webnovel

Lost in Lost Island

Veh_Seranob · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6 (Rules)

Chloe POV

"Shit! We're trap!" mahinang sigaw ni leah

"Ano ba kasi ito bakit kinulong nila tayo at ang creepy ng hitsura nila ha' nakasuot ng itim na roba ano iyon wala silang ka taste-taste sa outfit nila wala bang uso ang fashion dito?" si jen na parang diring-diri pa habang pinapagpag ang sarili

"Napansin ko aside from their black hood they're wearing a ring na may desinyong bato na kulay itim" sabi ko habang nakatingin sa Labas

"I think this is not Good anymore.. not really Good and this is Serious baka dito na tayo mamamatay" kinakabahang ani Leah

"No! That will not happen... p-paano ang Boys 'tyak na hahanapin tayo nila at ikukulong din sila gaya natin at si kim na mataas ang lagnat mas lalong mahihirapan 'yon" naiiyak na sabi ni jen

"Sshhh... Tumahimik kayo Nandito na sila" sabi ko

Pinalibutan kami ng mga taong nakasuot ng robang itim peru ang tatlo ang lumapit sa amin at may sinasabi sila na hindi namin maintindihan dahil sa kakaiba nitong lenggwahe

Agad naman lumapit ang isa at batid ko na isa siyang babae, magandang babae na siguro kasing edad lang din namin.. tinignan namin ang ang kanilang mga mukha na wala man lang ka emo-emotiong makikita

"Please we need help we are not enemies" pakiusap ko dito sa halip na sagutin ako ay nanatili itong nakatitig sa akin at may sinasabi na naman sa mga kasama at don sinimulan kaming talian

Sinubukan namin kumawala sa Tali nito peru mas lalo lang nilang hinigpitan... at hinila nila kami sa hindi namin malaman kung saan

Masikip na daan at malalaking puno pataas at pababa ang aming nilalakaran at nadadaanan hanggang sa makarating kami sa hindi pangkarinawan na Lugar

Nasa harap kami ngayon ng isang napakalaking Gate na halatang luma na dahil sa kanyang hitsura at may mga tumutubo ng mga dahon at ugat sa iba't-ibang parte ng pader na nagpapatunay na ito ay Luma na. At sa sobrang taas nito ay kahit may magtangkang umakyat ay hindi makaka-akyat dahil sa Haba at taas ng Gate.

Biglang bumukas ang lumang Gate na iyon na syang mas lalong nagpakaba sa amin.. nang bumukas ito ay hindi namin mapigilan ang sariling magulat sa nakikita

What is this place? Am i dreaming? Then wake me up now!..

Isang napakalaking palasyo na may kalumaan ang nasa mismong harapan namin ngayon na hindi pangkaraniwan. At inaamin ko sa buong buhay ko ay ito pa lang ang pinakamalaking palasyo na aking nakita

What is this? Bakit may palasyo dito? ever since wala akong narinig o nakita na may ganito kalaking palasyo ang pilipinas.. at kung may makikita man ako hindi iyon kasing laki dito sa nakikita ko ngayon at kung may malaki man siguro iyon ay sa mga palabas sa Telebisyon lamang na halatang Ginawa lang din sa Computer

Pareho kaming tatlo napanganga at hindi makapaniwala sa nakikita dahil sa sobrang pagkamangha dito... kahit may kalumaan na ito ay makikita mo ang kanyang ganda at kakaibang desinyo na talagang mapapahanga ka... Makikita din dito ang magkasalungat na kurbada nang dalawang nagtataasang hagdan sa gilid ng palasyo at mga bubong nitong nagtataasan na hugis kono ang hitsura at parihabang gusali na pinalilibutan nang makikintab na ilaw lalo na at Gabi ngayon ay mas lalong kumikinang ito dahil sa ilaw na nakapalibot sa buong palasyo may mahabang tulay pa itong madadaanan na may kalumaan narin ngunit alam kong matiboy ito na hindi basta basta nagigiba.. Dumaan kami sa lumang tulay na iyon na pinalibutan din ng napakagandang ilog na halos kahit Sarili mo ay masasalaminan mo na dito.

