webnovel

Introduction: Starting Line

"So the question for Contestant No. 1 is: If you were given a chance na bumalik sa nakaraan? Ano ang babaguhin mo at bakit?"

"Tenk-u por dat wanderpul kwestiyon end abawt that.. Ay wil nid an interpreter. Hehe."

-Audience laughs-

"Pero kung kailangan mo talaga may hinanda naman kami rito. Tara na Mr. Interpreter!"

-Audience cheers-

"Hala joke lang 'yun eh. Haha"

"Sige na usap na kayo diyan."

*whispering to interpreter* "Ano, sabihin mo ganito, 'Kung makakabalik ako sa nakaraan, babaliktarin ko buhay ko.' Ganun dali."

-with accent-

"He said: Rewind Flip Side B."

-Audience laughs-

"Ano ibig sabihin nun Contestant?"

"'Di naman 'yun sinabi ko eh." -audience laughs-

"Ganito na lang: 'Ay wil get a gerlpren'. Ganun."

-audience laughs harder-

"Nako mukhang sigurado na ni Contestant No. 1 ang trono ng Feeling Pogi 2020 ah."

-audience laughs more-

-TV Noise end-

"Pero kung ako, malamang ganun din gawin ko."

Ani ni Zech habang nanonood ng pa-contest sa TV.

Panahon ng Summer Break, kung nag-aaral pa siya.

Ang bida natin ay kasalukuyang "nagpapahinga" dahil kareresign lang sa trabaho.

Hindi sa hindi niya gustong magtrabaho ulit, sadyang wala lang nagrereply sa mga inaapply-an niya.

Kaso magta-3 buwan na.

-Phone rings-

"Hello?"

"Hello Zech , busy ka?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Kita tayo."

"Bakit?"

"May sasabihin lang ako sa'yo."

"Ah. Sige."

"Wait na lang kita dito sa kainan."

Ngunit lingid sa kaalaman ni Zech na hindi lang pala iisang tao ang naghihintay sa kanya.

-After 30 mins-

"Saan ka na?"

"Nandito na. Patawid na ng kalsada."

"Kita ko na nga kayo—"

-Blackout-

-Wakes up-

"Wait, anong nangyari?"

-TV Noise-

At ang nanalo sa ating Feeling pogi 2015 ay si...

"Ah baka nakatulog lang ako— WAIT 2015?!"