webnovel

Chapter 27: LDR

Malungkot na tinanaw ni Regina ang nobyo hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Napasinghap nalang ang dalaga at nakasimangot ito na humarap kay Justin. "He already went in," maikling sambit niya at muli ay humakbang.

Agad naman s'yang sinundan ng binata at sinabayan ang lakad nito. "Why didn't you tell him? We both know that he—"

Hindi na pinatapos pa ng dalaga ang sinasabi ng lalaki dahil alam nyang pagsasabihan lang siya nito. Tumigil ito sa paglalakad at sinulyapan ang binata. "Don't worry. I'll tell him after their concert," she said and smiled. "Ayokong dumagdag pa ako sa iisipin n'ya, so I decided to tell him after their concert. It's just a month from now, so I think that would be fine," she added.

Tinapik ng dalaga ang balikat ng kaharap at inaya nalang n'ya itong kumain as she felt hungry again. Nagpakawala nalang si Justin ng isang malalim na hininga tsaka tumango. Makalipas ang ilang oras ay inihatid na ni Justin ang dalaga sa kanyang bahay. Batid ng binata na pagod ito kaya tinanggihan n'ya ang babae sa kanyang alok na magkape muna.

"Are you sure? Hindi ka nga kumain kanina. I can bake, you can stay and have a cup of coffee," Regina told him.

"It's okay. I'm not starving. Better go inside, baka bigla nanamang bumuhos ang ulan," Justin answered.

They both looked at the sky and glanced back at each other. Justin was right. It feels like it's going to rain at any minute.

Nang makapagpaalam na si Regina sa binata ay agad nitong isinara ang gate at pumasok sa loob. She really felt tired, so she immediately changed her clothes, grabbed her phone and went to bed. Napatingin ito sa kanyang orasan at napagtanto na halos apat na oras na pala ang nakalipas simula nang magpaalam ito kay Jace. She pouted her lips as she scanned their photos together that were saved in her gallery. Miss na n'ya agad ito.

'Nakarating na kaya yun?' tanong nito sa sarili. She turned to her left side and after a few seconds, she turned to her right. Agad na napadako ang tingin nito sa kanyang itim na shoulder bag at naalala ang ilang pirasong papel na isiniksik ni Justin para lang hindi makita ni Jace. Bigla nagbalik sa kanyang palaisipan ang naganap noong araw na ipinatawag siya ng doktor.

"Dr. Dominguez, is there anything wrong?" Kaba n'yang tanong sa kaharap. Her hands were on top of her legs, trembling. Hindi n'ya alam kung bakit pero natatakot s'ya sa kung ano mang pwedeng sabihin ng doktor.

"Ako dapat ang pupunta sa'yo, but since you're here, please sit down. How do you feel? You need to take extra care of yourself. I told you for how many times that you should not stress yourself. Iniinom mo ba yung mga nireseta ko sa'yo?"

Pagkarinig nito ay agad na napakunot ang kanyang noo. "Yes, doc. Iniinom ko po yung vitamins at yung mga inireseta niyo."

Inilabas ng doktora ang ilang pirasong papel at tinignan ang panghuling pahina. Dahil may kalabuan na ang mga mata nito ay agad inabas ni Dr. Dominguez ang kanyang salamin at itinuloy ang pagbabasa sa papel. She immediately removed her glasses and looked at Regina with a confused face.

"Then why are you still anaemic? Your red blood cells should've increased by now. Bakit ganito? "Muling nagtatakang tinignan ng doktora ang resulta. "Do you still go to work?"

Napalunok ang dalaga dahil napagsabihan na s'ya na magpahinga muna sa pagtatrabaho ngunit hindi n'ya ito sinunod. Hindi kasi siya sanay na walang ginagawa.

"Yes po doc. But I'm planning to—"

"I told you to not stress yourself. Ang baba ng hemoglobin count mo. This could affect your baby and you as well. Hindi biro ang may anaemia habang nagbubuntis," pagkasabi nito ay naglabas ang kanyang OB ng kapirasong papel at muli ay nagsulat ng kanyang receta. Sinabihan s'ya nitong bilhin agad at inumin ang mga bitamina.

"You need to drink these. You're seven weeks pregnant and you should not be stressing yourself. Kawawa ang baby," Dr. Dominguez added.

Matapos mapagsabihan ng doktor ay agad siyang sumagot na magpapaalam na ito agad sa trabaho. Muli namang inulit ng doktora ang kanyang mga bilin at sinabihan ang dalaga na bumalik sa susunod na buwan para sa kanyang buwanang check-up.

