webnovel

Chapter 7: Abducted

"Good morning villa hannam-dong! Good morning girl!" Bati ni Jazy na mukhang maganda ang gising. Kunot noong tinignan ni Regina ito habang naka-upo.

"Ganda ng gising natin a? Anong meron?"

"Anong, anong meron? Maganda ang gising ko kasi kumpleto ang tulog ko!" Sagot ng kaibigan sabay tawa.

"Oo nga naman, sino ang hindi maganda ang gising pag ang tulog mo ay umabot ng kinse-oras."

Napatingin ang kaibigan sa wall clock at napagtantong mag alas-onse na pala ng umaga. "Grabe, happy lunch na pala dapat. O ikaw, anong meron at nakatunganga ka jan sa pintuan?" Tanong nito kay Regina habang nakapamaywang.

Iling lang ang naging sagot ng dalaga sa sa kanya ngunit maya-maya ay nagsalita din ito, "Nothing," she answered.

"Anong nothing? Teka, don't we have a date today?" Muling tanong ng kaibigan na ngayon ay nakatunganga na din sa harap ng pintuan.

"Date? Saan ba magandang puntahan dito?" Tinatamad talaga akong gumalaw pero sayang naman ang araw kung papalipas lang tayo sa villa." Sagot ni Regina sabay kamot sa kanyang ulo. She wanted to go out, but she felt like kulang siya sa tulog. Nakaramdam nalang siya ng pagkabigla ng biglang magsalita ang kaibigan na ngayon ay nasa kanyang harapan na pala.

"Alam ko na! Stalk kaya natin sila? You know, the oppa's." Jazzy giggled.

Regina rolled her eyes as soon as she heard this. "Gaga ka! Bakit mo sila iistalk. Mamaya mapag-kamalan pa tayong..ano ngang tawag yun? Yung bang parang obsessed ka na sa idol mo. Basta 'yun! Hay nako, hanap nalang tayong ibang mapagkaka-abalahan. Ikaw kasi, dito mo pa napiling mag renta, bukod sa mahal, e mahal pa mga kainan."

Nagpakawala nalang ang dalaga ng isang malalim na hininga. Hindi lang talaga sya mapakali. She's been having weird dreams lately. Wet dreams, to be exact.

PAGBANGON ni Jace ay dumiretso ito sa sala nang mapansin na wala si Ross. They don't have schedules for today, kaya naisip nitong lumagi nalang sa bahay. He felt bored. Kaya naglaro ito ng mobile games, pero maya-maya pa ay parang hindi ito mapakali. Para bang may gusto s'yang makita pero hindi n'ya alam kung sino. Well, he actually knows who he wanted to see. He just doesn't want to admit it.

He searched up her name on twitter, but didn't find her. He tried facebook, but to no luck, he still didn't find her on any of these platforms. 'Does she even use these apps?' he sighed. 'Ah! Maybe she uses Instagram.' Sabi nito sa sarili, and he wasn't wrong. Nahanap nga n'ya ang account nito, but it was set in private. He smirked as he created a new account.

HABANG nag aayos ng sarili ang dalaga ay tumunog ang cellphone nito. It was a notification from her IG account kaya agad nya itong binuksan para tignan. It was a message request from '@xy23hsdlebdkd.'

'Hi!' May kasama pa itong emoji na naka wave. Napakunot noo ang dalaga dahil bukod sa weird and username na halatang newly created account ay hindi pa n'ya ito kilala. She visited the profile, but it was set on a private, ni walang display profile. Hindi na lang n'ya ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos.Maya-maya ay tumunog muli ang cellphone nito and another message appeared.

'@xy23hsdlebdkd'

'Hello,' with a smile emoji. Hindi lang isang beses ang pagka send ng hello kundi tatlo. Immediately, she blocked this person. 'Aba'y parang ewan.' Hindi nalang magpakilala para matapos na. Nagrereply naman siya sa mga messages pero kung puro 'hi' at 'hello' lang ay di na nya binibigyang pansin ito.

