39 39 Choice to Avoid Him

Nang makauwi si Celine sa bahay nila. Nagbalik sa kanyang isipan ang lahat. Lahat-Lahat...Bumaba sya ng kotse. Binuksan nya ang gate. Tapos pumasok ulit sya sa sasakyan para igrahe ito. Bumaba ulit ako dala ang gamit ko.

" Kuya!!!!!!!! " sigaw ko.

" Wazzup! Kala ko bukas ang uwi mo. Nasan si John? Hindi mo ba sya kasama? Kala ko nasa hotel kayo? Nakausap ko kasi yung hotel owner sa cellphone. Sabi nya magkasama kayo tapos.... " biglang sumigaw ako.

" Kuya! Tama na!!! Pwede!!!! " galit na sabi ko. Feeling ko sasabog na ang sarili ko sa galit.

" Tama na.....Tama na... Pleaseeeeee... hindi ko na alam ang gagawin ko. Wag ka nang dumagdag pa. Umuwi ako dito para ayusin ang lahat. Ang dami ko na ngang problema tapos imik kapa ng imik. Kuya....kahit ngayon lang " padabog akong pumunta sa kwarto. Sinara ko ng buong lakas ang pinto. Sumandal ako sa pinto.

Background music; Oks lang ako By jroa *chorusšŸŽ¶

Umiyak ako, humagol-hol ng paulit-ulit, nangangatal ang mga kamay, pilit kong pinigilan na masinok sa kakaiyak. Napaluhod na lang ako sa sahig. May paulit-ulit na tumatawag sa cellphone ko. Pero parang hindi ko yata rinig. Rinig ko lang ang iyak ko. Yung feeling na palaging tininusok ang puso mo sa sakit. Hindi ka makagalaw. Natutuliro, Naguguluhan, gusto mong magwala pero hindi pwede.....

Just Stop the Music*

Nang makahinahon na ako. Nagpalit ako ng damit. Inayos ko ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto. Bandang alas 10:00 ng umaga.

Nakita ko si Kuya nakaupo sa sofa. Dahan-dahang lumapit ako sa kanya. Parang lantang-gulay. Niyakap ko sya ng mahigpit.

" Kuya...." hinahagod lang ni Kuya ang likod ko. Pero kala ko mapapakalma ko na ang sarili ko pero hindi.

" Celine!!! " may nagsusuntok ng gate.

" Buksan mo to. Magusap tayo! "

" Alam kong nandyan ka! Magpapaliwanag ako!!! " Si John nandito na sya.

" Kuya papasok na ako sa trabaho. Sa opisina na lang ako kakain ng tanghalian. Ako nalang ang bahala sa kanya " umalis ako sa pagkakayakap ni Kuya. Isang tango lang ang binigay ni Kuya.

" Humanda yang John sa akin " Sabi ni kuya pero hindi ko gusto yun.

" Ako na kuya. Kaya ko to " Nagpunta ako sa kusina. May isa kasing cr dun. Nandon ang lahat ng uniform ko. Pati ang kay Kuya. Si Kuya kasi ay isang Architect.

Nang makatapos na ako. Kinuha ko ang importanteng gamit ko. Lakas loob akong lumabas ng bahay.

" Celine please " tiningnan ko sya sa mata. Kahit mahirap pinilit kong harapin sya.

Binuksan ko ang gate. Para makalabas ang kotse ko.

" Celine please " Hinabol nya ako papuntang grahe. Kinuha ko ang susi ko sa bulsa. Binuksan ko ang pinto ng kotse. Hinawakan nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya pero....

" Bitawan mo ako! " pagpasok ko sa sasakyan. Nagdrive ako. Pinatitigil nya ako pero hindi ko sya pinapansin.

Bumaba ulit ako. Para sarhan ang gate at ikandado.

" Celine magpapaliwanag ako " huminga ako ng malalalim. Tumalikod ako sa kanya.

" Please.... " Hinarap ko sya.

" Wala kanang ipagpaliwanag pa! Itigil mo na to pwede! "

" Kakalimutan ko nang nakilala kita " Binuksan ko ang pinto ng kotse.

" Celine....Isang tanong.....isang sagot. Mahal mo pa ba ako? " isinagot ko agad.

" Hindi! " Sumakay na ako ng kotse. Mabilis ko itong pinatakbo. Paalis sa lugar na yon.

Author;

Kung may taong inlove, mayroon namang masasaktan at umaasa na maayos pa ang 'Dating Tayo'. Tadhana na lang ang magiging saksi para mahanap nya ang "Love To The Destiny"

Stay Tuned Readers thanksā™„ļø

Ā©Love To The Destiny

avataravatar
Next chapter