Pagkatapos mag-usap ay agad s'yang nagpasalamat at kinuha nito ang resulta at reseta atsaka lumabas ng silid. Nakaramdam siya ng awa sa munting anghel na nasa kanyang sinapupunan dahil naisip n'ya na tama nga naman ang sinabi ng doktor. Paano kung may mangyaring masama sakanila dahil lang sa kagustuhan niyang magtrabaho? Hindi n'ya yata kakayanin 'yun.

Dahan-dahan itong naglakad sa hallway pababa ng second floor ng makasalubong niya ang binatang si Justin. Maliban kay Jace, alam ng kapatid nito ang kanyang kundisyon.

"Are you okay?" he asked her. Medyo nakasimangot kasi ang dalaga.

"Yeah. Hindi padin kasi tumataas ang bilang ng red blood cells ko. Iniinom ko naman yung mga nireseta saakin," she said in a dismayed voice.

"Quit your job. Alam mo namang isa yan sa rason kung bakit ka laging napapagod. Isa pa, you are carrying my pamangkin. You should take care of yourself... and he should know it too," sagot ni Jace. Hindi maintindihan ng binata bakit kailangan pang ipagpaliban ng dalaga ang pagsabi sa kanyang kapatid na nagdadalang-tao ito.

Regina once again pouted as they walk. "Oo nga pala, how did you know?" she asked. Hindi n'ya naman kasi sinabi sa binata na buntis ito.

Bago sumagot ay isang mapang-asar na ngiti lang ang ipinakita ni Justin. "How would I not know? Bigla kang masusuka tapos madali ka pa mapagod. Mas nauna ko pa ata nalaman na buntis ka kesa sa'yo. "He chuckled.

Napabalik tanaw si Regina dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone. She grabbed her phone, which was placed on the left side of her bed. It was a text message from Justin, pinaalalahanan siya nito tungkol sa kanyang pag-inom ng bitamina at gamot.

Napangiti ng bahagya ang dalaga dahil kahit wala ang nobyo ay nandiyaan ang nakakabatang kapatid nito. Wala din namang malisya ang pagiging close nila sa isa't isa dahil kapatid na din ang turing niya sa binata. She smiled as she composed a long thank-you message and sent it to him.

On his veranda, Justin made a sweet smile as he read a message from Regina. She was thanking her for everything and for being there whenever she needed her.

'... I know that you'll be a good uncle to your pamangkin.'

Lalong napangiti ang binata dahil sa huling linya ng mensahe niya. Naeexcite siya sa isipin na magiging tiyo na ito. 'When will I feel the excitement of being a parent?'

He took a sip from his black mug filled with banana milk and gazed at the sky. He was staring at the blanket of stars that stretched to infinity.

Nang maubos ang iniinom ay agad na pumasok ang binata sa loob ng kanyang kwarto. Lumalamig na din kasi ang simoy ng hangin kaya naman naisipan n'yang bumalik na sa loob. Hihiga na sana s'ya sa kanyang malawak at malambot na kama nang biglang napadako ang kanyang tingin sa itim na duffle bag. It was his brother's bag, kaya naman nang sinabihan s'ya ni Jace na para sa kanya ito ay agad siyang nagtaka. He immediately grabbed and opened it.

There were five shirts and a couple of jeans. Isa-isa nitong inilabas ang mga laman at inilapag sa higaan. Some of them are from Topman and H&M, but what caught his attention was a small black box wrapped in another plastic. Agad n'ya itong inilabas sa bag at umupo sa kanyang higaan. To his curiosity, he opened it and was surprised to see a Black Dial Rolex Submariner with Black Bezel on an oystersteel bracelet. Kahit ilang segundo palang itong nakaupo ay bigla siyang tumayo at napaisip.

'How did he know?' he asked himself.

These were the things listed on his 'Wish List' as a child. Nuong nag elementarya kasi ito sa Korea ay pinasulat sila ng kanilang guro ng listahan na gusto nilang matanggap mula sa kanilang mahal sa buhay. But now, he also owns branded clothes, except for the rolex watch that caused millions. Of course he could buy it now, but he set it aside as things have changed as he grew older.

Hindi napigilan ni Justin na muling mapangiti dahil sa mga natanggap. He looked like a nine-year-old kid who just got a present from santa for being a good kid. Napahawak pa ito sa kanyang batok habang tinititigan ang relo. Since he and his older brother aren't friends on any form of social media platforms, he opened his messaging app and sent him a short but sweet text.

"Naka roaming naman siguro 'yun," mahinang sabi nito sa sarili at muling tinignan ang relo. He excitedly wore one shirt which is colored in black, jeans in denim and paired it with his timberlands. Pagkatapos ay sinukat nito ang relo and took a photo of him in his full-length mirror. He added Jace in his IG account and sent his photo to him with a caption saying,

"Igop as always."