webnovel

Talaga bang Siya ang Pinaka Walang Kwentang Guro?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Noong una, wala silang laban sakin nung pinagtulungan nila ako… Pero, nang mga oras na yun, dumating si Zhang laoshi. Tinuruan niya sila ng tatlong galaw at sa di malamang dahilan, parang biglang lumakas ang bawat isa sa kanila. Ang unang lumaban sakin ay si Yuan Tao…"

Ipinaliwanag ni Zhu Hong ang lahat ng nangyari kanina. Ipinakita din niya ang tatlong galaw na itinuro ni Zhang Xuan sa kanila.

Nang marinig niya ang kwento ni Zhu Hong at ang tatlong galaw na ipinakita niya sa kanila, hindi makapaniwala sila Lu Xun at Elder Mo at nagkatinginan na lamang sila. Pinagdudahan nila na baka pinaglalaruan lamang sila ng mga tenga nila, at namutla ang balat nila na kagaya ng sa isang taong natatae.

"Ibig mo bang sabihin… yung Yuan Tao na pinaka mababa sa entrance examination? Itong tatlong galaw lang na 'to tapos… Hindi mo na siya kayang tapatan?"

[Pinagloloko mo ata kami!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com