webnovel

Di Masambit ng Labi...

Halika kaibigan samahan mo ako,

Di mo man ako kilala,

Di man rin kita kilala,

Pero isa lang ang masisiguro ko sa iyo.

Yon ay ang makilala ko sa iyo si Jesu-Cristo.

Sya ang Diyos na makapangyarihan,

Sya'y di bulag, di bingi, at di pipi.

Handang makinig sa'yong mga karaingan.

Mabigat na problema'y handa nyang sulusyunan,

Maging ano man ang iyong pinagdadaanan ay kaya nyang ayusin,

Lumapit ka at humingi sa kanya ng tawad,

Huwag kang mahihiya, ni maduduwag o matatakot man.

Sapagkat lagi syang nariyan sa'yong tabi,

Di ka nya iiwan ni pababayaan man,

Manalig, magtiwala, at kumapit ka lang sa kanya,

Pagkat handa syang tumulong, sumagip, magligtas-sa iyo, sa akin, ng lahat ng lumalapit at inilalapit sa kanya.

Tanggapin mo sya bilang iyong personal na panginoon at tagapagligtas,

Sapagkat di ka nya hahatulan,

Bagkus ililipat ka nya sa buhay mula sa kamatayan;

At ituturing ka nyang anak.

At mababahagi ka sa kaharian ng nya,

Ngunit ang sinumang sa kanya'y mapalayo,

Tunay ngang mapapahamak.

Pagkat sya ang kaisa-isang nagbigay buhay at kayang bumawi rin nito.