'NO response?' Takang sabi ni Jace sa sarili. Magpapakilala na sana s'ya nang biglang blocked na pala s'ya rito. Hindi makapaniwala ang binata kaya iwinasiwas nito ang kanyang cellphone. 'Why do I even have to send her a message?' He rolled his eyes like a six-year-old kid and frowned.

Pumunta ito sa music room para makapag compose ng kanta pero wala ito sa mood. Tinawagan nito ang mga kagrupo pero may mga sariling lakad ang mga sila. Aish! He swept his hair and once again pouted. Hindi na n'ya alam kung anong gagawin kaya bumalik ito sa kwarto at ipinikitt ang kanyang mata. At that moment, another idea popped into his mind. 'So smart, Jace!'

"REGINA, matagal ka pa ba?" Tanong ni Jazzy sa kaibigan habang siya ay nag-aayos na. Mas mabilis kasi itong kumilos kesa sa kanya.

"Ha? Sandali five-minutes na lang lalabas na ako." Sigaw nito mula sa kwarto.

Excited si Jazy dahil another day at another oppa na naman ang makikita niya. Naka ready na ang camera nila para sa matagalang pictorial na magaganap kung saan man sila mapapad.

Palabas na sa kanyang kwarto si Regina nang biglang may nag doorbell sa kanilang pintuan. Since si Jazy ang nasa unahan, siya ang nakapag bukas ng pinto. The guy looked at her and wandered his gaze around the area.

"Hi!" He said in a jolly voice.

Jazy looked at him in shock. "Oppa!"

The guy simply wears a white shirt, black shorts with matching glasses and gray bonnie. Ang mga mata nito ay parang bagong gising pero napaka gwapo nito.

"Oh, my goodness gracious. What made you come here? Come in! Come in!" Sabi nito sa binata na para bang isang nanay na nagpapasok ng manliligaw para sa kanyang anak.

"Sorry to disturb you but, is your friend available?" Tanong ng lalaki na may halong konting hiya.

"Available? Ah, yeah, she's still single and available," the woman responded. Magbibiro pa sana ito pero kita n'yang namumula sa hiya ang binata kaya itinawa niya nalang.

"No, I mean..." Hindi na naituloy pa ng binata ang sasabihin dahil bumukas ang pinto at lumabas ang taong kanina pa n'ya gustong makita.

It shocked Regina to see Jace again kaya naman di mapakali n'yang linapitan ang binata. 'Never have I seen any man who looks that good by wearing those simple outfits. Mukhang kakagising? Pero litaw na litaw pa rin ang angking kagwapuhan nito.'

"Hi! Do you need something?" She asked politely.

Pansin nitong may hawak na envelope ang binata kaya naisip n'yang importante ang sasabihin nito. Agad itong humingi ng paumanhin sa kaibigan tsaka inaya palabas sa malawak na garden ang binata. "Is there any problem?"

He handed her an envelope at agad naman n'ya itong kinuha. There, she saw a couple of photos, bukod sa larawan nilang dalawa na nakunan noong gabing naglalakad sila ay may ilang kuha din noong sila ay kumakain ng kaibigan sa resto, meron din silang litrato kung saan kuha sa tren, sa hotel, sa pool at sa mismong villa na mostly ay sa kanya naka focus. Nagtaka si Regina dahil mas marami ang kuha sa kanila kesa nung magkasama sila nung binata. 'For what?'

"Why do I have lots of photos?" Gulong tanong nito. Wala namang masama sa mga kuha sa larawan pero nakakapagtaka lang na halos sa kanya naka focus ang camera, pero kung tutuusin ay hindi naman s'ya ang public figure.

"It's currently being checked. Don't worry." Tinignan nito ang dalaga at pansin na bihis na bihis ito. She wears a high waist plaid tweed mini skirt, paired with a white tank top and plaid loose blazer. Pansin n'yang mahilig ito sa minimal and aesthetic outfit, ang buhok din nito ay nakaparte sa gitna. 'She looks good with that wavy look.' He thought.