Nang makarating na kami sa mismong palasyo ay akala namin na tapos na ang pagkamangha ngunit sa di inaakala ay mas marami pa palang tao sa loob na makikita at natutuwa kami dahil sa naisip na sa wakas may makakatulong narin sa amin .. ngunit kahit ni isa sa kanila ay walang pumansin sa amin kahit gawaran man lang kami ng ngiti ay hindi man lang nila ginawa at kahit isa ay walang makikitang emosyon sa mga mukha nila.. nakasuot ang mga ito ng robang pinaghalong pula, dilaw at itim na may kahabaan hanggang paa.. mukha silang mga Graduating student kung tignan dahil sa kanilang hitsura at bukod sa kanilang suot ay karamihan sa kanila ay kasing edad lang namin may nakakatanda man peru mas lamang ang kasing edad namin ang iba naman ay mga tagapagbantay sa bawat kanto, pinto at sa Daan na nakasuot din nang robang pula.

Nilibot namin ang aming paningin ng makapasok kami sa ilalim at mas lalo akong namangha ng makita kung gano ito kalaki at kaganda.. may mga ilang taong tumingin sa amin peru agad din inaalis ang tingin nang tignan rin namin sila pabalik sobrang seryoso ng mukha nila at mukhang galit sa amin na para bang may ginawa kaming malaking kasalanan dito

Umakyat kami sa mahabang Hagdan na kahit ito ay mapapahanga ka sa ganda ng pagka desinyo kahit kitang kita na may kalumaan na

May mga hindi pamilyar na litratong madadaanan sa bawat gilid na gawa lang din sa painting batid koy mga kataas-taasang tao ito.

Di nagtagal ay nakaharap na kami sa malaking pinto na agad naman binuksan ng mga tagapagbantay

Pagpasok namin ay akala ko tapos na ang aming pagkamangha sa nakikita peru hindi parin pala dahil maganda ang kwartong ito... maraming librong nakapalibot na may sariling hagdan ang bawat kanto ng mga libro at halos hindi ko mabilang kung ilang palapag ito na ang tanging laman lamang ay libro

"Sit down" ani ng lalaki na nakasuot ng kulay silver na roba na may malaking Boses na siyang pinakaba ang bawat sistema ng katawan ko halatang may edad na ito siguro ay kasing edad nila tito miguel "fill up the form" mahinahong sabi nito ngunit mararamdaman mo ang kanyang awtoridad habang nakatingin lang sa kanyang binabasa

Binasa namin ang form na binigay at tanging pangalan lang ang tanong nito

Sa laki ng papel tas ito lang pala ang laman?..

Name:

Psh..

"What is this? Kailangan namin ng tulong at hindi ito" di na napigilan pa ni leah ang kanyang sarili "We are Lost and we need a Help, we have a Friend who got sick right now please help us"

Peru di ito tinignan si leah at parang wala man lang itong paki-alam sa narinig ilang sandali ay bumukas na naman ang pinto kaya tumingin kami sa gawi nito ngunit ganon nalang ang gulat namin ng iluwa nito ang aming mga kaibigan.

"Leah" tawag ni Luke lumapit kami sa isa't-isa at nagyakapan

"We thought we lost all of you" sabi ni mike at bumaling sa kaninang lalaki na busy parin sa kanyang pagbabasa "Excuse me sir what is the meaning of this? All of this? Peru hindi parin ito pinansin at gaya namin ay binigyan lang din ito ng Form.

Nakita ko si Carl na may dahon na sa kanyang kanang paa "anong nangyari carl?" Tanong ko dito

"May kumagat sa akin kanina hindi ko alam kung ano iyon" ani carl na halatang hirap na hirap na inalayan ni Dante at Tim habang si Kim naman ay karga-karga ni Luke

"How is she?.. kim kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni jen

"I-im tired jen, i-i think h-hindi ko na k-kaya" mahinang sabi ni kim

"Nononono don't say that gagawan namin ng paraan to please" pakiusap ni leah dito

Bumaling ako sa lalaking hanggang ngayon ay nagbabasa parin

"Sir nakita niyo naman po ang mga kaibigan namin diba? Halatang nahihirapan na sila kaya nagmamakaawa na po akong tulungan ninyo kami" pakiusap ko dito ngunit hindi parin ako pinapansin

"Fill up the form before anything else" iyon lang ang sabi niya habang ang attention ay nasa kanyang librong binabasa parin.. kaya wala kaming ibang choice kundi ang sundin ang sinasabi nito.. si Jen na ang nagsulat kay kim at si Leah na ang nagsulat sa pangalan ni Carl.. matapos namin mag fill up ay kinuha ito ng lalaki at may tinawag na nakadilaw na roba kung kanina ay nakaitim at nakapula ngayon naman ay nakadilaw at binigay dito ang aming mga papel napansin ko rin na may mga singsing sila na kulay dilaw rin sinenyasan pa ng lalaki ang mga nakaitim na roba at nag bow ang mga ito bago lumabas

