webnovel

Lucky Boy Part 14

"LUCKY BOY"

EPISODE 14

"Ate sorry na please."Paulit ulit na hingi ng patawad ni Mark kay Clara, hiniwalayan kasi si Clara ng boyfriend niya dahil kay Mark,dahil sa pagsagot ni Mark ng tawag nito noong nakaraang linggo.

Simula non ay palagi ng mainit ang dugo ni Clara kay Mark at hindi na ito ang ate Clara niyang malambing tulad ng dati.

"Lumabas ka rito sa kwarto ko Mark, dahil hindi ko alam kong kailan kita mapalatawad, nang dahil sa'yo ay hinihawalayan ako ni Rj, dahil sinabi mong ikaw ang boyfriend ko!,ha!! nababaliw ka na ba?! hindi ka ba nasusuka sa mga ginagawa mo sa'kin at pinagsasabi sa boyfriend ko ha!? matino pa ba yang pag-iisip mo?."Galit at pasinghal na sigaw ni Clara kay Mark.

At dahil doon ay natigilan si Mark at napaawang ang bibig at napaiwas ng tingin kay Clara.

"A-ate patawarin mo na ako please nadala lang ak-."Natigil sa pagsasalita si Mark ng sumabat si Clara.

"Selos!!? dahil sa selos!? ghad Mark! for god sake Mark! wala kang karapatang magselos ka ng ganun! Oo naiintindihan ko na nagseselos ka dahil ate mo ako! at takot ka na mahati ang oras ko sa'yo at sa boyfriend ko! pero sa inakto mo? nakakasuka eh alam mo ba yon!?."

Napayuko si Mark at unti unting nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"Sorry ate, kong-nag-nagseselos ako ng ganun,alam kong wala akong karapatang magselos ng ganun dahil wa-walang tayo at magkapatid tayo,pasensya na,hindi ko lang kasi maiintindihan itong puso ko-eh, kahit na anong pigil kong ibigin ka ay hindi k-ko mag-magawa,dahil-kusa itong tumitibok na tanging sa'yo lamang at hindi ko ito naramdaman ang ganitong tibok sa-ibang ba-babae,kundi sa'yo lang talaga."Pumiyok na boses na sabi ni Mark habang humihikbi at tumingala sa kisami para pigilan ang mga luhang nag-uunahang magsilaglagan mula sa kanyang mga mata.

Napaawang ang bibig ni Clara na nakatingin sa bunso at hindi makapaniwala sa narinig.

Yumuko si Mark at nag-angat ng tingin kay Clara at bumuntong hininga."Pero-pipigilan ko na ito hanggat maaga pa, dahil alam kong bawal, mi-minsan naisip kong hilingin na lamang na ampon nalang ako at hindi tayo magkapatid ma-mas gugustuhin ko pa yon, basta lang maging akin ka, magiging akin ang babaeng MINAMAHAL KO."May diin ang huling linya ni Mark habang nakatitig kay Clara.

Nanatiling nakaawang ang bibig ni Clara habang nakatingin kay Mark.

Ngumiti si Mark at di inaasahan ni Clara ay biglang hinawakan ni Mark ang kanyang batok at inilapit ang kanyang noo sa bibig ni Mark at saka hinalikan.

"I LOVE YOU ate Clara as my sister,sorry sa lahat ng mga kahibangan at kahalayang nagawa ko, and I hope na mapatawad mo na ako."Mahabang litanya ni Mark kay Clara saka tumalikod kay Clara at kumaway bago naglakad paalis.

Hanggang tanaw na lamang ni Clara ang bunso na papalabas ng kanyang kwarto, at wala sa sariling napahikbi si Clara at biglang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata."Ma-mark."Pumiyok ang boses na sambit ni Clara.

End Of Episode 14