webnovel

Hikbi ng Labi mula sa Masidhing Damdamin

Alam kong alam mo, mahal kita; mahal na mahal

Di ko man naipakitang lubos sa'yo,

Ngunit ito'y nakakintal sa'king puso,

Ang pag-ibig ko sa'yo aking ama.

Kung maibabalik ko lang ang mga kahapong lumipas,

At alam kong ika'y malapit nang humimlay,

Susulitin ko pagkakataong ika'y kapiling pa,

Kaso hindi eh, wala ka na! wala ka na! wala ka na!

Alam mo bang nawasak lahat ng pangarap ko,

Gumuho lahat!

Tila isang matibay na haliging biglang bumagsak,

Wala na, wala na, wala na akong magagawa.

Sapagkat ika'y lumisan na!

Pangarap ko ikaw ang maging engineer ng pinapangarap na itayong bahay,

Isa ka sa magdidisenyo at magpaplano,

Maging gagawa nito'y isa ka rin.

Patawad aking ama, patawad!

Patawad, di ko napadama man lang sa'yo,

Kung gaano kita kamahal,

Di ko man lang nabigkas sa'yong harapan ang salitang "Ama mahal kita!"

Bagamat gayon ang nangyari,

Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon,

Pagkat di nya kami pinabayaan,

Oh, paano ba yan paalam na.

Paalam na aking minamahal na ama,

Paalam na, paalam na,

Salitang di madaling sambitin o bitawan para sa taong di madaling pakawalan,

Pero wala ka na, nakahimlay ka na.

Salamat nga pala sa lahat at sa mga pasalubong, at muli paalam.