webnovel

A Mother's Sacrifice

A Mother's Sacrifice❤️

"Ma!lagi nalang tuyo!nakakasawa na!"sigaw ng Kuya ko kay Mama habang binabato ang pagkaing nasa plato niya yumuko naman ako ng unti at niyakap si Mama

"Sorry Anak,yan lang kasi kaya ni Mama eh"sabi nito kay Kuya ngunit biglang lumapit si Kuya na ikinabigla ko

Inalis ni Kuya ang pagkayakap ko kay Mama at nakita ko naman ang takot sa mata ni Mama ng sakalin siya ni Kuya

"Sa susunod mag luto ka ng masarap di yang pagkain ng mahihirap!"sigaw nito at umalis ng bahay dali dali ko namang niyakap si Mama habang umiiyak

Nakita ko ang awa ng aking Ina saakin...

Lumipas ang ilang araw kinausap ako ng aking Ina na mangingibang bansa muna siya na ikinalungkot ko

"Ma..kailangan po ba talaga yan?"malungkot na tanong ko at tumango si Mama habang inaabot ang isang piraso ng papel

"Anak bubuksan mo yan sa nakatakdang panahon ah"sabi nito at tumango naman ako

Lumipas ang pitong taon...ako'y labingdalawang taong gulang na ngunit wala parin si Mama ng bigla akong nakrinig ng tawag mula sa telepono at sinagot ko naman ito

"Is this the family of Mrs.Romero?"tanong nito saakin na ikinatakot ko na baka may masamang nangyare

"Yes"Sagot ko naman

"She's dead.."that's the word that make me burst into tears dali dali ko namang kinuha ang papel na binigay niya saakin noon at binasa ito

'Anak...kung di man ako makabalik may naipon akong pera na panggastos niyo....patawad aking Anak...'