webnovel

Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog)

Story between a Prisoner and a Jailer After 5 years, when a businessman and a High Ranking Policeman meet again. What will happen next?

Pzyon · History
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 17

"Huwag! Gagawin ko na. Wag mo lang tawagan ang CEO namin!" Tila hindi bukal sa loob na pagkakasabi nh lalaking si Lex Haden Guevarra.

Tiningnan naman siya ng lalaking si Alexander James Scott at tila hindi ito kumbinsido sa dating ng lalaking si Lex Haden.

"Parang napipilitan ka lang ata eh. Mas mabuting tawagan ko na lamang ang CEO na di ko tatanggapin ang proposals nito." Sambit ng lalaking si Alexander James Scott habang hindi pa nito binababa ang mamahaling smartphone.

Agad na humarap at lumapit ng maatos si Lex Haden Guevarra sa pwesto harapan mismo ng lalaking su Alexander James Scott.

"Okay okay, binabawi ko na ang sinasabi ko sa'yo. Ako yung may kasalanan kasi na-late ako ng dating. Eh sa urgent talaga ang meeting na ito tsaka na-late ako ng gising eh. Tsaka di mo ko ginising eh." Sambit ni Lex Haden habang napapakagat-labi pa ito at tila nang-aakit ang mata nito.

Tila ngumiti naman ng matamis ang lalaking si Alexander James Scott. Tila nasa alapaap ang pakiramdam niya.

PAK!!!!!!!

Biglang kumaliwa ang pagharap ng pisngi nito  dulot ng malakas na pagkakasampal na binigay ng lalaking si Lex Haden.

"Hoy! Napano ka. Ano'ng ngingiti mo jan mag-isa, baliw!!!!!" Sambit ni Lex Haden at mabilis itong pumunta sa upuan.

Nakatayo lamang ang lalaking si Alexander James Scott nang mapansin niya ang isang bagay.

"Pisti! Pantasya lang pala... Buwiset, ano bang nangyayari sakin. Dumating lang si Haden at nakausap ko siya ngayon eh parang tanga o baliw na ko dito!" Sambit ni Alexander James Scott sa kaniyang isipan lamang. Yung tipong lahat pala ng nakikita mo ay ilusyon lamang.

"Baliw na baliw ka nga sa kaniya eh. Ano pa nga ba ang dahilan!" Sambit ng kabilang utak niya sa kaniya."

"Go lang sa iyong pantasya! Support lang ako with sanaol may jowa effect!" Sambit naman ng isa pang katauhan sa utak niya.

AHHHHHH!!!!

Napatampal na lamang si Alexander James Scott sa kaniyang noo

"Aray ang sakit pala!" Sambit ni Alexander James Scott habang hinihilot nito ang noo niya at pisngi niyang halos namumula.

"O ano pang tinatayo mo jan?! Magme-meeting ba tayo dito o hindi. Kung tatayo ka lang diyan eh wag na tayong magmeeting, sinasayang mo ang oras ko eh!" Seryosong sambit ng lalaking si Lex Haden. Yung tipong matalim nitong tinitingnan sa mata si Alexander James Scott.

"Oo na, andiyan na... Hep hep hep... Sino ba ang client dito at sino ang nangangailangan dito? Ako ba?! Dala mo na ba yung MARRIAGE PROPOSAL natin dahil pipirmahan ko na agad agad." Tila pabirong sambit ni Alexander James Scott habang mabilis din itong pumunta sa upuan. Bago pa siya makaupo ay biglang umangat ang tingin nang lalaking si Lex Haden sa kaniya.

Napakatalim ng tingin ni Lex Haden kay Alexander James Scott. Yung tipong kung nakakamatay lamang ang tingin ay malamang sa malamang ay kanina pa bumulagta ang katawan ng lalaking si Alexander James Scott.

"Oo na, ito na magseseryoso na. Parang di ka mabiro diyan eh!" Seryosong sambit ni Alexander James Scott habang nilalagyan ng diin ang boses nito.

"Ewan ko sayo!" At mabilis na sinet-up ng lalaking si Lex Haden ang kaniyang laptop lalo na sa idi-discuss niya sa kaniyang kliyente na walang iba kundi si Alexander James Scott.

Mabuti naman at naging smooth din ang naging pag-discuss ng business project proposals ng kompanya na pinagtatrabahuan ni Lex Haden Guevarra na HZAB Company at sa AJLH Company na pinagtatrabahuan ni Alexander James Scott.

Mayroong mga minor questions na natanggap si Lex Haden Guevarra mula kay Alexander James Scott ngunit halos lahat naman ay nasagot nito ng maayos at clear.

Matapos ang nasabing pagdiscuss ng proposals ng kompanya ni Lex Haden ay nakita niya si Alexander James Scott na nakaupo.

