hamon ko sa kanya.

"Joke lang patola ka naman!" at niyakap ulit yung kulay gray na pusa at tumayo.

"Hindi! Ramdam ko eh, tumagus nanunuot sa kalamnan!" itinodo ko na an pagda-drama ko.

"BWAHAHAHA! Joke lang mahilig lang talaga ako sa pusa noon pa." Tuwang tuwang sambit niya. Napapikit na lang ako dahil mukhang sumasakit na ang ulo ko sa kawirduhan niya.

'Lakas din ng trip nito ni Lucky pusa lang pala makakapag pasaya dami ko pang eksena kanina'

Pagdilat ko. "Hala nasan na naman yun!?" Mabilis ulet akong tumayo at hinanap ko ulet siya sa paligid.

'Jusmiyo, nasaan na naman yung beklu na yun?!' Naiiyakna bulong ko sa sarili. Hindi ito ang tamang oras na magliwaliw kami.

At nahagip ng mata ko ang imahe niya sa labas ng pinto ng isang stockroom ng pinaglalagyan ng mga walis, dustpan, trash can at iba pang gamit ng panlinis. Halos liparin ko ang daan sa kinaroroonan niya. Gusto ko siyang sabunutan sa gigil ko.

"Yan okey na siya!" pagpag niya sa parehong palad sa likod ng pants niya. "Bukas babalikan kita tapos iuuwe kita sa bahay. Ipagpapa alam muna kita kay Nanay, okay?" nakapamewang habang kinakausap ang pusa sa loob ng karton. "Huwag kang malulungkot, kainin mo yang tira kong burger mahal yan!" bilin niya parin sa pusa akala mo maiintindihan siya. Kinarga niya ito at niyakap at dahan dahang isinasara ang pinto. Sigh.

"WHET DE HELL ER YE DE-WING DEYR?"

Sabay kaming napalingon ni Lucky sa maarte at matining na boses na nagsalita malapit sa kinatatayuan namin. Muntik ko ng makalimutan hindi nga lang pala kami ni Lucky ang nasa parking lot ngayon.

"W-Wala wala. May hinahanap lang kami paalis na kami pasensiya na." Pikit matang hingi ko ng pasensiya. Nagulat ako ng buksan ulet ni Lucky ang pinto ng stock room at ibinagsak ang pinto ng malakas na ikinagulat ni Amber. Kunot noong napalingon naman si Kenneth sa direksiyon naming dalawa. Nanginig ang tuhod ko sa kaba.

"GET OUTTA HERE!" Maarteng sigaw ni Amber samin ni Lucky.

"NYEH—NYEH-- NYEH---NYEEH!" mapang asar at panggagaya ni Lucky sa sinabi ni Amber.

'Hala bruha maghulos dili ka seshie!'

"HOY BAKLA LUMAYAS KAYO KUNG AYAW NIYONG MA KICK OUT SA SCHOOL NA 'TO!" Namumulang sigaw at duro sa akin ni Amber.

'Hala ako ba ang may kasalanan kung nag aaway sila ng dyowa niya? Lakas din ng trip ni ateng oh.'

"TARA!" maangas na sagot ni Lucky. Hinawakan ako ni Lucky sa kamay at hinila papalayo sa stock room. Dala ng takot at nerbiyos nagpatianod na lang ako sa kanya. Kung pwede lang maglaho ginawa ko na. Hindi ko alam kung anong trip nitong si Lucky at kung bakit sa gitna pa kami nung nag aaway na magdyowa dumaan.

Nauunang naglakad si Lucky kaya kitang kita kung papano pangunutan ng noo at titigan ni Kenneth si Lucky. Paglingon ko ganun din si Lucky nakikipag labanan din ng masamang titig kay Kenneth.

'Ay taray parang may something.'

"A-AA-CHOOOOOHH!" Malakas na bahing ni Amber pagdaan namin ni Lucky. Nagkatitigan kaming dalawa. Sabay hila ko sa kamay ni Lucky at matulin kaming tumakbo.

