webnovel

Love: Part 3 God Loved Us Endures Forever (Tagalog)

Naniniwala ba kayo sa Forever?

Umm...

Iba't iba ang pananaw ng bawat tao hinggil rito; mayroong naniniwala at mayroong hindi. Hindi naman natin sila masisisi sapagkat sumasagot lang naman sila by their own experience, di ba?

Pero ito... sinasabi ko sa inyo na totoo ang forever!

At ito ay si God at ang love nya sa atin.

Alam naman natin ang story about Jesus Christ di ba? Na pinadala sya upang tayo ay iligtas, na kung sinumang sumampalataya sa kanyang kaisa-isang anak na si Jesu-Cristo ay di mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (Ayon sa John 3:16).

Hindi tayo naligtas dahil inibig natin ang Diyos kundi dahil inibig tayo ng Diyos marapat lang na ibalik natin ito sa kanya (Ayon sa Bible)

Kung iniisip mo na walang nagmamahal sa iyo, para kang basura na inirerecycle, mahina ka, wala kang silbi, patapon ka lang, ipinanganak ka dahil nabuntis ang nanay mo ng kung sinuman, maswerte ka pa kesa sa mga taong pinatay dahil nirape o kesa sa mga sanggol na pinaabort ng kanilang mga magulang. Tandaan mo nariyan si God sa iyong tabi di ka nya iniiwan ni pinababayaan man tandaan mo iyan hanggat humihinga ka. Ang paghinga mo ang isang patunay ng pag-ibig ng Diyos sa iyo. Manalig at magtiwala ka lang sa kanya.