"So pwedi niyo na po ba kaming tulungan?" Ani Tim

"Welcome to Lost Island" malakas na sabi niya "means Suffering" at napangisi kaya tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa narinig

"WHAT?" Sigaw namin lahat

"I'm Superior Lucas the Head of the Entire Island" nakangisi nitong pagpapakilala sa sarili na mas lalo kaming pinakaba

"Hindi po iyon ang kailangan namin kundi ang tulungan kaming makauwi sa lugar namin lalo na at may sakit ang mga kaibigan namin!" Inis na sigaw ni Luke at sinamaan naman siya ng tingin nito

"Exactly! Iyon naman talaga ang kailangan niyo but" pagbibitin nito sa sinabi

"BUT?" Sabay namin tanong

"But you need to finish your mission" ani nito na ipinagtaka naming lahat

Mission? Ano bang klaseng mission? At bakit may mission?

"Anong mission?" Di ko napigilan ang magtanong

"Hindi pweding sabihin! It is your Job to know your mission" sabi nito at bumalik sa kanyang pagbabasa

"Ano? Pano namin gagawin ang mission kung hindi namin alam gago ka ba ha!" Sigaw ni Carl sa kanya at inawat naman siya namin

"Once you enter there's no turning back" seryosong aniya sa mahinahong boses na hindi ko maintindihan kung pano niya naiparamdam ang pagiging makapangyarihan niya kahit sa salita lamang iyon' kaya mas lalong nagbolabog ang puso ko sa tindi ng kabang nararamdaman... bumalik ito sa pagbabasa kaya di ko na mapigilan ang mainis

"Ano? Eh hindi naman kami sumali sa mga pakolo niyo dito eh! gusto lang naman namin ng tulong not that fucking mission" pinadiinan ko talaga ang huling salita kaya tumitig siya sa akin at binagsak ang kanyang librong binabasa nakaramdam ako ng kaba peru hindi napapantayan ang aking inis

"Miss Salvador right?.. baka nakalimutan mong kayo ang lumapit sa amin at hindi kami" mahinang sabi nito peru ramdam mo ang kanyang galit

"Bakit? Kayo lang ba ang nakatira dito? Hayaan niyo kaming humingi ng tulong sa iba hindi sa lugar na ito!" Galit na talagang sigaw ko kaya inawat ako ni mike

"Sorry sir but we need to be Home as soon as possible dahil natatakot kami para sa mga kaibigan namin baka hinahanap na kami sa amin sana maunawaan niyo" ani Mike

"Pakawalan niyo nalang po kami at lalapit kami sa ibang tao na baka sila ang makakatulong sa amin" tim

Ngumisi ang lalaki na mas lalo akong nainis

"There is no other way kid.. This place is the Only one has in this Island" seryosong aniya

"At paano naman kami maniniwala sayo?" Tanong ni jen

"Isang pribadong isla ito at walang sinuman ang tumangkang pumunta.. May sarili kaming patakarang pinatutupad sa lugar na ito kaya sa ayaw at sa Gusto niyo wala na kayong magagawa" seryosong sabi niya at ramdam ko ang pagsasabi niya ng totoo

"Paano ang mga kaibigan namin?" Tanong ni Luke

"Lahat ay nakahanda may sariling Hospital ang palasyo at lahat ng kinakailangan niyo ay nandito na" sabi nito at bumalik ang mga mata niya sa librong binabasa

Pakshit! ano ba naman kasi ang binabasa niya at hindi niya kami mapagtuonan ng pansin

"At paano kung magawa namin ang mission?" Tanong ni Mike

"Pwedi na kayong umuwi sa inyo" sabi nito at ngumisi "kahit isa ay wala pang nakakagawa ng mission kaya mahihirapan kayo"

"Talaga! Dahil kahit ang mission namin ay hindi namin alam so pano namin magagawa iyon eh talagang boplaks ang patakaran niyo dito!" Sigaw ni jen

"Di bale magtanong nalang tayo sa mga tao dito" sabi ni luke

"HAHAHAHAHA" malakas na tawa nito "walang makakatulong sa inyo kundi ang inyong mga sarili dahil walang magtatangkang magsabi nito dahil kung meron man ay mapaparusahan ng kamatayan" seryosong sabi niya na mas lalong hindi ko maintindihan"At kahit magtanong kayo ay wala rin naman silang nalalaman .. sila ay kagaya niyo lang din na walang alam kaya kung ako sainyo gawin niyo nalang ng tama at tahimik ang inyong mission.. lubos lubusin niyo na ang pagtatanong dahil pag nilatag ko na ang patakaran ay wala ng bawian"

