webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Urban
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 10: Transferring To The New House

AT Brielle's Villa, everyone was too busy packing their things. Sa loob ng kwarto ng kambal di mapakali si Brianna. Lumapit ito kay Brendon.

"Kuya, bakit tayo maglilipat ng bahay?"

Lumingon si Brendon sa kanya at pinisil ang pisngi niya. "Huwag kanang maraming tanong, ligpitin mo na ang ilang importanteng gamit mo. Kanina pa tayo sinabihan ni Daddy na magligpit, ang tagal mo kasing bumangon,"

Brianna pouted her tiny lips, "I love to stay here. We've been in this house for how many years. Why do we suddenly need to transfer?"

"Brianna, sige na, please? Ayusin mo na ang gamit mo. I'm sure mas maganda ang bagong bahay natin. Iyon nalang ang isipin mo," muling tugon ni Brendon habang abalang isinilid sa box ang mga mahahalagang books niya.

"Bakit nga kasi tayo lilipat? Bakit ayaw mo akong sagutin?" pangungulit nito at humarang pa ito sa harapan ng Kuya niya.

"Ah...this place is too old. Daddy bought a new house," He answered quickly.

"Old? How does this house look old, when last year Mommy had changed the entire interior design,"

"Okay, fine! I will tell you why but promise me first you will not tell Mommy La and Daddy Lo why we need to vacate this house," napilitan na si Brendon magtapat sa kapatid dahil sadyang makulit ito at di titigil hanggat di siya magsasabi ng totoo.

"Eh, masama ang magsinungaling. Paano kung magtatanong sila?" anito.

"I know, but we need to help our parents not spit out the main reason we need to leave here. Did you understand me?" nakapamewang na tanong niya kay, Brianna.

"Sige na nga. Now tell me, what's the reason?" namimilog ang maliit nitong mga mata habang hinihintay ang sasabihin niya.

"We are not safe anymore if we still stay here. Yesterday, Mom and Mommy La had a bad experience. Someone has been taking stolen photos of them, and the culprit lived in front of our house," aniya.

"Eh?! Talaga? Bakit di mo sinabi agad sa akin?" anito.

"Forget it, now move! Do your task. Maya lang konti aalis na tayo,"

"Okay," maikling tugon nito at kusa nang bumalik sa ginagawa niya kanina.

Sa loob ng master's bedroom, karga ni Brielle si Kyree habang abala si Ivana sa pagliligpit ng ilang gamit nilang mag-asawa.

"Baby, huwag mo ng dalhin lahat ng gamit mo. Meron namang gamit doon sa lilipatan nating bahay. Pwede rin naman tayong mag-shopping nalang," puna ni Brielle sa asawa.

Ivana glances at him, "Oo, alam ko. Konti lang dadalhin ko. Ikaw talaga, ang sabihin mo tinamad kana namang alagaan ang bunso natin. Mga palusot mo talaga, huling-huli ko!"

"Ang likot eh, kinarga ko na nga, panay naman pisil sa mukha ko. Hay, diyos ko mas nakakapagod mag-alaga ng anak kesa sa trabaho--"

Ivana cut his words, "Brielle Santillian, iyan lang inaalagaan mo nagreklamo kana agad. Malamang natutuwa iyan sayo dahil madalang ka niyang nakikita sa bahay eh,"

"Tawagin ko na nga lang si--"

"Hoy...Umayos ka nga dyan. Alagaan mo iyan, huwag mong iasa kay Yaya Santina. Matanda na nga iyon, ipapaalaga mo pa rin ang anak mo doon? Mula sa Mommy at Daddy mo, maging sa inyong dalawa ni Denise si Yaya Santina na nag-alaga pati ba naman iyan. Tamad-tamad nito!" sita niya ulit kay Brielle.

"Aalagaan na nga. Bilisan mo na dyan, baka darating na ang movers na nagdadala ng mga gamit natin di ka pa rin tapos," aniya.

"Buti di pumunta rito si Mommy ngayong araw," biglang tugon ni Ivana.

