webnovel

Lucky Boy Part 12

"LUCKY BOY"

EPISODE 12

ISANG umaga kaharap ni Clara ang salamin at kasalukuyan siyang naglalagay ng pulbo at foundation sa kanyang mukha may pasok kasi siya,ngunit kataka taka lang na naglalagay siya ng mga ganon, hindi naman kasi mahilig si Clara na magpaganda ng tudo dahil maganda naman na siya kahit wala ng ilalagay sa kanyanh mukha.

Tumungo muna ang ulo ni Clara para kunin ang lips stick na nasa cabinet, at nang mag-angat siya ng tingin sa salamin ay muntik na siyang mapatalon nang pagtingin niya sa salamin ay nakita niya ang repleksyon ni Mark na nakatingin sa kanya na nasa kanyang likuran lang at mukhang galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin kaya kabadong dahan dahang humarap si Clara sa kanyang likuran at nakita nga niya si Mark na parang galit na galit ang mga mata, napaatras si Clara sa salamin.

"Bu-bunso?."Utal at kabadong sambit ni Clara.

"Para saan, kanino yan?."May halong galit na tonong tanong ni Mark.

Napaawang ang bibig ni Clara at may halong pagtataka, hindi agad siya nakasagot."Ang alin?."Kabado pa ring tanong ni Clara.

"Hindi ka naman mahilig maglagay ng mga foundation sa mukha dati di ba? para saan yan, at para kanino?."Tiim bagang tanong ni Mark.

Napalunok si Clara."Bunso hindi kita maiintindihan, ano bang ibig mong sa-sabihin?."Kabadong tanong ni Clara.

Nag-igting ang mga panga ni Mark na tumitig kay Clara at tiningnan mula ulo hanggang paa at nagsalubong ang kilay."Sinong pinagpapagandahan mo? at bakit kailangan mo pang magsout ng ganyan kaikling palda ha?."Galit na tanong ni Mark.

Nakahinga ng malalim si Clara dahil nakuha na niya ang ibig sabihin ni Mark"Si Rj boyf-."Hindi natapos ni Clara ang kanyang isasagot ng biglang sumigaw si Mark sa mukha mismo ni Clara.

"F*ck ate!! kailan ka lang natoto at nagsimulang mag-boyfriend!? ha!!!?."Galit na sigaw ni Mark.

Natigilan si Clara at tiningnan ang kabuuan ng mukha ng bunso."Kailangan pa ba yang itanong? natural magbo-boyfriend talaga ako, kong gugustuhin ko, at saka nasa tamang edad na ako nuh, teka nga bunso bakit kong makapag-react ka ay daig mo pa si daddy at parang galit na galit ka ha? ano bang problema kong may boyfriend na ako?."Nakapameywang at pigil ang inis na tanong ni Clara habang nakatitig sa mga mata ni Mark.

Hindi agad nakasagot si Mark at eksaktong nag-ring ang cellphone ni Clara ng isang kanta na HINDI TAYO PWEDI,kaya agad itong sinagot ni Clara."Excuse me."Paalam ni Clara kay Mark at lumabas muna para sagutin ang tawag.

Naiwang nakatulala at nakaawang ang bibig ni Mark at nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang kantang ringtone ng cellphone ni Clara na HINDI TAYO PWEDI,at parang kinurot ang puso ni Mark sa kantang iyon dahil parang nagpapahiwatig sa kanya ang kantang iyon ng kanyang maling pag-ibig na nararamdaman niya kay Clara, at wala sa sariling tumulo ang luha ni Mark at napahikbi.

End Of Episode 12