"Bakit hindi hinuhuli ng goberno ng pilipinas ang islang ito! pinapahirapan nila ang mga tao at pinapatay!" Sabat ni leah

"Dahil hindi naman parte ng pilipinas ito" ngumisi na naman ito "marahil malapit sa pilipinas ang islang ito peru hindi parte ng pilipinas o kung saan mang lugar ang nagmamay ari dito.. nag-iisa lamang ang isla at walang sino man ang makakapag tigil sa ginagawa namin" seryosong aniya at ramdam ko ang pagiging seryoso niya.. sandali lang ay may lumapit dito na nakadilaw at may sinabi sa lalaki hindi namin narinig o kung marinig man namin ay hindi rin naman namin ito maiintindihan

"All are ready.. wala naba kayong tanong?" Tinignan lang namin ito ng masama "Good! Rules here must be Followed and no one will against the rule!" Seryosong sabi nito "Unang patakaran ay dapat kayo maging isang Studyante dito"

"What? Eh nag aaral kami sa ibang school tas pag-aaralin pa kami dito? Eh kulang na nga lang sumabog ang utak namin sa kaaaral dahil midterm na nextweek tas mag aaral pa dito Ano iyon double kill ha?" Inis na sabat ni Jen

"You can't do anything but to follow the rules!" Tumayo ito bigla at alam kong galit nga ito "2nd Rule dapat pag alas otso ng Umaga ay wala ng lalabas hanggang sumapit ang Alas singko ng gabi dahil kung sino man ang mahuhuli ay mapaparusahan"

"Ano? Bakit gabi diba dapat umaga iyon pinaglalaruan niyo ba kami?" Tanong ulit ni jen peru sinamaan lang siya ng tingin nito

"3rd Rule No one is allowed to ask at kung meron man dito ang mahuli ay mapaparusahan ng kamatayan" napangisi ito matapos sabihin ang huling salita

"Ano?" Di namin inaasahan ang tanong na iyon kay dante peru imbis na sagutin ito ay agad na lumapit ang dalawang nakadilaw kay dante at agad itong hinila palabas

What the fuck!

"Bitiwan niyo ako, saan niyo ako dadalhin bitiwan niyo ako.. sir tulungan niyo ako" sinikap pa nitong kumawala peru sa lakas nila ay hindi nagtagumpay si dante lumapit kami para tulungan siya peru hinarangan kami ng ilang nakadilaw

Naiiyak na kami dahil sa pag alala na baka patayin nga nila si Dante.. gusto na namin magtanong peru dahil sa takot na masunod dito ay wala kaming nagawa

"Last rule iyon ay ang Mission niyo na dapat Magawa bago matapos ang isang taon niyo dito sa isla.. dahil kung hindi" sumeryoso ito na mas pinakaba kami "hindi na kayo makakauwi hanggang sa huling hininga niyo HAHAHA" malakas na tawa nito

"No way! Sinasabi namin sayo na matutupad namin ang mission na kung ano man iyong letseng mission na iyon ay magagawa namin sa hindi pa matatapos ang buwan nato! Galit na sigaw ni carl at humahalakhak naman ito sa tuwa

"We'll see young boy" sabi nito at tinawag ang isa sa mga nakadilaw "follow him and he will lead you to your space" matapos niyang sabihin iyon ay bumalik siya sa pagkaupo saka siya ulit nagbasa

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod nalang dito at kailangan sa madaling panahon ay magagawa na namin ang mission na iyon

May kalayuan pa ang aming nilalakaran hanggang may narating kaming maliit na pinto mukhang kweba siya na sa sobrang liit parang isang tao lang ang kakasya may hagdan pa ito pataas bago namin matunton ang napakalaking kwarto.

kung gaano kaliit ang daan kanina ay siyang kinalaki naman ng espasyo ng kwarto maganda ang kwarto peru ang desinyo nito ay parang desinyo ng mga sinaunang tao.. may apat na pinto at batid koy mga kwarto iyon at kandila lamang ang tanging ilaw dito' may makakapal na pulang Carpet at may sariling sala set na gawa rin sa mga matitibay na kahoy sa harap ng malaking bintana kung saan ay makikita mo ang kabuohan nang labas.. kulay krema ang kwarto na may halong pula sa bawat kanto kahit na itoy may kalumaan peru lahat ay iba sa paningin.. umalis na ang mga nakadilaw na mga tauhan kaya parang guminhawa naman  kami

This is Unbelievable!

To be Continued...