Months have passed and their relationship has been smooth. Wala silang problema kaya lalong kinakabahan ang dalawa. They both know that this is just the beginning of their relationship at hindi laging masaya but they just enjoy every moment.
Kailangan nilang mag doble-ingat dahil kapag lumabas ang relasyon ng mga ito ay paniguradong malaking problema ang kahaharapin nila lalo na sa career ni Jace.
Si Regina naman ay nakapag-adjust na sa lugar. She had received a call from her supervisor four months ago na pwede na siyang bumalik sa trabaho, but she chose to stay in Seoul for a few more months before going back to work. Plano nito ay tapusin muna ang birthday ng nobyo.
"Reg, are you sure? I mean, bakit di mo pa sabihin agad sa kanya? Baka mamaya mabigla yung tao." Sabi ni Jazzy sa kaibigan habang magkausap ang mga ito sa telepono.
She's right, baka nga talaga mabigla si Jace. Pero hindi niya pa nababanggit ang pag-alis nito due to their busy schedules. Nakahanap din kasi ang dalaga ng part-time job online habang nagbabakasyon kaya may pinagkaka-abalahan ito.
"I know. Sasabihin ko din naman after his birthday. Isa pa, panigurado maiintindihan niya. I can't stay here forever." Pagtatanggol nito sa sarili. Confident itong maiintindihan siya ng binata, tutal ay trabaho naman ang aasikasuhin nito. Yun nga lang ay talagang magiging madalang na ang pagkikita ng dalawa.
"Better make sure that he really would understand it. Flight attendant ka, idol siya. Ngayon pa nga lang na hindi ka pa bumabalik ng trabaho e hindi na kayo madalas magkasama, paano nalang pag umalis ka na? Hindi naman laging sa Korea ang destinasyon mo." Narinig nitong sagot ng kaibigan. Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at napasandal na napaupo.
She had already planned this months ago. Pero ngayong papalapit na ang araw ng pag-alis niya ay bakit parang nahihirapan siya sa sitwasyon.
"It shouldn't be this scary." Bakit nga ba kasi siya natatakot? Hindi naman sila maghihiwalay, they would just be in a long-distance relationship... yeah, ldr lang naman.
It was a bright and sunny day at dumating na din ang araw ng kaarawan ng binata, with the help of Jace's mates, they were able to finish everything in time.
The original plan was for them to go out of town but due to his boyfriend's busy schedule ay nauwing selebrasyon sa villa ang kaarawan nito. Wala namang problema ito sa dalaga dahil tinulungan siya ng mga kagrupo ng binata sa pagluluto at pag-aayos ng surpresa.
Pagdating ng alas-dos ng hapon ay dumating ang binata sa lugar at ang lahat ay binati ito ng isang masayang kaarawan.
It was just a simple party but it means so much for him. Linapitan ng binata ang nobya at binigyan ito ng isang yakap. Maya-maya ay puro tili ng lalaki ang maririnig sa sala ng dalaga. Kahit naman binalingan sila ng pang-aasar ng mga kasamahan sa grupo ay hindi siya bumitiw sa pagyakap sa dalaga.
"Thank you for making my day extra special." Sambit nito at muling yumakap sa dalaga. He wanted to kiss her ngunit si Regina mismo ang umiwas dahil nang-aasar ang mga kaibigan nito. Natatawa nalang itong gumanti ng yakap at hindi naman nagtagal ay nagsimula na ding kumain ang mga ito.
Dahil mahaba pa ang araw ay inilabas ng leader ng grupo ang isang wine, kasunod naman sa likod nito ay ang pinakabata sa grupo na may bitbit na isang kahon ng soju. Mukhang kanina pa kasi inom na inom ang mga ito kaya iniayos nila ang lamesahan para makapag-simula na sa tagayan.
"Since it's our brother's birthday, let him take the first shot." Ibinuhos nila ang unang tagay para kay Jace na madali niya namang ininom na parang tubig lang.
Ang lahat ay nagpalakpakan at muling binati ito sa kanyang kaarawan.
Hours has passed at masayang nagkwekwentuhan ang mga ito ng biglang may tumawag sa dalaga. It was an urgent call from her supervisor kaya humingi ito ng paumanhin at lumabas ng bahay upang sagutin ang tawag.
"Po? Ma'am pero napag-usapan po natin na sa makalawa ako uuwi. Bakit po biglaan?" Sagot nito sa kanyang supervisor. Gusto kasi ng management na bumalik na ito sa trabaho dahil kulang ang staff nila.
"Okay, sige po." Walang nagawa ang dalaga kundi pumayag nalang sa hiling ng kumpanya. She couldn't say 'No', who is she anyway para tanggihan ang kanyang trabaho? Malungkot nitong ibinaba ang tawag at nagulat dahil sa boses na narinig galing sa kanyang likuran.
"Jace, anjan ka pala." She said. Mejo kabado ito dahil hindi niya alam kung gaano katagal na nakikinig ang lalaki.
"Are you going back?" He asked. Kahit nakainom ito ay nakakausap padin naman siya ng maayos. Tinignan nito ang dalaga ng may lungkot sa mga mata.