"I suggest you stay home first. Let's just wait for the result while it is being tracked." Kita nitong dismayado ang dalaga.

"By the way, you look beautiful today." Jace told her. Hindi naman agad naka-imik ang dalaga dahil medyo nakaramdam ito ng kilig. Muli siyang sumulyap sa binatang kaharap tsaka nagpasalamat.

Huminga ng malalim si Regina tsaka napatingin sa kanyang kasuotan. Sayang naman ang outfit for today, pero nangibabaw sa kanya ang takot kaya pinili nitong manatili nalang sa bahay. Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam ang binata at umalis. Pagpasok naman ng dalaga sa villa ay sinalubong agad s'ya ni Jazy. "Uy girl, anu na? Bakit daw?"

"Nako, mukhang maiisue tayo nito. Wag na muna tayong lumabas ng bahay."

"What?" Hindi makapaniwala na sagot ng kaibigan. "Ano ka ba, wala naman tayong gagawin na masama atsaka andito tayo para makapag bakasyon no! Tara na. Kakain lang tayo."

Napaisip si Regina sa sinabi ng kaharap. Sabagay, kakain nga lang naman sila. Di kalaunan ay pumayag na din ito at agad silang lumabas ng bahay at pumara ng taxi. They again went to the same restaurant and ordered the same food they had the first time they went there.

"You see, we could've been starved to death if we didn't go here," said Jazy. Tumango naman agad si Regina dahil nag-enjoy din ito sa kanilang kinain. Nang malapit na silang matapos ay nagpaalam ang kaibigan na mag-ccr muna ito. Tinanguhan niya ang dalaga bago uminom sa baso ng orange juice na nakalatag sa lamesa.

It was their sixth day in Seoul and everything is doing fine, well except sa mga patagong kumuha ng litrato ay masasabi n'yang okay naman. 'Imagine living in this beautiful place with your loved ones?' She pictured herself with someone, walking and sitting on a bench while they talked about life. How sweet isn't it? Biglang lumitaw sa kanyang isipan si Jace.

Parang ang hirap naman siguro pagnadidikit ka sa mga taong sikat. Isip nito. Sampung minuto na ang nakalipas ay wala pa rin ang kaibigan, so she paid for the bill and went to see her friend. Laking gulat nito ng makitang wala ang kaibigan sa kubeta. 'Huh? Asan naman yun?'

Isa-isa nitong pinuntahan ang cubicle pero wala talagang tao. Agad n'yang nilabas ang cellphone at akmang tatawagan si Jazy nang biglang may kamay ang tumakip sa kanyang bibig. Nanlaki ang mata ng dalaga nang makita ang isang estrangherong naka suot ng itim na hoodie at cap, nakasuot din ito ng face mask kaya hindi n'ya maaninag ang mukha nito.

"Who are–?" Before she could completely ask, the person dug out a piece of cloth and placed it into her sense of smell. The next thing she knew, she passed out.

NATAPOS ang araw ng matiwasay para kay Jace, nakapag compose na din ito ng kanta dahil nasa good mood ito. He is inspired. He woke up the next morning and decided to ask her out for a date. 'Yes, for a date coz' why not?'

Pagkatapos ng mga kilig-kilig na naramdaman nito ay alam n'yang may gusto ito sa babae. Maybe he just doesn't want to admit it at first, but he's now convinced that he's into her. Namimili ito ng maisusuot ng biglang pumasok ang kanyang mga kagrupo. They were all looking for him.

"Jace? Have you seen this?" Ipinakita sa kanya ang isang article tungkol sa isang babae at ilang larawan. Ang babae ay nakasuot ng puting bestida at nakahawak sa bewang nito ang isang lalaki habang papunta sa isang hotel.

"Is that her?" tanong ni Ross sa kanya.