webnovel

Breaking Up

Pasimpleng lumapit si Ronnie kay Jules at tumayo sa harapan nito. At tinitigan ang dalaga.

"Jules, huwag mong isipin yon. Magkikita din kayo ni Jacob." At sa di inaasahang pagkakataon ay biglang kumalam ang tiyan ng dalaga. At kapwa nagkatitigan sina Jules at Ronnie.

Sabay na napalingon sa magkaibang direksyon ang dalawa at nagkatawanan na lamang sila.

"Sorry, nagugutom na pala ang dragon ko sa aking tiyan". Ang nasambit na lang ng dalaga habang pinamumulahan ng mukha sa kahihiyan.

At natawa na lamang ang binata sabay himas nito sa buhok ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala Jules ako man nagugutom na din. Nauna lang magparamdam ang dragon mo sa'ken." At hinawakan sa kamay ng binata ang dalaga upang yayain nang pumunta sa canteen.

"Oo nga, kanina pa din ako nagugutom". Sabat naman ni Randy habang hinihimas ang tiyan.

"At kelan ka naman hindi nagutom, Randy? Ikaw pa maya't-maya ang lamon mo." Pang-aasar ni Fatima kay Randy.

"Hoy, Fatima, parang ako lang ang matakaw sa'tin ha. Mas masiba ka pa nga sa akin lumamon." Inis na sambit nito.

"Guys, ayan na naman kayo. Pagkain na lang pinagtatalunan pa". Ang awat naman ng dalaga sa dalawa.

"Jules, pabayaan na natin ang dalawang yan. Dyan sila masaya. Kumain na lang tayo." Sabay akbay ng binata sa dalaga upang magtuloy na sila sa canteen.

"Pero..." ang nasambit na lang ng dalaga habang nililingon ang dalawang kasama na patuloy pa rin sa bangayan kung sino ang mas matakaw sa dalawa habang patuloy na naglalakad patungong canteen.

"Ano kaya ang masarap na ulam sa canteen ngayon?" Ang tanong ng binata sa sarili.

Nang biglang may nakabunggo sa kanila na isang estudyante na nakikipagharutan sa isa pang estudyante.

Sa lakas nang pagkakabunggo sa kanila ay muntikang nang mawalan nang balanse si Jules. Mabuti na lamang at nahawakan agad siya ni Ronnie sa kaniyang baywang upang huwag siyang mabuwal.

"Ayos ka lang ba Jules? Pag-aalalang tanong ng binata sa dalaga. Tumango lamang ang dalaga.

"Mag-iingat naman kayo sa pagtakbo ninyo. Hindi na kayo elementary para gawin pang playground ang High School." Galit na sambit ng binata sa dalawang estudyante. At hinawakan lang ni Jules ang kamay ng binata.

At nilingon naman ng binata ang dalaga ng hawakan nito ang kanyang kamay.

"Okay lang yan, Ronnie, aksidente lang naman ang nangyari. Sa susunod mag-ingat na lang." Ang nasabi na lamang ng dalaga.

Agad naman humingi nang paumanhin ang dalawang estudyante. Na nginitian naman ng dalaga. At kapwa umalis na ang dalawang estudyante.

"Nasaktan ka ba?" Agad na urirat ng binata sa dalaga na kulang na lang ay dalhin nito sa ospital ang dalaga sa sobrang pag-aalala.

At hinawakan ng dalaga sa mukha ang binata at tumingin sa mata ng binata.

"Ayos lang ako, Ronnie. Huwag kang masyado mag-alala sa'kin. Okay? Kalma lang". At ngumiti ang dalaga sa binata upang mapanatag ang loob nito.

"Jules, Ronnie!" Sabay na sigaw nina Randy at Fatima na agad na lumapit sa kanila. Hindi nila agad napansin ang mga nangyari pagkat busy silang dalawa sa kanilang pagtatalo.

"Jules!" At agad na niyakap ni Fatima ang dalaga.

"Okay ka lang ba?" Pag-aalalang tanong nito sa dalaga.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Ang tanong naman ni Randy na lumilinga'y ng gala ang paningin niya upang maalaman kung ano ang mga nangyari.

"May dalawang estudyante kasi na bumangga sa amin." May inis na sambit ng binata. At bahagyang pinisil ng dalaga ang binata sa balikat.

"Aksidente lang naman ang nangyari. Wala namang nasaktan". Ang malumanay na sagot ng dalaga.

"Alam nyo guys, gutom na talaga ko. Ikain na lang natin yan". Dagdag pa ng dalaga upang makalimutan na ang nangyari.

"Huntingin ba natin yung dalawang estudyante?" Pagbibiro ni Randy kay Ronnie na nadinig naman ng dalaga.

At tumingin naman ang dalaga ng di kanais-nais kay Randy.

"Nagbibiro lang naman ako, Ronnie". Sabay kamot sa ulo na sinisiko niya si Ronnie para humingi ng saklolo.

Napatingin naman si Ronnie sa dalaga. At ngumiti lang ang dalaga.

"Kain na tayo, libre ni Randy". Ang masayang pahayag ng dalaga.

"Ano? Jules naman, huwag ka namang masyadong malupet". Ang sambit ni Randy na di maipinta ang mukha.

"Kasalanan mo 'to Ronnie". Simangot na sagot ni Randy at nag-aalangan na inilabas ang kaniyang pitaka.

"Basta dun lang tayo sa pinaka-mura. Yung pang samalamig lang at biscuit". Nakangusong sagot ni Randy. At may binubulong-bulong pa sa sarili.

"Grabe ka, Randy. Napakakuripot mo. Sa lakas mo lumamon manlilibre ka samalamig at biscuit lang." Pang-uuyam ni Fatima sabay irap at halukipkip nito.

Napabuntong hininga na lamang si Jules sa dalawa at napailing na lumakad mag-isa. Agad na sumunod naman si Ronnie ng mapansin niyang wala na si Jules sa grupo nila.

Nagtatalo pa rin ang dalawa ng magsalita ang binata na may halong pag-aalala sa kaniyang tinig.

"Guys, nasaan na si Jules?" Pag-aalalang tanong ng binata sa dalawa.