webnovel

Chapter 2

Princess Sofia's POV.

Ngayon ko lang nakita 'tong palasyong 'to, ang ganda nya malaki din sya, mas malaki lang siguro yung palasyo namin...

"Tara na sa loob."

Natigil ako sa pagiisip ng magaya na si papa para pumasok sa loob.. Sobrang daming tao, ang gaganda ng mga suot nila..

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ako mag react first time ko lang kasi pumunta sa ganito ng maraming tao at engrande ang handaan.. Di naman sa di pa ako nakakaanttend sa mga ganto, nakaattend na din naman ako dati pero simple lang yung napuntahan ko. Di katulad nito na sobrang engrande...

"Sofia halika rito at ipapakilala kita sa anak ng tito Daniel at tita kara mo."

Natuon ang atensyon ko kay mama ng magsalita sya.. Lumapit ako sakanya habang nakangiti..

"Hello po. " bati ko kila tita..

"Dalagang dalaga ka na Sofia, ang laki laki mo na.. Ang tagal nadin nating Di nakikita.. Bata ka pa noon ng huli nating pagkikita. Kamusta ka naman hija." sabi ni tita.

"Okay lang naman po tita. Nakakamiss nga po luto mo tita. Dati lagi mo akong pinagluluto Kapag pumupunta ka sa palasyo namin."

"Halika't ipapakilala kita sa anak ko, dali" sabay hila sakin ni tita.. Parang bata talaga si tita.

~•~

Tumigil kami ni tita malapit sa hagdan, Di ko alam kung bakit, siguro nandito lang sa tabi tabi yung anak nila tita..

"Darius anak, halika rito at May ipapakilala ako Sayo." tawag ni tita dun sa lalaking nakatalikod.

Humarap sya saamin at O to the M to the G... Ang gwapo nyaaa!! Grabe ang tangkad nya, tapos yung mata nya ang ganda kumikinang, yung ilong nya ang tangos manang mana kay tita, sana lang mature sya magisip isip bata kasi si tita.. TAPOS OMGGG!! Yung labi nya ang pula pula o my gosh kissable lips ang sarap hal---

'Ayy ano bayang iniisip mo Sofia, magtigil ka nga' Sabi ko sa isip ko sabay iling..

"Darius anak sya yung sinasabi ko sayong anak ng tita elena at Ernest mo si Sofia, Sofia sya ang anak kong si darius." So darius pala ang pangalan nya, ang ganda ng name bagay na bagay sa kanya.

"Hello Sofia, nice to meet you." sabi ni darius habang inilalahad ang kamay, inaabot ko naman yon..

"Hi Darius, nice to meet you too."

"Darius anak ikaw ng bahala kay Sofia, iiwan ko muna kayo para magkakilala pa kayo." sabi ni tita sa amin bago umalis.

OMG kaming dalawa nalang ang mag kasama ni Darius..

To be continued.

***

Hi guys, sorry ang ikli lang ng chapter na 'to but don't worry babawi ako hahabaan ko sa next na update ko..

Thank you sa mga nagbabasa...

***