webnovel

02

Live Long, Luna 02

"oh bat para kang nalugi sa negosyo?" mas lalo lang akong sumimangot sa tanong niya.

Inilagay niya ang tray sa table at nilantakan na ang daladalang Burger at sumipsip ng kaunti sa Coke na dala niya.

"Nasira yong camera ko." nakanguso akong sumagot sa tanong niya.

"Nasira?" nakakunot noo niyang tanong.

Tumango ako at ibinigay sa kanya ang nasira kong Camera dahil sa nangyari sa Mountain Top. Sinave ko nalang yong video sa flashdrive ko. Ang mahal mahal pa naman nito. huhuhu

"Gusto mo nakawan kita ng ganito?" I snapped back in my senses ng marinig ulit yong katarantaduhang linyahan ni Izza.

Izza Cass Martin. Wearing her very bright round yellow t-shirt na naka tuck in ang highwaist pants with designer belt, pairing her converse white shoes tas nakalugay ang buhok na mahaba. In short para siyang tae.

"Tarantado." nilantakan ko nalang yong Siopao na inorder ko na pinaresan ko ng coke rin.

"Para saan at may relo kang gamit ng mga Secret Agent?" nakakunot noo niyang tanong habang kumakain sa burger niya at nakatitig sa wristwatch ko.

"Secret Agent?" Tumango siya sa tanong kong iyon. Batid kong alam niya ang pinagsasabi niya ngayon dahil may alam siya tungkol sa mga Secret Agent,NBI at mga Pulis.

"Aria Luna Rivera Santos, it's a secret agent thing. Saan mo ba nabili yan? Pwede naman kitang nakawan sa mga Secret Agent na yan." Here we go again sa statement niyang nakawan. Oo magaling siyang magnanakaw.

Bigay sa akin ito ni Greg bago ako umalis sa condo niya. Pindutin ko lang daw iyong button sa may gilid at malalaman na daw niya yong location pag may nangyaring masama sa akin. Secret Agent? E naka school uniform nga yon ng umalis e. Nagkakamali lang si Izza. Tama.

"Putangina" napangangang sabi ni Izza ng binuhusan siya ng Juice sa ulo.

"Bagay sa suot mo yung juice pokpok." inilapag niya ang basong wala ng laman.

Tumawa naman iyong mga alipores niya. Pero nagpatuloy lang si Izza kumain at sinensayan akong kumain na rin kaya ginawa ko.

"Magnanakaw na nga. Bingi pa. Kaya ka iniwan ng magulang e. Poor Izza." Natapos na si Izza at tinanguan ako. Tumango rin ako pabalik. Usapang magkaibigan, mata sa mata at gestures lang alam na ang gustong iparating.

Tumayo na kami at lumayo sa kay Chandria at sa mga alipores nito. Narinig pa naming napasinghap ito dahil hindi makapaniwalang ginawa iyon ni Izza sa kanya. Iniwan siyang parang asong tumatahol kahit di naman sinasaktan. Knowing Izza, hindi siya magpakababa ng ganon.

Itinapon na namin sa basurahan ang mga bottle ng coke at mga papers na nakabalot sa siopao at burger. Nagpunta na rin kami sa Cr para makapag hilamos at mabanlawan ang ulo niyang nangangamoy juice na matamis. Tapos pumunta na kami sa room. Kalat agad at bulong bulongan ang mga kaklase namin. Pero nanatiling walang pakialam si Izza at ganon na rin ang ginawa ko.

Alam namin ang mga issue sa isa't isa, magkaibigan kami ng 2 years na. Tama rin ang sinabi ni Chandria. Broken Family sila at magnanakaw siya. Malalaman niyo rin ang dahilan kung bakit. Pero oo hindi ko sinuplong. Saksi nga ako sa kung gaano sa kagaling magnakaw. Naniniwala kasi kaming "Mind your own business and Live your own life." Pero kung kelangan na talaga ng tulong, tinutulungan namin ang isa't isa.

"Kamusta ang project niyong Novel, Film students?" tanong sa amin ng professor namin.

