webnovel

Sandali lang, Patataasin ko Muna Ang Cultivation Ko!

Editor: LiberReverieGroup

Pero sulit pa rin ang lahat. 

Nahati sa dalawa ang kanyang kaluluwa, pero nararamdaman niya ito pareho na para bang nahati ang kanyang pagkatao. Kahit na bumaba ngayon ang kanyang lakas sa pakikipaglaban, lalakas naman siya ng todo kapag magaling na siya. 

Higit pa roon, dahil konektado ang pag-iisip ng dalawa at kaya nilang mag-usap gamit lang ang kanilang isip, kapag nagkaisa sila, ang lakas nila ay hindi lang parang sa dalawang tao. Sa tamang pagkakaisa, pwede itong maging tatlo, apat, o pataas pa. 

Higit pa rito, ang kalahati rin ng kanyang kaluluwa ay kaya ring mag-cultivate. Habang tumatagal ay lalakas rin ito. 

"Oras na para magsimula!" 

Ang kaluluwa ay tumingin sa orihinal na katawan at ngumiti bago ito tumakbo papunta sa Nine Heart Lotus. 

Hu! 

Nang nalapitan nito ang lotus, nakaramdam ito bigla ng malakas na pwersa na humihila sa kanya papunta sa madilim na espasyo. 

"Master..."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com