"Ah...sinabihan ko maglilipat tayo dahil magpapa-renovate tayo ng bahay," aniya.

"Buti napaniwala mo,"

"Oo nga eh. Saka sabi niya mag-o-observe siya kay Denise sa office. Alam mo naman ang kapatid kong iyon, daming drama sa buhay," aniya.

"I think she's not yet prepared to handle such a big responsibility. Sanay kasi iyon na sa mundo lang ng online naka-focus. Marahil nga di mo alam na sikat siya as Blogger and Youtuber. She got millions of followers,"

Brielle rolled his eyes while avoiding Kyree's tiny hands that were squeezing his face, "She is an heiress. She needs to focus her time handling the family business because she's old enough. Dalawa lang kami, walang ibang sasalo sa responsibilidad ng kumpanya kundi kami lang dalawa. Ilang taon din naman siyang hinayaan nina Mommy at Daddy sa ganong klaseng kapritso niya sa buhay. Spoiled brat, ika nga! Samantalang ako di ko naranasan ang magsayang ng oras sa social media,"

"Ibahin mo kasi ang kapatid mo. Babae iyon at di sanay sa mundong ginagalawan ninyong mag-ama," she said.

"She's a Santillian. Kahit ano pa man ang palusot na gagawin niya later on she need to face her real destiny. Saka, ikaw nga diba, nagawa mo namang gampanan ang ganon kalaking responsibilidad sa HOUSE OF FONTANER dahil ginusto mo. And I am proud of it," He smiled at her.

"Sus bolahin ba ako. Di na nga ako halos magkandaugaga dahil may bunso pa tayong--"

"Gusto ko nga dagdagan natin ito para masaya," agad na putol ni Brielle sa sasabihin niya.

"Tigilan mo ako, lakas ng loob mong magsabi na magdagdag pa, iyan na nga lang umaayaw kana mag-alaga tapos hihirit ka pa ng panibago," She snapped at him.

"Baka lang naman makalusot. Isipin mo naman kapag tumanda na tayo tapos tatlo lang silang anak natin, lumalawak ang kumpanya natin, paano na?" pahayag niya.

"Pinipilit mo talaga ang mga kalandian mong iyan. Tigilan mo ako! Style mo talaga, dadaanin mo pa ako sa ganyang logic mo,"

"Hahaha! Di talaga ako makakahirit sayo eh. Sayang mag three years old na si Kyree pwede naman kasi kahit isa pa," biro niya.

Biglang namula ang pisngi ni Ivana, "Itsura mong iyan. Ayoko nga,"

"Eh sa iba nalang ako mag-aanak ng dagdag," biro niya.

"Subukan mo lang. Ibabaon kita ng buhay, Santillian!" she glared at him.

"Joke lang! Galit agad eh," natatawang tugon ni Brielle.

Biglang naputol ang harutan nilang mag-asawa ng kumatok sa pinto nila si Yaya Santina.

"Brielle, Ivana, tapos na ba kayo? Nandyan na ang mga maghahakot ng gamit natin," anito.

Binuksan ni Brielle ang pinto, "Patapos na yaya, pakitingnan ang kambal sa kwarto nila at sabihin mo bilisan na nila,"

"O sige. Bilisan niyo na dyan,"

Tumalikod na ito at agad na pinuntahan ang kambal. After an hour, they already settled and left the old house. Nang mga sandaling ito sa tahanan ni Reymond he was busy with some stuff when his phone rang.

"Yes?"

"Sir, maglilipat pala ng bahay ang pamilya ni Brielle," bungad ni Cenon sa kanya.

"Really? Send someone to tail them,"

"Noted, sir! I'll call you back later. Bye!"

Reymond clenched his fist and quickly opened his computer. Trying to access the navigation software he had installed last time at Brielle's car but he failed to connect.

"Shit, he is not using his old car," He cursed.

"Brielle Santillian, you are really clever. Huh, let's see how long you can protect your family,"

***

At Brielle and Ivana's new house, everyone was busy unloading all their things. Nasa living room ang kambal at umiikot ang mata ni Brianna sa bagong bahay nila.

