webnovel

LISC 2

SABRINA'S POV

"Severina" Antagal naman nitong babaeng to. Kahit kailan talaga ang bagal kumilos.

"Eto na. Nagmamadali?" 'Eto na' daw pero di pa rin lumalabas sa kwarto nya. Tsk.

Naalala ko kasi ung sinabi kahapon nila mommy at daddy kaya sabi ko kay Sev bumili na rin kami ng mga gamit.

"Tara na Sab tapos nako." Alam ko nakita ko kasi kundi ka pa tapos malamang di ka pa lalabas.

"Nakaka-excite"

"Halata nga. Teka nga Sabrina hindi pa nga tayo naka-enroll tas madaling madali ka bumili ng mga gamit natin."

Ugh. Oo nga pala. Ang tanga ko para hindi maisip yon.

"Oo nga noh. Sorry naman pero okay na rin 'to para di tayo mag-rush kapag nakapag-enroll na tayo. Atleast pa-chill chill nalang tayo." May point din naman pala ako magsalita kung minsan.

Baka kasi isang lingo bago magpasukan magdag-saan ang mga mamimili para mamili 'syempre alangan namang tumambay.' Pero baka kasi magkaubusan ng mga stocks 'pero mall sila imposible yon.' Aish itong konsensya ko masyadong papansin hAh.

"Tara na. Para di tayo gabihin"

SEVERINA'S POV

Naghiwalay kami ni Sab para makapamili kami ng mga bibilhin namin. Nung sinabi ni Sab sa akin kagabi ung pinag-usapan nila mommy at daddy nakaramdam ako ng excitement pero syempre di katulad ng kay Sab na sa sobrang excited na tipong namili muna ng gamit bago mag-enrol kala mo naman mauubusan ng gamit.

Naghati kami ni Sab sa mga bibilhin. Nilista kasi namin para mabilis. Nandito ako ngayon sa book section. Wala naman sigurong masama kung bibili ako kahit di nakalista diba?

"AHA! Found yah" shete bigla bigla namang tumatawag tong si Sab. Binaba ko muna ung libro dun sa may shelves saglit.

"Hello Sev? San ka?" tsk pwede namang magtext bat tumawag pa sayang load 'naka-plan ka diba? Anong load pinagsasabi mo?'

"Book section. Kung tapos ka na mauna kana magbayad. Maghanap ka na din ng makakainan natin dun mo nalang ako hintayin."

Kukunin ko na sana ulit yung libro nang biglang nawala. Asan na yon dito ko lang yon binaba. Peste naman oh isa na nga lang ung libro eh nawala pa. Ako ang nauna tas kukunin ng iba hindi ba nila alam ang kasabihang 'First come, first serve'? Nang lingunin ko ung lalaking palayo nakita ko ung librong hinahanap ko.

"KUYA" di man lang lumingon snobber amputs.

"KUYANG NAGLALAKAD NA MAY HAWAK NA LIBRO" oh edi tumigil kaso di naman tumingin.

Tinakbo ko yung pagitan namin kaso lang kamalas-malas nadapa pa ako ang mas nakakahiya pa nito lumipad ung doll shoe ko shete naman oh. Agaw atensyon ako dito. Great Sev. Great.

Tatayo na sana ako pero tinulungan ako ni Kuya- gahd ang gwapo. Lalake ba talaga 'to? Baka bakla 'to ah o kaya pinsan ko na di ko lang kilala? Kung hindi siya bakla o pinsan ko baka sya na ang man of my dreams ko. Well kung sya man yon pwede na. Inabot nya sakin yung doll shoe ko sya pala ang nakasalo well thank you na rin hehe.

"A-ah K-kuya ung libro po kasi ako po ang nauna dyan eh." Sh*t bat nauutal ako? 'eh sino ba naman ang hindi mauutal kung ganyan ang kaharap mo? good looking, tall ang sharp-featured man for pete's sake with those dark brown eyes and thin lips.'

"Ha? Pardon?" tignan mo to gwapo nga bingi naman.

"Ah sabi ko po ung libro. Ako po nauna dyan." with matchy puppy eyes baka gumana hehe.

"Kung nauna ka bat nasakin na 'to?" sungit naman neto.

"Nakuha ko na po yan kanina kaso binaba ko saglit may tumawag kasi sa akin." Si Sab kasi eh.

"Exactly. Binitawan mo na edi akin na" Ako lang ba? Pero parang double meaning ung sinabi nya. Aish.

"May tumawag nga po kasi sa akin kaya ko binaba saglit." pag eto talaga di napakiusapan nako nako.

"Hindi mo pa naman bayad diba? edi hindi pa sayo 'to" di ba nya alam ung nauna?

"Paano ko nga babayaran kung may tumawag sakin tapos pag balik ko kinuha mo na yung libro?" tignan natin galing mo. Makulit ka kuya ah. Pero syempre mas makulit ako.

"Tsk. Kulit. Still hindi mo pa rin bayad. Kaya akin na 'to. Now kung hindi mo tanggap na nakuha ko na 'to bahala ka." Ang harsh naman neto di ba nya alam ung salitang maginoo?

