webnovel

Inspiration

Sa, may tindahan

Mahirap kumita ng pera

Minsan ay kauntian

Minsan ay bultuhan.

Sa, may namamasada

Mahirap kumita ng pera

Minsan ay kauntian

Mindan ay punuan.

Sa, may nagsasaka

Mahirap kumita ng pera

Minsan ay maunti ang naaani

Minsan ay marami ang naaani.

Sa, mga labandera

Mahirap kumita ng pera

Minsa'y maunti lang

Minsa'y saksakan ng dami.

Sa, mangangalakal

Mahirap kumita ng pera

Minsa'y mabigat

Minsa'y magaan

Maraming hakwat

Paroo't parito.

Sa, may nangingibang bansa

Mahirap kumita ng pera

Kung di ka tagalinis

Kung di ka magtitinda

Kung di magsasaka o tagapitas ng ani

Kung di ka kakayod

Kung di ka magoopisina

Kung hindi ka manggagawa

Kung di ka mangangalakal

Ay magugutom ka

At ang pamilyang sa iyo'y umaasa.

Sa, mga magbabasura

Mahirap kumita ng pera

Kung di ka maghahakot

Ika'y tagamaneho

Kung di magmamaneho

Tagakalkal ka ng basura.

Sa, mga kusinero

Mahirap kumita ng pera

Kung di ka tagaluto

Tagapaghanda ka'y tagagayat ng lulutuin

Minsan ay mahirap

Minsan ay madali lang

Sa, mga kasundaluhan

Mahirap kumita ng pera

Buhay ay kailangang ialay

Siguridad ng bansa ay kailang bantayan

Laban sa mga terorista

Na nais hamakin at wasakin ang bansa

Gayun rin sa mga kapilisan

At mga bumbero

Kailangang siguraduhing ligtas lahat

Bago kanilang sariling buhay.

Sa, mga nurse at doctor

Mahirap kumita ng pera

Kailangan mabusisi

At sigaduhin ligtas ang mga pasyente

Ano man ang trabaho

Gaano man kahirap ang trabaho

Basta para sa pamilya

Para sa minamahal

Para sa bayan

Para sa pangarap

At para sa Panginoon

Ay kayang tiisin ng isang individual

Makamit lang ang inaasam asam

Na kaunlaran at kaligayahan.