"Daddy, why did you buy so many houses?" baling nito sa ama.

"I just thought that one day, my children would grow old and they should have their own house. Did you like this one?" nakangiting tanong ni Brielle.

"Yeah. It's big! And beautiful like our old house," masayang tugon nito.

"Lakad na, umakyat na kayong dalawa ni Brendon sa second floor. Yung pangalawang kwarto sa right wing ang magiging kwarto ninyo," tugon ni Brielle.

"Ugh! Dad, can I have my own room? I want to have privacy," agad na hirit ni Brendon.

"Eh, ayaw mo na bang makasama si Brianna, anak?" nagtatakang tanong ni Brielle.

"She should stay in a separate room from me. Mas gusto kong kasama si Kyree sa kwarto," anito.

"Humph! Bakit ka ganyan, kuya? Kambal tayo, dapat nga di tayo maghihiwalay," angil ni Brianna.

Brendon rolled his eyes, "We are old enough now. Saka ang ingay mo lagi," Brendon said.

"Dad, Kuya bully me again," naiiyak na tugon ni Brianna.

"Little bunny, kuya is right. You should have a separate room. Hayaan mo na ang kuya mo at si Kyree kasi anak pareho silang lalaki. Saka marami na rin kasing inaaral ang Kuya mo," pinisil ni Brielle ang pisngi ng anak.

Nakasimangot ito at halatang naiinis sa kuya niya, "Di na kita pahihiramin ng mga laruan ko,"

Gustong matawa ni Brendon sa inasal ng kambal niya, "Pambata naman lahat ang laro mo," bulong nito.

"Pstt...Son, stop it! Sige na umakyat na kayo ni Brianna sa taas at--"

"Knock! Knock! Whoa, I thought namalikmata lang ako, nandito nga kayo," bungad ni Mr. Yang na papasok na sa living room kasunod nito ang bunsong anak.

Sinalubong ito ni Brielle at nginitian. "Yeah, lumipat muna kami rito. Magkapitbahay na tayo ulit,"

"Oo nga. Dumiretso na ako dito dahil sabi ni Ivana nandito ka. Abala pa sila sa labas," tinapik nito ang balikat ni Brielle.

Sabay na lumingon ang kambal sa bagong dating na bisita.

"Hi, Uncle!" Brendon said.

"Hi, Uncle!" Brianna greeted Mr. Yang, too.

"Hello, twins. Nga pala, dinala ko ang bunso ko. Caroline, say hi to them!" baling nito sa anak.

Agad itong tumungo at tila nahiya lalo na ng tumingin kay Brendon. Mabilis na lumapit si Brianna rito at hinawakan ang kamay ni Caroline.

"Hi, my name is Brianna. I like you!" she blurted out in a friendly tone.

"Hello, my name is Caroline," bahagyang ngumiti ito kay Brianna ng mag-angat ng mukha.

"Tara, sama ka sa akin sa taas. Maglalaro tayo, marami akong toys,"

"Brianna! You are inviting someone upstairs without asking permission from her father," sita ni Brendon.

Caroline drew back her hands and quickly averted herself, then hid at the back of her father. Halatang napahiya ito ng marinig ang sinabi ni Brendon.

"Oh, it's okay, Brendon. I allow Caroline to go with your sister," agad na tugon ni, Mr. Yang. "Princess, you go with Brianna, she's your new friend," tulak nito sa anak.

Lalong isiniksik ni Caroline ang sarili sa likod ng ama. Brianna threw a resentful look to her twin. "Ang dami mong arte Kuya. Huwag mo ng pansinin Caroline, tara sama kana sa akin,"

Di na umimik si Brendon ng makitang hinila na ni Brianna si Caroline paakyat. Tahimik na sumunod siya sa mga ito. Si Brielle naman nahihiyang tumingin kay Mr. Yang dahil sa supladong pakikitungo ng panganay niya sa anak nito.

"Pagpasensyahan niyo na po, medyo aloof talaga siya," Brielle said.

"Nagmana sayo. Baka nga mas suplado pa sayo ang panganay mo balang araw," natatawang biro nito.