webnovel

Chapter 4

Princess Sofia's POV.

Nandito kami ngayon ni Darius sa Garden. Kanina pa kami palakad-lakad dito, pero ni isang salita walang lumalabas sa bibig namin.

'Gosh Sofia, magsalita ka naman ohh.'

Sabi ko sa isip ko.

Naman kasi ehh, ano bang pwedeng sabihin... Yayain ko nalang kaya muna syang umupo napapagod na din kaya ako, duhh.

"Ah, Darius upo muna tayo don ohh.. Nakakapagod maglakad ihh.."

"Yeah, sure.."sagot nya kaya naman umupo kami sa isang upuan sa may garden..

'' Darius, ano naman ang ginagawa mo dito kung lagi kang iniiwan nila tita Kara at tito daniel?"

"Wala lang naglalakad lakad lang.."

"Grabe di ka ba naboboring? Wala kang ginagawa naglalakad-lakad ka lang?"

"Di naman kasi nakakausap ko naman yung mga ibang bata dito na pinapapunta nila mama noon."

"Ahh OK.."

Ayan ang tahimik na ulit wala ng topic... Ano bang pwedeng sabihin.. Isip Sofia, isip..

"Sila mama anong ginagawa nila doon sa palasyo nyo?"napatigil ako sa pagiisip kung ano ang sasabihin ng magsalita si Darius.

" Wala lang kinakausap sila mama at papa, di ko naman alam ang pinag uusapan nila kasi lagi lang akong nasa kwarto ko.. Pero minsan tinatawag ako ni tita Kara para magpatulong mag luto, lagi kaming nagluluto ni tita ng kahit anong pagkain na pwede naming lutuin.. "

" Buti ka pa nakakasama mo ang mga magulang mo.. Minsan lang kasi sila dito, minsan di pa sila umuuwi umaabot ng tatlong araw bago sila umuwi.. Ewan ko ba kung saan sila nagpupunta.. "

" Nako wag mong sabihin yan na lagi kong nakakasama ang mga magulang ko dahil hindi din.. Kasi lagi din silang umaalis, umaabot pa nga ng isang buwan bago sila bumalik.. Tapos pagbalik nila sa palasyo away naman ng away.. Nakakasawa din naman na lagi mong nakikita at naririnig na nagsisisgawan ang mga magulang mo.. "sabi ko sakanya." Alam mo minsan gusto ko nang umalis sa palasyo, nakakainis na din kasi sila mama.. Pero di ko sila kayang iwanan ehh, alam kong malulungkot sila kapag iniwan ko sila.. "

" Wag na wag kang aalis sa inyo mahirap na, di mo naman ata alam kung saan ka pwedeng pumunta... Nangyari na yan sakin dati, umalis ako dito dahil nainis ako kila mama kasi nag aaway din sila, pero naligaw ako buti nalang at nahanap ako ng isa sa mga kawal namin.. Sobrang nag alala sila mama saakin noon.. Kaya pinangako ko sa kanila na hindi ko na ulit gagawin yun.. "

" Alam ko namang mahirap din kasi nga tulad ng sabi mo wala akong ibang pwedeng puntahan. Kapag dito ako pumunta, malalaman parin nila kung nasaan ako.. Ehhh wala naman akong mga kakilala na pwedeng tumulong sakin para makaalis ako sa palasyo.. Pero ayoko din di ko gagawin yun.. "

" Dapat lang. "pagtatapos ni Darius sa pag-uusap namin.

Naglayas na din pala sya dati dito sa kanila, ang hirap din noon.. At alam ko yun kaya nga hindi ko na nga gagawin ihh...

Prince Darius POV.

Grabe naiisip gawin yon ni Sofia buti nalang nasabi ko sakanya na wag nyang gagawin yon kasi mahirap na baka may kumidnap sa kanya.. Wala namang pwedeng tumulong sakanya kung saan pupunta, di ko naman sya tutulungan kasi ayaw ko syang umalis gusto ko syang nandito lang para may makasama na ulit ako.. Ayaw na kasi sakin ng dati kong mga kaibigan, gusto ko syang kaibiganin kasi alam ko kasing mabait sya at di nya akong iiwan at aayawan katulad ng ginawa ng mga kaibigan ko noon...

To be continued..

***

Hi guys!

Please vote for my story..

Sana magustuhan nyo kahit na matagal akong magupdate at maiikli lang ang bawat chapters.

Thank you sa mga nagbabasa...

***