33 33 Emergency?

Nandito na kami sa hotel kung saan nandito sina kuya. Samantala naman si John wala dito sa hotel san kaya yun nagpunta.

" Kuya nasan si John? " habang naghuhugas ng plato na pinagkainan namin kanina.

" Magpapahangin lang daw sya sa tagong lugar. Para makapag-isip saka baka mauna na daw syang umalis para umatend ng opisina. Nagtext kasi daw ang secretary niya may pinapipirmahang documents " lumabas ako sa hotel. Baka maabutan ko pa sya.

" Celine! San ka pupunta?! " hindi ko na napansin ang pagtawag sa akin ni kuya. Ang mahalaga mahanap ko si John.

Baka hindi pa nakakalayo yun. Kasalanan ko to eh. Kaya umalis sya agad. Teka...bakit ako nagaalala totoo na bang nainlove ulit ako sa EX ko? Nasan na ba sya? Gusto ko pa sana na makasama sya. Pamayang dapit hapon kaso nakalayo na sya.

"John!!!!!!!!!! "

Naglakad ako sa tabing dagat. Nilibot ko ang buong Isla. Nagbabaka-sakaling makikita ko sya. Kung kailan sasabihin ko sa kanya. Wala naman talagang nagbago, Mahal na mahal ko parin siya. Kahit minsan wala akong minahal na iba kundi sya lamang. Huli na ang lahat para sabihin ko sa kanya ang totoo.

Pagdating ng gabi. Bumalik ako sa hotel para magpahinga. Sina kuya at Hayden naman. Mga tulog na.

*********** Use sound I'm in Love by reza darmangsawa for the background music

Lubos kong pinagsisihan ang sarili ko. Kung kailan sasabihin ang totoong nararamdaman ko. Umalis naman sya. John I Love You so much ang takbo ng isipan nya hanggang pumikit na ang talukap ng mga mata nya.

Alam ko nagsisi na sya sa ginawa nya pero nung mga panahon na nasa ospital ako. Binantayan nya ako. Inamin nya na may pagkukulang sa akin pero naiintindihan ko na ngayon ang nakalipas.

***********

" Celine! Wake up! Gumising ka na nga dyan! Kakain na tayo! " haynako kahit kailan talaga hayyy.

" Susunod na po!!!! " bumangon na ako. Nagdiretso ako sa cr para magayos. Pamaya lamang bumaba na ako. Umupo ako sa tabi ni kuya.

" Kuya nasan si Hayden? Umuwi na rin sya? " tanong ko kay kuya na kumukuha ng kanin.

" Maagang umalis. Sya pa nga pala kagabi. Hindi na kita ginising dumaan dito si John may pinabibigay sayo " ano kaya yun. Binigay nito ang maliit na kahon.

" Kuya nabuksan mo na ba to? " umiling siya.

" Bakit ko naman bubukasan. Hindi naman bigay sa akin. Pamaya mo na yan buksan. Kumain muna tayo. Bago kasi umalis dito si Hayden nagluto sya ng adobo. Eto tikman mo" binigay nya sa akin iyon.

" Eto muna ang kakainin ko. Yung tira kahapon nilagay ko kasi ito sa ref kaya hindi pa panis " eto talaga si kuya ayaw may masasayang na pagkain.

" Masarap din palang magluto si Hayden kuya parang si...." buti nalang tumunog ang cellphone ko. Nagtext pala ang secretary ko sa Milktea shop. Nagkaroon daw ng Emergency.

" Kuya bilisan na natin kumain. May problema daw dun. Malayo pa ang biyahe natin " binilisan ko nang kumain. Muntik pa akong mabilaukan buti nalang nakainom agad ako ng tubig.

" Bilisan mo na jan sa shower pagkatapos mo ako na. Naghuhugas lang ako ng plato "

*************

" Kuya tapos kana bang magayos?! Ano ba yan babae ka ba kuya? Ano ba!!!!!! Ang tagal " lumabas na ako ng Hotel sa kotse ko na lang sya iintayin.

" Ang tagal naman ni Kuya. Tapos ang hina pa ng aircon dito sa kotse. Ang banas na ddry tuloy ang makeup ko " Lumabas ako ng kotse pupunta sana ako sa may event nang biglang may nakatapon sa akin ng Juice. Put*k na buhay eto oh.

" Alam mo ba kung gaano kamahal tong uniform na'to ! Bayaran mo " Sabi ko dun sa waiter.

" Bayaran mo sabe eh!!! " bulyaw ko. Kasi naman nabasa yung uniform ko tapos yung isa pinaloundry ko pa. Pano na'to.

" Hoy gag* ka ha. Ipagpagawa mo ako ng bago nito. Sira ka ba? Bayaran mo na! " naiinis na ako sa pagreaksyon nito. Hindi ako naawa sayo.

" Eh Mam wala po kasi akong maiibayad sa damit nyo. Bago lang po kasi ako dito " habang pinupulot ang nabasag na baso. Tumayo ito sa aking harapan.

" Kung gusto talaga po ninyong bayaran ang damit nyo. Makipagusap nalang po kayo sa may-ari ng resort na ito " May kwenta rin pala ang isang ito.

" Bilisan mo na dalhin mo na ako dun. May lakad pa ako malalate ako nito eh " tinawagan ko ang secretary ko para makasigurado.

" Hello? Sofia? Ano nangyari dyan? " tumawa ng malakas ito.

" Bakit ka tumatawa hindi ako nagbibiro " galit na sabi ko.

" Sorry po mam. Wala na pong kailangan ipagalala dumating naman po si Mr. John Castillo po. Kaya ayos na po " seryoso si John.

" Pwedeng makausap " binigay na yata kay John ang linya.

" Celine don't worry. What happen to you? Parang stressful ka, Nasa biyahe kana ba? " hayss buti nalang.

" Hindi pa kala ko kasi kung anong nangyari. Nagmamadali ako tapos yun pala ayos na. Sa pagkaaligaga ko eto natapunan pa ang uniform ko ng waiter " natatawa tuloy ito.

" Amm.....John thank you ha. Kung wala ka dyan baka kung ano nangyari sa shop ko " Sabi ko sa kanya.

" Naku Wala yun diba friends tayo? So yun ang gagawin ko. Ganun naman dapat ang magkaibigan "

" Tama ka " pinatay ko na ang cellphone. Teka nasan yung waiter na nakatapon sa akin. Nakatakas agad sa akin.

" Celine! San ka pupunta diba may lakad ka pa? Saka kailangan ko narin umuwi " Sabi ni kuya na pumasok na sa kotse. Lumapit ako sa kotse kinatok ko ito. Bumukas naman ang bintana.

" Kuya susunod nalang ako. Ayos na pala ang Milktea shop ko dun. Mauna kana lang may kakausapin lang ako. Magpadala kana lang ng grab dito. Promise mabilis lang to " pinaandar na nito ang engine ng sasakyan.

" Ok sige. Teka bakit basa yang uniform mo? Magpalit kana agad " tanong nya sa akin. Tinuro pa ang uniform ko.

" Basta mahabang kwento. Pagdumaan sa bahay si John sabihin mo nasa resort pa ako. Sige kuya ingat " umalis na ito. Sa harapan ko. Ngayon kakausapin ko na yung waiter patay ka sa akin bayaran mo ang uniform ko.

©Love To The Destiny

avataravatar
Next chapter