Hawak-hawak niya ngayon ang suitcase niya at Tiningnan naman ni Lex Haden ang relo nito kung ano'ng oras na. Tiningnan niyang muli si Alexander James Scott  at nakita nitong parang may maysakit ito.

"Okay ka lang ba?!" Sambit ni Lex Haden Guevarra sa kliyente niyang si Alexander James Scott.

"Oo naman, why?!" Casual na sagot ni Alexander James Scott habang nakatingin sa lalaking si Lex Haden Guevarra.

"Wala ka namang pupuntahan diba?! May pupuntahan tayo!" Sambit ni Lex Haden Guevarra habang mabilis nitong hinila si Alexander James Scott mula sa pagkakaupo.

Napahatak naman patayo si Alexander James Scott.

"Are you asking me a date?!" Tila ngiting asong sambit ni Alexander James Scott habang tila kumislap pa ang mukha nito.

"Date mo mukha mo! Sasama ka ba o kakaladkarin kita dito hanggang sa labas?! Mamili ka!" Tila naiinis na sambit ni Lex Haden Guevarra habang makikitang hindi ito nagbibiro.

"Oo na!" Simpleng sagot ni Alexander James Scott. Ngunit sa totoo lang ay tila lumundag ang puso niya nang sabihin ni Haden ang katagang iyon kanina. Tila pakiramdam niya magdi-date sila.

Nauna na palang naglakad si Lex Haden palabas habang siya ay naiwan sa loob.

Mabilis niyang dinukot ang lilibuhing mga papel sa kaniyang wallet at mabilis na ring inayos ang sarili niya. Natuwa din siya sa pangyayaring ito.

Isa pa ay pinili niya talaga ang lugar na ito dahil nagustuhan niya ito. Napakaganda ng ambiance ng lugar na ito sadly close na sila dahil halos wala ng pumupunta ritong mga customers dahil sa pandemic. Pero naniniwala siyang hindi rin magtatagal at masusugpo natin ang malaking suliraning ito patungkol sa nasabing virus.

...

"Oh doc, paki-check nga po siya doc lalo na yung pisngi niya doc, namaga ata eh?!" Sambit ni Lex Haden Guevarra habang nakatingin sa doctor ngayon. Nakaharap siya sa nasabing doctor habang nasa nasa tabi nito si Alexander James Scott.

Makikita sa mata ng doctor ang labis na kuryusidad pero masaya siya dahil mayroon siyang pasyente ngayon sa kaniyang medyo may kalakihang clinic. Maayos ang kanilang services dito at safe talaga for every customers niya rito.

"Uhm, oo naman. Sige titingnan ko if meron pero tingin ko naman ay wala naman eh. Malalaman natin yan mamaya." Sambit ng doctor. Napakapamilyar sa kaniya ng lalaking nasa tabi ng kinakausap niya. Hindi niya lang matandaan kung ano saan o kailan. Nakasuot kasi ito ng fask mask at face shield kaya di niya makita kung sino ito.

"Sige doc. Kayo na pong bahala sa kaniya." Simpleng sambit ni Lex Haden sa nasabing doctor.

"Makakaasa ho kayo. Iho, sumunod ka sa akin sa loob ng makita natin ang sakit mo." Sambit ng naaabing doktor.

Agad namang sumunod sa kaniya ang nasabing lalaki.

...

"Alexander James Scott?! Ikaw ba talaga yan?!" Tila namamanghang sambit ng doctor ng makita ang lalaking nakikita niya lamang sa mga magazine noon.

"Ako nga doc. Umayos ka kundi babasagin ko yang mukha mo! Muntik pang mabulilyaso ang plano ko nang dahil sayo!" Tila nagpi-flex pa ng kaniyang mga braso si Alexander James Scott habang pinapatunog nito ang kaniyang mga buto sa daliri.

"Ah... Eh... Oo. Pero pwede bang makahingi ng autograph sayo. Idolo ka kasi ng aking asawa eh." Sambit ng nasabign lalaking doctor.

Pinagbigyan naman ito ni Alexander James Scott at binigyan niya ito ng autograph.

"Malinis naman diba ang clinic niyo diba?! Pakidisinfect ng buong kwartong ito. At ako ang masusunod sa araw na ito. Kapag nabulilyaso ang plano ko dok, malilintikan ka talaga sa akin pero kung susunod ka sa ipapagawa ko sa'yo. Malamang ay bibigyan kita ng malaking tip hehe...!" Makahulugang Sambit ni Alexander James Scott habang may nakapaskil na kakaibang ngisi sa mukha nito.

Kibakabahan man ang nasabing doktor ng klinikang ito ay mabilis naman itong napatango tandang sumang-ayon ito. As if naman na may pagpipilian pa ito.