'PUTA ka Miming! Gagawin kitang siopao!'

"GE TE HELL FEGGET! E DE WENNE SEE YER FEYS---" nanggagalaiting sigaw ni Amber.

Hindi kami magkanda ugaga kakatawa habang papalayo sa kanila sa sobrang laugtrip sa malakas na pagbahing ni Amber sa harap ni Kenneth.

Bwahahaha best day ever!

LUCKY'S POV

Hinihingal kaming huminto ni Andi sa ilalim ng isang puno malapit sa gate ng school. Pareho kaming nakayuko at nakahawak sa mga tuhod namin dahil hirap na hirap huminga dahil sa kakatawa. Nagkanda ubo-ubo na kami pareho habang nagtatago sa gilid ng mayabong na puno. Tuyong tuyo ang lalamunan ko at wala akong mapagsidlan ng saya.

"W-Water?" Nakayukongtinanggap ko yung bottled water sabay tinungga ito ng nakapikit hanggang mangalahati. Sobrang ginhawa sa pakiramdam at napapapikit pa ako sa sarap.

"Salamat--hahh-hahhh" hinihingal na pasasalamat ko at saka tumayo ng tuwid. Nanlaki bigla yung mata ko ng makitang nakanganga si Andi sa harap ko. Tanging eyeballs ang niya yung gumagalaw palipat lipat sa katabi kong nag abot ng tubig.

"Hala?" gulat na usal ko. Napaatras ako ng kaunti at 'di makapaniwala.

Buong akala ko kay Andi galing yung tubig. Mabilis agaw ni Andiang hawak kong bote.

"Mukhang nag e-enjoy kana dito sa school ah." nakangiting wika niya.

"Sakto lang.." casual kong sagot at napatikhim. Wala ako sa mood makipag talo sa kanya ngayon dahil maganda ang mood ko.

"Nice to hear that. Saan kayo galing at bakit humihingal kayong dalawa" nagtatakang tanong niya at palipat lipat ang tingin samin ni Andi. Saka naman ako napalingon kay Andres na kasalukuyan hinahalik halikan yung bote ng mineral.

"Hoy, Andres ako ang uminum diyan kadiri kah!" Mahinang bulong ko habang pinandidilatan siya.

"Huh? Di ba galing kay Wesley to?" Sabay turo niya kay Wesley.

"Oo, galing sa kanya pero ako yung uminum niyan." Sabay inabot saken pabalik ang bote at parang nandiri.

'Kingenang to lakas ng trip halos dilaan na yung bote.'

Narinig ko ang mahinang tawa ni Wesley.

"W-Wala diyan lang." sagot ko sa tanong niya kanina.

"Hindi ka na ba galit sakin?" Nakangusong sagot niya.

"Keri lang.." kibit balikat namang sagot ko.

"Ano yung keri lang?" Kunot noo at puno ng kainosentehang tanong niya at sabay natawa si Andi sa tabi ko.

"KERI LANG-- it means OKEY LANG, sakto lang-- ganern!" nagpapa cute na sagot ni Andi.

"Ahh-- really? Hahaha!" mahinang tawa niya tila na gets niya na yung sinabi ni Andi.

"John Wesley Ongpauco." Pormal na pagpapakilala niya sakin sabay abot ng kamay. Pero hindi ko tinanggap kaya napakamot na lang siya ng ulo.

"I know." Matipid na sagot ko habang nakatingin sa kamay niya bago sa mukha niya.

"Ikaw, hindi mo ba ipapakilala ang sarili mo?" para siyang bata kung makipag usap. Yung tipong nagpapa cute pero hindi niya kailangang gawin yun dahil nag uumapaw siya sa kakyutan.

"Oh? Nakalimutan muna agad diba ni-recite mo pa ng buong pangalan ko nung isang araw?"

"No, I mean, don't you want to introduce yourself to me somehow?" siguro kung ibang tao ang nagsabi nun maaangasan ako pero dahil sa kainosentahan niya... i find it so cute.

