webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

LOVE CONNECTION VOLUME IV

Napakamakapangyarihan ng isang halik. Nagagawa nitong magpagaan ng kalooban, makapagpahayag ng damdamin at makagising ng isang nahihimbing na prinsesa. Katulad sa mga fairy tales ay nagawa ng White Prince na gisingin ang Sleeping Princess sa pamamagitan ng isang halik - iyon nga lamang ay sa hindi inaasahang paraan.

Dumagundong ang paligid at ang unang hinanap ng kakagising lamang na prinsesa ay ang dahilan kung bakit. Agad nasagot ang kwestyon niya dahil sa kanyang harapan ay nasaksihan niya ang mapupulang labi ng White Prince na nakalapat sa labi ng Black Prince.

Lahat ay nagsasaya sa kakaibang twist ngunit may isang puso na piniling matulog muli at kalimutan ang lahat. Sa kanyang muling pagbangon sa realidad ay higit pa sa mga kwentong piksyon ang mararanasan niya. Sa pagmulat ng prinsesa sa natutulog niyang damdamin ay sinisigurado niyang hindi niya hahayaang mawala muli ang prinsipeng tunay na nakalaan para sa kanya.