Bigla kong naalala yong camera kong nabasag. Nagvivideo ako araw-araw para makakuha ng ideya sa mga susunod kung isusulat na senaryo e. Lumingon ako kay Izza na biglang natawa, nakatingin pala siya sa akin.

"Isa pang suhol na ipaalala sayo kung anong nangyari sa camera mo iiyak ka na talaga HAHAHAHAHAHA" ginulo niya ang buhok ko at tumatawa tawa parin. Kita mo to, kung hindi ko lang ito kaibigan baka sinapak ko na to. Ansama naman kasi sa pakiramdam iyong nangyari sa camera ko!

"Mag-iingat ka sa trabaho.Pag may masamang nangyari tawagan mo lang ako." Ngumuso ako at tumango sa bilin niya. Tapos naglakad na ito palayo. Paparty nanaman siguro si Izza. Makasama nga pag day off.

Nandito nanaman kasi ako sa Coffee Shop. Hinatid niya ako bago siya umalis. Ganyan siya lagi. Kaya ko naman mag isa pero para sa kanya lampa ako kaya kelangan akong ihatid. Tratrabaho na nga lang ako.

"Palinis ako nong Table 5 Luna." Bungad sa akin ni Kristine, kasamahan ko sa trabaho. I giggled ng isuot ko na ang Apron naming color Brown na may nakaukit na bear na cute. Kaya gustong gusto ko itong isuot, ang cute lang kasi.

"So totoo ngang wala kang maalala."

"Maganda ka parin."

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

Biglang may humawak sa kamay kong nagpupunas sa lamesa. Tinignan ko ito ng may pagtataka.

"Kamusta ka Luna?" Nilingon ko siya na salubong ang kilay at may pagtataka pa rin.

Western Look, brown hair and blue eyes. Wearing his white polo na nakabukas ang tatlong butones that made him look extremely hot. Pairing his skinny jeans and designer white shoes.

"Okay lang po ako sir." Binawi ko ang kamay kong hinahawakan niya.

Hinila niya ako at napasubsub sa dibdib niya dahil sa may kataasan siya sa akin ng kunte. Nararamdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit dahil kumakalas ako sa pagkakayakap niya. Mas malakas siya kaya hinayaan ko nalang siya muna.

"Fuck." mura nung taong humigit sa braso ko. "Let go of Luna, you freakin' bastard." Nanlaki ang mata ko ng makitang si Greg ang taong iyon.

"She's not yours Greg. Stop acting like you own her." Itinulak siya ni Western look ng may pagkalakasan kaya napaatras si Greg at ganoon rin akong hinahawakan niya sa may palapulsuhan sa kaliwa.

"Luna!" May tumatawag sa akin kaya nilingon ko iyon pero bigla ko ring binawi ang paglingon ko ng makitang nagsusutukan na si Greg at yong western look guy.

Aawatin ko sana sila kaso natatakot akong matamaan nung mga suntok nila. Maskulado sila masyado, baka masuntok pa ako. Masakit.

"Stop that Greg! Stop Luis!" Hinigit ni Izza si Greg at pumagitna agad sa dalawa. Naghahamon parin ang mga mata nito sa bawat isa na animo'y gustong ipagpatuloy ang naudlot na suntukan.

Buti nalang andito si Izza. wew, pag nagkataong di sila tumigil di ko alam ang gagawin. Pinagpawisan ako don ah.

"Are you alright Luna?" asked by the western look, Luis. I nodded as a response. Pero medyo kinabahan lang kunte.

Pero

Hinarap ko sila ng may pagtataka sa mukha. Magkakilala sila? Kilala kasi sila ni Izza. Alam niya ang pangalan ng dalawa. Hindi ko nga kweninto si Greg sa kanya e.

Kunot noo ko silang tinignan. Seryoso parin ang mukha ni Izza, may pag-aalala naman ang itinugon ng mukha ni Luis tapos plain lang ang emotion na nakikita ko sa mukha ni Greg.

"Magkakilala kayo?"