4 Sampal sa Mukha

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ako ay..."

Dahil sa pagdagundong mula sa Library of Heaven's Path napako ang kanyang atensyon sa kanyang isipan. Higit pa dito, hindi rin naman niya talaga alam kung ano ang punching routine na ipinakita ni Liu Yang, kaya paano naman siya makapagbibigay ng payo dito!

"Gurong Zhang, pakiusap sabihin mo sakin ang aking mga kahinaan!"

Lumapit si Liu Yang at yumuko sa harap ni Zhang Xuan.

Sa isang banda, napakurap ang mga mata ni Wang Ying. Nais niya kasing makita kung ano ang gagawin ng 'ekspertong' nakilala niya.

"Keng!"

Napako ang atensyon ng lahat sa kanya. Alam niyang kapag hindi siya magsasalita agad, siguradong mapapahiya siya. Bago pa man makapagsabi ng kung anu-anong kalokohan si Zhang Xuan, bigla niyang naalala ang mga kahinaan ni Liu Yang na nakasulat sa librong nakuha niya sa library.

Hindi niya alam kung totoo ba ang mga nakasulat sa librong iyon o hindi. Ngunit, sa kanyang kasalukuyang sitwasyon, napakaimposibleng makaisip siya agad ng palusot niya. Kaya naman, naglakas loob na lamang siyang sabihin ang kanyang mga nabasa, "Maraming pagkakamali at kahinaan ang iyong punching routine, 12 lahat ito!"

"Haha, anong sabi mo, may 12 pagkakamali sa ginawa ko? Tama ba ang narinig ko!"

"Iyan ang pinaka-nakakatawang biro na narinig ko!"

"Hindi man masyadong advanced ang aking Soaring Flower Fist, pero ito ang pinaka-karaniwan sa lahat ng mga technique sa buong kaharian at tinaguriang ang Basic Fist. Makalipas ang ilang libong taon ng pagpapasimple at paghasa rito, kahit na hindi man ito matatawag na perpekto, paano mo naman nasabi na mayroon itong 12 kahinaan?"

"Kalokohan! Malamang wala siyang kahit anong makitang mali, kaya kung anu-ano na lamang ang pinagsasabi niya!"

. . . . . .

Noong una ay taimtim na nag-iisip ang lahat ng manonood kung ano ang sasabihin ni Zhang Xuan. Ngunit nang marinig nila ang mga sinabi niya, biglang bumunghalit ng tawa ang lahat.

Ang Soaring Flower Fist ay isa sa mga pinaka-simpleng punching routine ng kaharian ng Tianxuan. Ito ay katulad ng Taizu Changquan, hangga't ikaw ay nag-aaral ng martial arts, kailangan mo munang matutunan ito. Matapos ng ilang libong taon ng pagpapasimple at paghasa rito ng mga eksperto, kahit na hindi man ito gaanong malakas, isa pa rin ito sa mga technique na kaunti lamang ang kahinaan. Higit pa dito, ito ay tinawag na 'Flawless Fists' ng mga tao.

Para sabihin niyang may 12 kahinaan ang punching routine na ito... Anong klaseng kalokohan ito!

Kung isasantabi ang katotohanang zero ang nakuha niya sa Teacher Qualification Examination, at kahit na ang punong guro pa ang tumingin, wala siyang makikitang kahit anong pagkakamali rito!

"Oh? Para masabi mong mayroong 12 na kahinaan ang Soaring Flower Fists, tunay nga namang isa kang henyo gurong Zhang. Pakiusap, paliwanagin mo ang mga isip namin!"

Hindi inaasahan ni Cao Xiong ang mga sinabi ni Zhang Xuan. Nagning-ning ang kanyang mga mata sa tuwa. Kaya naman sinadya niyang sabihin ang mga iyon para gipitin si Zhang Xuan.

*

Kahit na kung anu-ano pa ang narinig niyang pinagsasabi ng mga tao, nanatiling kalmado si Zhang Xuan. Ganon pa man, hindi niya mapigil ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na gagamit si Liu Yang ng isang technique na alam ng lahat.

Malamang alam rin ito ng dating Zhang Xuan. Pero dahil isa nga siyang transcender, hindi pa tuluyang nagsasanib ang kanilang mga alaala!

Ganon pa man, kahit na isa siyang librarian sa previous life niya, isa pa rin siyang transcender at ibang-iba ang kanyang mga nalalaman kaysa sa dating Zhang Xuan. Dahil nga makapal ang mukha niya, nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Bakit, di ka ba naniniwala? Hindi naman sa dahil ayaw ko siyang turuan, pero lahat kayo ay walang tiwala sakin. Dahil ayaw mo namang sundin ang sinabi... Hindi mo ako masisisi! Wang Ying, tara na. Walang patutunguhan ang lahat ng ito!"

"Sandali lang, naniniwala kami sayo! Pakiusap ituloy mo ang sinasabi mo!"

Dahil nakita niyang aalis na si Zhang Xuan, agad siyang pinigilan ni Cao Xiong.

Napansin niyang sinasadya ni Zhang Xuan na magsabi ng mga di kapani-paniwalang bagay, para hindi maniwala sa kanya ang mga tao at gawin itong dahilan para makatakas. Ganon pa man, hindi madali para sa kanya na magkaroon ng ganitong pagkakataon para makaganti, kaya bakit naman niya palalampasin pa ito!

"Ano ba naman to..."

Dahil alam niyang di siya makakatakas, napilitan na lamang si Zhang Xuan na basahin muli ang libro.

"Bahala na!"

