webnovel

Love Seeker (FILIPINO Novel)

Maria,a girl who lost interest in life.Walang ganang magmahal at mabuhay.Since she was young,ramdam nya ng walang nagmamahal sa kanya at sya parin ay naghihintay at naghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng buong-buo na kaya syang tanggapin sa kabila ng imperpeksyon ng kanyang pagkatao. Will her life be happy when she transferred into a different school?O lalo lang itong magiging magulo?

YeoljeongWP · Teen
Not enough ratings
3 Chs

CHAPTER 1

"Gumising ka na!Magluluto ka pa!"Napatayo ako kaagad ng may malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko.

I looked up and saw Tita Grace raising an eyebrow at me."Bilisan mo!"Sigaw nya saka lumabas ng kwarto ko.

I sighed and stood up.Dumiretso ako saka banyo saka naghilamos at nagtoothbrush,mapapagalitan ako kapag naligo pa ako.Mamaya nalang siguro.

Mabilis akong kumilos at nagluto na ng agahan namin.Sunny side-up egg,hotdog,fried rice at bacon.

Si tita ay kapatid ng mama ko,dito na ako tumira since namatay sila mama at papa noong 3 years old palang ako.At simula nung nawala sila,naging miserable at magulo na ang buhay ko.

Bumaba ang grades ko at natanggalan ng scholarship.Galit na galit si tita noon,halos palayasin na nya ako ng bahay.

Palamunin lang daw ako at dagdag gastos sa kanila,tapos bumaba pa daw ang grades ko.Sayang daw yung ginastos nila.

"Hindi pa ba luto yan?"Boses ni Tanya.

Lumingon ako sa kanya."Paluto na."Sagot ko.

Si Tanya ay anak ni tita Grace,pinsan ko.Pero gaya ni tita,masama din ang ugali nya.Masungit,mataray at asal reyna.

Nagtitimpi lang ako at nagtitiis kasi pinapakain at pinapaaral nila ako.Kung nakuha ko naman agad ang mana ko,hindi ako magtyatyagang mag-stay dito sa kanila lalo na't minamaltrato nila ako.

I'm just 17 years old at makukuha ko daw ang mana ko kapag 18 na ako.Wala naman akong pakialam sa mana na iyon,pero sabi ng lawyer ko pinapamana daw saakin ng magulang ko iyon at gusto daw nilang ingatan ko iyon.

Sigurado din ako na kapag nalaman nila tita na may makukuha akong mana,aagawin nila saakin yon.Mukha kasi silang pera.

Nilapag ko na sa mesa ang agahan saka inayos ang plato at mga kutsara,pinagtimpla ko na din sila ng kape.

Ganito ang buhay ko,para akong naging katulong pero ayos lang.May natitirhan,natutulugan at nakakain naman ako kaya wala akong karapatan na mag-reklamo.

"Maria,ililipat kita ng school."Sabi ni tita habang kumakain kami.

"P-po?Bakit po?"Tanong ko.

Ayokong lumipat ng paaralan,sa public school lang ako nag-aaral at may kaunti akong kaibigan doon.Ayokong umalis dahil sigurado akong mahihirapan ako sa paglilipatan ko.

Pero wala naman akong choice,sila lagi ang nasusunod.

"Ililipat kita sa private school,ayaw mo ba?"Sagot ni tita.

My eyes widened.Narinig ko namang bumulong ng kung ano si Tanya.

"Talaga po?!Gusto ko tita!"Nakangiting sagot ko.

"Basta siguraduhin mong aayusin mo ang pag-aaral mo,mahal ang tuition doon."Mataray nyang sabi.

"Opo!Promise yan tita!Thank you!"Masaya kong sabi.

Matagal ko ng pinangarap na makapag-aral sa private school.Kaya tuwang-tuwa ako na pagaaralin ako ni tita doon ngayong College ako.

Masaya akong kumain saka nagligo at nagbihis ng maayos na damit.Mag-enroll na daw ako sabi ni tita.

Malapit na din kasing magsimula ang pasukan at sana maging maayos ang College life ko.

Sana maging mabait saakin ang schoolmates ko.

"Feeling mo maganda ka na kasi sa private school ka magaaral?"Biglang may nagsalita sa likod ko.

Si Tanya.

"Hoy,wag kang pilingera.Pinapaaral ka lang ni mama doon kase pinilit sya ni Dad."Sabi nya saka umalis.

I sighed.Akala ko pa naman bumabait na sila saakin.Yun pala pinilit lang sila ni tito.Mabait si tito saakin at sya ang nagbibigay ng damit saakin tuwing uuwi sya galing ibang bansa.

Kaya nga mas inis saakin si Tanya.

"Hay,kaya mo yan Maria Laine Elviexia.Ilang months nalang din oh mage-eighteen ka na.Makukuha mo na mana mo at makakaalis ka na dito."Pampasigla ko sa sarili ko.

Nagsuklay na ako saka nagpulbo at dinala na ang requirements para sa enrollment.

Sa pagkakaalam ko din may entrance exam next week.Kinakabahan nga ako kasi baka di ako pumasa.

But I trust myself,I knew I can do this.