"Sorry but I'm not interested." Ngiting sagot ko at bago ako nag serious face. Hindi ako dapat magpadala sa mga pagpapa cute niya.

"Oww-I'm sorry.." may bahid ng lungkot na sagot niya at napahiyang lumingon kay Andi.

"But don't worry, hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan mo." Bawi ko ng makaramdam ako ng kaunting konsensiya.

"Talaga bakit? Isa ka din ba sa mga fans ko?" na excite na tanong niya.

"Fans? Bakit artista ka ba?" sarkastikong sagot ko.

"Eh bakit di mo makakalimutan?" Taas noong tanong niya at nakapa mewang pa.

"Eh kung ikaw kaya patamaan ko ng bola ng bowling sa ulo, sa tingin mo kaya makakalimutan mo pa ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Whoa—Grabe ka naman hindi naman ganun katigas yung bola ng soccer ah." Kung ngusuan niya ako parang kasalanan ko pa na tinamaan ako ng ligaw na bola sa field.

"E bilog pala utot mo eh!" di ko napigilang magtaray ko. "Kahit anong klaseng bola pa yun o maski WRECKING BALL pa ni Miley Cyrus yang tumama sa ulo mo iisa pa din ang magiging resulta nun! MASAKIT!!" duro ko sa kukute niya sa gigil ko.

"BWAHAHAHAHAHA-- Gusto ko yung WRECKING BALL NI MILEY! BWAWAHHAHAHAHAHAHAHA" Nabaliw na yung bata. Tawa siya ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ang isang kamay at ang isa nakaturo sa akin.

"Luh?" nagkatinginan lang kame ni Andi at nagkibit ng balikat.

'Babaw ng kaligayahan ng lalaking to para sa wrecking ball lang nabaliw na?'

"I Like you, Lucky. I really like you." Tumatawa parin siya at napapa punas pa ng luha sa gilid ng singkit na mata.

"To God be the glory!" mahinang usal ni Andi sabay nag sign of the cross.

"So you like me." Nagkunwari akong seryoso.

"I-I mean, i like your sense of humor that's what i'm trying to say." pagseseryoso niya at napayuko siya ng kaunti sa hiya.

"Ganda naman ng sesshie ko, makabili nga din niyang sense of humor na yan!" at siniko ako sa tagiliran ng paulet ulet. Nagtataka naman ako sa ginawa niya. Pinandilatan niya lang ako. Ahhh. Alam ko na gusto nga pala niyang ipakilala ko siya sa kulugong na 'to.

"Si Andi pala kaibigan ko." Sabay hila kay Andi paharap kay Wesley.

"Hi Andi, I'm Wesley." nakangiting bati niya at inabot ang kamay.

"H-hi Wesley, nice meeting you." Pabebeng sagot ni Andi at halos ayaw ng bitawan ang kamay ng kausap.

"Likewise." Sabay kindat kay Andi.

"OMGeeeeehhh, kinamayan niya ako teh may kasama pang kindat!" ipit na ipit ang boses nito at humawak sa balikat ko habang inaalog-alog ako ng paulet ulet. Hindi pa nakuntento nagtatakbo pa paikot ikot sa punong sinisilungan namin.

"OA amputa!" mahinang bulong ko dahil ako ang nahihiya kay Wesley sa ginagawa ni Andi. Natatawa lang si Wesley sa tabi ko na parang tuwang tuwa sa ka aningan ni Andi.

"Pasensiya kana ngayon lang kasi nakakita yan ng tunay na tao, magkakamukha kasi sila sa tribu nila."

"No it's okay. Nakakatuwa nga siya hindi siya napapagod oh." Natatawang nguso niya kay Andi at tinititigan ako. Bahagya akong nailang sa paraan ng pagtitig niya.

Ngayon ko lang siya nakita at natitigan ng malapitan. Infairness naman may katarungan din naman ang pagiging OA ni Andi. Hindi kana luge, may sukli kapa, abunado ka pa nga kapag nginitian kanya na abot tenga dahil naniningkit yung mata niya kapag tumatawa.

