webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

LOVE CONNECTION VOLUME III

PROLOGUE

Sa ika-limampung taong anibersaryo ng Vicereal Group of Companies ay magsasanib ang dalawang eskwelahang pagmamay-ari nito upang magdiwang. Kagaya nang pagguhit at pagkulay ni Arianne sa mga props na kanilang gagamitin ay magsisimula ring maglinya at kumulay ang mga bagay na ipinapadama ni Aldred sa kaniya. Gugulo ang kaniyang utak ngunit kahit kailan ay hindi magsisinungaling ang damdamin.

Sa kanilang huling taon sa highschool, si Arianne kasama sina Pristine, Bianca at ng iba pa ay lulubusin ng i-enjoy ang mga sandali kung saan ay magkakasama pa sila. Bubuo ang bawat isa ng mga karanasang di malilimutan, mga pangyayaring itatatak nila sa kanilang puso't isipan at mga masasayang alaala.

Alaala na ipagkakait sa isa sa kanila.