webnovel

PROLOGUE

Bakit kaya biglang naging big deal nalang saakin ang 'one-sided love' namin ni Zade?

Dahil ba sa dami ng mahaharot na babaeng parang mga linta kung dumikit sakanya?

Dahil sa sweetness ni Zade na hindi lang saakin pinapakita?

O kung maging sweet man siya saakin ay nature na talaga niya iyon at walang halong ibang kahulugan.

O baka naman dahil sa paulit-ulit niyang sinasabi na hanggang magkaibigan nalang kami?

Hindi naman talaga issue sakin dati ang 'one-sided love' o ang tanging isang nagmamahal sa inyong dalawa.

Pero, hihiga ako sa kama ko at sa halip na ipikit ang mga mata ay mapapaisip na lamang ako.

Bakit nga ba?

Bakit one-sided love lang kami?

May iba ba siyang nagugustuhan?

Hindi niya ako type?

O baka hanggang kabigan na nga lang talaga ang tingin niya saakin.

I'm Auriane Lune Debois, and this is my one-sided love story.

Mapapaisip na lang ako, ako nga ba talaga ang bida sa istoryang ito? O ang magiging hadlang sa 'love story' ng babaeng natitipuhan niya?

Pero pwede din namang ako nga ang bida pero maaaring iba ang maging main lead ko.