Matangkad, may katamtaman na laki ang katawan. Matangos ang ilong, maputi, malakas ang dating sa madaling salita saksakan ng pogi. Masiyado nga lang makulet at mukhang isip bata pa. Hindi makuha sa tingin at mga sigaw.

Naalala ko lang yung sinabi ni Andi na ang mga babae ang lumalapit sa kanya. Nakakapagtaka lang hindi naman kami nag gagandahang babae ni Andi para lapitan niya if ever. Wala naman kaming utang sa kanya. Si Andi lang naman ang fan niya. Kung tungkol naman ito sa nangyaring aksidente kahapon nakapag sorry na naman siya. Yun lang hindi ko pa siya napapatawad. Tch!

'Ano naman kaya ang kailangan ng kumag na to?'

"Bayaran ko nalang yung mineral water mo."

"KERI LANG!" Confident na sagot niya sa harap ko. Napairap naman ako.

"Hahaha! Tama ba yun?" nahihiyang tanong niya at napakamot pa sa batok. Masiyado siyang cute na di-distract ako. Shit!

" FLANGAK!" humihingal na sulpot ni Andi sa tabi ni Wesley. Nagsalubong ang kilay niya at mukhang hindi niya na rin gets yung huling sinabi ni Andi.

"A-Ano daw yun?" mahinang sambit niya sa harap ko.

"Flanggak, it means your correct." Casual na sagot ko.

"Ahh, yan ba ang dialect sa tribu nila?" seryoso siya.

"Hahahahaha!" Hindi ko napigilang tumawa sa hawap niya. Nakakatuwa kasi yung pagiging inosente niya. Kumunot naman ang noo ni Andi sa sinabi ni Wesley.

"B-Bakit?" napanguso siya sa naging reaction ko.

'Lord ang kyut niya, ilayo niyo po siya sa harap ko bago ko siya maihagis sa kalsada please!'

"W-Wala natawa lang ako sa sinabi mo."

"Kumaen ka na ba? Gusto niyong mag meryenda?" nakangiting alok niya at halos mapunit na yung bibig ni Andi sa lawak ng pagkakangiti sa harap ko.

"Sige meryenda--" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Andi at hinila siya sa tabi ko.

"Tapos na salamat." Magalang na tanggi ko.

"How about Ice Cream, may alam akong masarap na ice cream store malapit dito." Nakangiting alok niya ulet.

"Ice cream! We love ice cream diba Lucky?" kinurot kurot niya ako sa tagiliran. Alam ko namang gusto ni Andi makasama si Wesley dahil isa ito sa mga katuparan ng mga pangarap niya. Hindi ako makasagot dahil titig na titig siya sa mga mata ko.

"Okay lang ba sa inyo? Dala ko yung kotse ko."

"Thanks Wesley but no thanks." Tanggi ko ulet.

"Ganun ba. Sayang naman." Puno ng panghihinayang ang boses niya pero bigla rin siyang ngumiti. Hindi ko alam pero parang na guilty ako bigla.

"Next time na lang Wesley may lakad kasi kami ni Lucky eh." Sabat ni Andi pero nakabaon ang kuku sa likuran ko.

"Okay lang mukhang ayaw ata akong kasama ng kaibigan mo 'e." Parinig niya kahit magkaharap lang kami. Tinaasan ko siya ng isang kilay at mabilis siyang nag iwas ng tingin.

'Tss, hindi mo ko madadala sa mga pariparinig mo!'

"Ano ka ba hindi naman may appointment lang kami kaya hindi pwede ngayon." Paliwanag ni Andi at kinurot ako ng pino sa likod. "Ipaliwanag mo yang kaartehan mo mamaya humanda ka sakin." Mahinang bulong niya sa tabi ko habang nakangiti sa harap ni Wesley.

"Sige mauuna na kame ipapa-check up ko pa kasi 'tong si Andi sa VET diyan sa kanto." Natawa naman siya at hinila ko si Andi papalayo.

"Wait.. pwede ba akong sumama doon?" puno parin ng pag asa ang boses niya. Sa tuwing tinatanggihan ko siya nilalamon ako ng kunsensiya. Lumingon ako at nagtataka sa kanya.