"Mas makulit ka sinabing ako ang nauna dyan. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan hah?" Kala mo ah. Hindi ako magpapatalo.

"Hey you…." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"…Annoying little girl. You're making a scene here."

Aba naapakan nya na ang pride ko. Una kinuha na nga niya ung librong unang naging aken. Pangalawa masyado syang harsh magsalita. Tas ngayon tatawagin nya akong little girl? Pucha di na kaya ako bata.

"Ugh. Bwisit may araw ka ding BAKLA ka" Emphasizing the word 'bakla' tsaka ko sya tinalikuran. Madami pa namang mall dito na may bookstore baka meron pa akong mahanap na ganon. Ang malas naman ng araw na 'to. Kagigil.

__________

SABRINA'S POV

Tinext ko si Sev kung saan kami kakain. Nasa isang fast food ako kasi mas malapit to dun sa bookstore na pinagbilihan namin ni Sev.

Nakakainis. Ambagal kumilos ng babaeng yon. Speaking of nakakainis naalala ko ung lalaki kanina.

*Flashback*

Sabi ni Sev maghanap na daw ako ng kakainan namin kaya humanap ako ng cuisine na malapit dito.

Ano bang araw ngayon at andaming tao? Halos puno na ung cuisine ng customers

At wala ng maupuan. Lilipat na sana ako ng ibang cuisine ng nakita ko ang pang –apatang upuan sa dulo. Aha swerte naman ng araw na toh.

Uupo na sana ako ng biglang may bumangga sa aken. Aray hah. Hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko ang masama pa nito dire-diretso sya sa table na nakuha ko. Shete naman oh.

"Kuya sorry pero nauna na po ako dito. Lipat ka nalang pong iba." Bingi ata to ah hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Kuya" kinalabit ko na din sya.

"Yes?"

Aba kaya pala hindi ako narining naka earphone naman pala ang gag- gwapo. Teka sinabi ko bang gwapo tong lalaking kaharap ko? 'oo teh gwapo yang kaharap mo bulag ka ba?'

"Sabi ko po nauna po ako dito sa table na 'to. Humanap ka nalang pong iba" lambing na ng boses ko ah baka di pa nya ako pabigyan.

"Sorry? As far as I know this table is for four person and as far as I can see, you're only one so pwede pa rin akong maupo dito. " sabi ko nga pero kasi di ko naman sya kilala tsaka si Sev darating pa.

"Inaantay ko kasi ung kasama ko so.."

"So?" aba tignan mo tong lalaking 'to hindi marunong makiramdam.

"So? Manhid ka ba? Hindi mo ba ramdam na ayokong may kasamang hindi ko kilalang nilalang." Sige kala mo ha paunahan tayong umalis.

"Look miss If you can't stand by with me you can go now. Wala namang pumipigil sayo. And by the way, I'm Jaycee." Kulit neto ah.

"Excuse me Sir, Ma'am? Is there anything wrong?" di ko napansin na may crew na palang lumapit samin.

"Ah yes/None" bwisit sabay pa kami ng lalaking 'to.

"Ah kasi Mr. crew eto kasing lalaking ito ayaw umalis dito eh nauna naman ako."

"Ah sorry Ma'am but this table is reserved by Mr. Salvador. Nakalimutan lang pong lagyan ng reserved." Sabi ng crew sa akin.

"Wala pa naman po sya kaya po siguro pwede pong dito muna ako hihintayin ko lang po ung kasama ko." Antagal naman kasi ni Sev eh.

"Ahm Ma'am nandyan na po sya. Katapat nyo na po si Mr. Salvador." Wews? Sya si Mr. Salvador? Taena naman nakakahiya pinagtitinginan kami dito tas sya pa-chill cill lang? Galing. Sobrang Galing. Kaya naman pala ang lakas magpa-alis kasi sya nag pa reserved. Tsk.

"Sa susunod kasi lagyan nyo ng palatandaan na may nag mamay-ari na para alam ng iba." Sabi ko habang patayo na. Ano pa nga bang magagawa ko. Sya daw si Mr. Salvador. Sya daw nag pa-reserved nito. Edi wow. Just wow. Leche.

*End of flashback*

"Oh Sev andyan ka na pala kala ko nilamon ka na ng bookstore eh." Note the sarcasm.

"Wag na nga tayong kumain. Umuwi nalang tayo. Dun nalang tayo sa bahay kumain. Bwisit" Uh-oh mukang di lang ako ang inis ngayon ah. Kambal ko nga sya. Parehas kaming inis ngayon HAHAHAHAHA.

"Okay, Let's go. Tapos kwento mo sa akin kung anong nangyari at parang pasan mo lahat ng problema sa mundo."

So ayon na nga. Mag leave kayo ng comment kung may gusto kayong i-suggest. Or kung may dapat ba akong baguhin. Happy Reading :)

PS: Every night na po ako mag u-update. Sana po samahan nyo ako hanggang matapos ko ang kwento na 'to.

nelleternallycreators' thoughts
Next chapter