"I really wanted to talk to you about this, pero hindi kasi nagtutugma oras natin. Balak ko naman sana sa makalawa pa ako aalis but they called me and they needed me to report asap." Kita nitong nadismaya ang mukha ng binata, she slowly walked towards him and looked him in the eyes.
"Kaya naman natin kahit magkalayo tayo diba?" Tanong nito. She was waiting for an answer, nakatingin padin ito sa mga mata ng binata habang nag-aantay ng sagot. All she needed to hear was a 'Yes', but all she got was a blank stare.
"Jace?" She called for his name. Nagtataka ang dalaga dahil hindi siya kinikibo nito. Hindi naman lasing ang binata pero nakatingin lang ito sa kanya na tila ba andaming katanungan sa isipan.
"Kaya naman natin kahit magkalayo tayo diba?" Alam niya sa sarili niyang kaya niya kahit malayo sila sa isa't isa. Marami namang paraan para magkita sila. But that question echoed in Jace's head a dozen times.
Kaya ba talaga nila? Kaya ba talaga niya? Long-distance relationship isn't as easy as he thought it would be. Gusto niyang laging nakikita at nakakasama ang mahal niya, gusto niya ay lagi niyang nahahawakan o nakakamusta.
Fear, he fears that her love ones might end up looking for someone better than him.
Doubt, sandali, why would she settle for someone na malalayo sakanya when she can find someone na araw-araw niyang pwedeng makasama? This made his thoughts mixed up.
No. He doesn't know the answer to the question. He wasn't prepared enough. He heard her say his name but he couldn't utter a word, he wanted to say something, but he slowly turned himself away from her and walked out in silence.
Parang binihusan ng malamig na tubig ang dalaga ng maiwang mag-isa ito, sinundan lang niya ng tingin ang binata na naglalakad paalis sa lugar.
She couldn't sob but her eyes started to fill with tears and he didn't want him to see it, so she turned around as tears spilled down her cheeks.
Isa, dalawa...tatlo, she took a few steps. She tried to compose herself but her knees were trembling, still, she didn't sob. She took another step and another one, this time she couldn't make it. Hindi na nito nakaya pa ang humakbang. Unti-unti itong napa-upo at napahagulgol sa sakit na nararamdaman niya.
Ang kaninang pagpipigil na iyak ay unti-unting niyang nailabas. Gamit ang kanang palad ay pinilit nitong dibdiban ang sarili as she has difficulty catching her breathe.
"Why did it not happen the way it should be?" She questioned herself. Ang akala niya'y magiging madali lang ang lahat. Ang akala niya'y maiintindihan siya ng binata, ang akala niya'y magiging okay din ang lahat.
Natapos ang gabi na walang nakakaalam sa nangyari sa dalawa. Jace's friends were left at the villa dahil lasing ang mga ito at nakatulog. Kinaumagahan naman ay sila mismo ang nagligpit ng kanilang mga kalat at nagpaalam sa dalaga.
"Sorry for the mess, but we already cleaned it up. By the way, where's Jace? We haven't seen him." Tanong ng leader kay Regina, hindi ito nakakino at pansin naman nilang parang tulala ito kaya minabuti nalang nilang magpaalam. Tinanguan naman sila ng dalaga atsaka muling bumalik ng kwarto.
She tried to call him for the sixth time but he doesn't answer his calls. Gusto sana ng dalaga na makapag-usap sila ng maayos pero kahit isang text ay hindi sinasagot ng binata.
She felt worthless. Iniisip niya kung kasalanan ba talaga niya ang nangyari. Hindi rin naman puwedeng doon lang siya sa sa Seoul mamalagi at hindi na magtrabaho. Teka, ang trabaho niya nga ba talaga ang rason?
A lot of questions are running in her mind and she doesn't like the idea of it. Kung ano-anong mga bagay kasi ang naiisip niya at lalo siyang hindi mapakali.
It was October 16th that day and she needs to go home on the 18th. Sunod sunod na tawag ang natanggap niya mula sa kanyang pinatratrabahuan at sa kaibigan. She promised her boss that she'll take the flight home on the 18th pero taliwas ang gusto nitong mangyare habang nagsusumbong kay Jazzy.
"I really need to talk to him bago ako umuwi." Sabi nito sa kaibigan habang nagpipigil ng inis.
"I told you, you should've told him earlier kesa naman sa nabibigla yung tao. Ano yun, ineexpect mong 'Oo' ang isasagot niya. Hello gorl, ilang kilometro ang magiging layo niyo sa isa't isa." Komento ng asa kabilang linya. Lalo itong nanghinaan ng loob. Gusto niya nalang hilain ang buhok ng kaibigan kung di lang nito kausap sa telepono.
"Pero bakit hindi niya ako sinagot?" Pagmumukmok nito.
"Dahil baka hindi niya kaya? Reg, alam mo naman ata ang sagot e. Kasi kung gusto ka talaga niya, kahit asang lupalop ka pa e magririsk yan para sa relasyon niyo."
"Enlighten me please." Marahan niyang sabi. Ngunit imbis na explenasyon ang ang marinig ay isang tanong ang ibinato sakanya ng kaibigan.
"Gaano ka niya ka-mahal?"