'Yung totoo saan ka ipinag lihi sa patola?'

"Huwag na mamaya makagat ka nito, ma ULUL kapa! Haha!"

"See, ayaw mo talaga akong kasama 'e!" turo niya sakin. Hindi ko maintindihan yung itsura niya kung maiiyak o matatawa. Suko na talaga ako sa kakulitan niya.

"FLANGAK!" segunda ko.

"Unfair." napakagat pa siya sa labi at umiling.

"See you around Wesley!" kaway ni Andi.

"Yeah, sure. Take care Andi." Ganting kaway niya. "See you around Lucky." Gwapong gwapong kaway niya sakin.

"I don't think so. Bye!" iling na sagot ko.

"Ugali mo!" lalapit pa sana siya pero hinila ko na sa kamay si Andi papalayo.

Paglabas ng gate. Halos kaladkarin ako ni Andi sa gilid ng waiting shed.

"Anong category yang pag inaarte mo at hindi at ako na orient na may ganya palang bagong kategorya!" nakapamewang na litanya niya.

"Dapat ba may kategorya?"

"Oo, Lucky! Si Wesley Ongpauco yung tinanggihan mo ng paulit ulit. Ginoo ko!"

"So? Bakit kaklase ba naten siya? Bestfriend mo ba siya? Kababata hindi naman diba?"

"Kahit na seshie, si John Wesley Ongpauco yun uyy! Suntok sa buwan na may inaya yung ibang tao bukod sa pinsan niya at tayo! Maygad maaga akong magme-menopause sayo Lucky Gonzaga!" sigaw niya.

"So? Hindi ako interesado sa pagkatao niya. Hindi kami close at wala akong makitang mali sa pagtanggi ko sa kanya kanina." Ayoko ng pasikot sikot kaya denirecho ko siya.

"Maygad! Nakalimutan ko nga palang saksakan ka ng kawirduhan!" napakamot siya sa ulo.

"Keber, sana sinabi mong gusto mong sumama sa kaniya kanina, kaya ko namang umuwe mag isa Andres."

"Ewan ko sayo! Jusko yung mga pangarap ko unti unti ko ng naaabot kaso hinihila mo naman ako pababa!" madramang litanya niya. Makapag inarte parang katorse ang sukat ng bewang niya. Kamote ka!

"Hindi kita kayang hilahin pababa ang bigat mo kaya!" natatawang sagot ko kanya.

"Don't tell me tungkol padin 'to sa tinamaan ka ng bola sa ulo?" inambaan niya ako ng hampas at napailag ako. "Maygad seshie nakatadhanang mangyare sa inyo ang bagay na yun. Tamaan ka man o hindi ng bola makikilala at makikilala mo parin siya sa ibang paraan o pagkakataon." Napangiwi ako sa husay niya. May plano ata siyang pasukin ang mundo ng panghuhula after graduation.

"Ahh ganun eh kung itulak kita sa kalsada pagdaan ng kotse ni Ongpauco at sabihin ko sayo tadhana kang mamatay sa kamay niya bet mo?" pananakot ko sa kanya.

"Grabe ang harsh mo sesshie.." saka siya nag tone down.

"E siraulo ka pala gusto mo pala siyang makasama sana sumama kana sa kanya kanina!" pagsusungit ko. Nginusuan niya lang ako kaya huminahon ako ng bahagya. Maygad, nagiging mainitin na ang ulo ko.

"Basta sa susunod na mag aya yun, huwag ka ng tatanggi dahil malilintikan ka sakin!" pinandilatan niya ako at halos maglabasan na yung ugat niya sa noo.

"Bahala ka sa buhay mo!" Ayoko ko ng makipagtalo sa kanya dahil napapagod na ako.

"LUCKY!" sigaw niya sa harap ko. Ang kulet niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang para matapos ang usapan. Sumabay na ako sa sasakyan ni Andi papunta sa sakayan ng jeep.

To be continued.