Dahil alam niyang hindi na siya makakapagpalusot pa, muli niyang binasa ang mga nakasulat sa libro. Napako ang atensyon niya sa huling nakasulat dito at nagsalita, "Bakit hindi mo subukang gamitin ang kaliwang kamay mo sa punching routine mo, pagkatapos patamaan mo uli ang haliging iyon!

Dahil isa itong regalong natanggap niya bilang isang transcender, posibleng maging tama ang mga nakasulat dito. Kahit naman mali ang mga nakasulat sa libro, wala naman din siyang maisip na pwede niyang idahilan para makalusot sa sitwasyon niya ngayon.

"Gamitin ang kaliwang kamay ko?"

"Maituturing ba itong pagpayo?"

"Anong kalokohan to. Alam ng lahat na karaniwang mas mahina ang kaliwang kamay ng isang tao. Kapag ginawa niya ang routine gamit ng kaliwang kamay niya, siguradong masisira ang buong punch routine niya?"

. . . . .

Biglang nagkagulo ang mga tao matapos ang panandaliang katahimikan. Tiningnan nilang lahat ng masama si Zhang Xuan.

Alam ng lahat na mas mahina ang kaliwang kamay kaysa sa kanan. Dahil sa matinding lakas na ipinakita ni Liu Yang, imposibleng maging left-handed siya. Para gamitin niya ang kaliwang kamay niya... Anong klaseng kalokohan to?

"Liu Yang, subukan mo ang sinasabi ni gurong Zhang para matapos na to!"

Hindi inaasahan ni Cao Xiong na sasabihin iyon ni Zhang Xuan. Sa sobrang tuwa niya, halos mapatalon na siya, pero nakapagbigay pa rin siya ng utos kay Liu Yang.

Kahit na katatanggap niya pa lang kay Liu Yang bilang estudyante, sigurado siyang right-handed si Liu Yang. Kung gagamitin niya ang kanyang kaliwang kamay, siguradong kahit sa 30kg ay hindi iyon aabot!

Kapag ang isang estudyante ay nakakuha ng 62kg bago pa man turuan ng isang guro, at makakuha siya ng 30kg matapos siyang turuan, siguradong masisira ang reputasyon ni Zhang Xuan dahil dito.

Tignan lang natin kung kaya niya pa ring magyabang!

"Opo!" Ang sabi ni Liu Yang at nagpatuloy sa kanyang routine.

Alam niya sa sarili niya na hindi siya left-handed. Kaya naman ang pagpapagamit sa kanya ng kaliwang kamay niya sa isang technique... Ay isang kalokohan!

Ang Soaring Flower Fist ay ang basic fist na pinag-aaralan niya mula noong bata pa siya. Kahit na hindi siya sanay sa pagsasalitan ng kaliwa at kanan, nagawa niya pa rin ito. Kahit na ang lakas ng suntok niya ay nakagawa ng malakas na hangin, mukhang mas mahina ito kumpara sa una niyang ginawa.

"Posible kayang... ang natanggap ko bilang isang transcender ay kalokohan lang?"

Kinabahan si Zhang Xuan.

Ang ibang mga transcender ay nabibigyan ng isang lolo na nakakatulong sa kanila. Hangga't sinusunod nila ang sinsabi ng kanilang lolo, siguradong wala silang magiging problema. Pero library lang ang nakuha niya na maraming nakakalitong nakasulat sa mga libro doon. Kung sakaling mali ang nakasulat sa libro, siguradong mapapatalsik siya sa paaralan!

Hu!

Biglang lumitaw ang mga numero sa haligi.

"One. Haha, tignan mo nga naman, mababa pa ito sa inaasahan..."

Nang lumitaw ang numerong '1' dito, biglang natawa si Cao Xiong. Pero bago pa man siya makatapos sa sinasabi niya, bigla siyang napahinto. Halos malaglag ang mga mata niya sa pagkagulat.

"123?"

"123kg?"

Di malaman ng mga tao ang gagawin sa sobrang pagkagulat.

Kanina lang, 62kg lang ang lakas ng suntok ni Liu Yang pero ngayon bigla itong umangat sa 123kg, halos doble ito ng lakas niya kanina! Ito ay umangat ng halos 100%!

Totoo ba ito?

Kahit na ang nangungunang guro sa Teacher Qualification Examination sa buong campus, sa kanyang unang pagtuturo, imposibleng mapaangat ang lakas ng kanyang estudyante ng halos doble ng kasalukuyang lakas nito!

"Ako ba talaga ang gumawa nito?"

Kahit na mismong si Liu Yang ay nagulat.

Natulala siya sa haligi matapos makita ang resulta.

Alam niyang hindi siya left-handed. Pero ni minsan ay hindi niya naisip na mas malakas ang kaliwang kamay niya! Doble ang lakas nito kumpara sa kanang kamay niya!

Nagulat ang lahat ng tao. Halos mapatalon sa sobrang tuwa si Zhang Xuan dahil sa nangyari.

"Totoo nga!"

Dahil dito, napatunayan niyang totoo ang lahat ng nakasulat sa librong nakuha niya sa kanyang library.

Para masukat ang kakayahan ng isang tao at ang mga kahinaan nito... Ang regalo niyang ito bilang isang transcender ay siguradong kayang pantayan ang langit!

"Pano ba yan? 20% lang ang resulta ng pagtuturo mo habang 100% naman ang sakin. Gurong Cao, may gusto ka pa bang sabihin?" ang sabi ni Zhang Xuan.

"Ang masasabi ko lang ay..." namutla si Cao Xiong dahil sa sobrang gulat at kahihiyan.

Noong una, ipinilit niya ang kompetisyon na ito para ipahiya si Zhang Xuan. Pero sa huli, siya ang napahiya dahil sa sarili niyang kagagawan.

Kumuha siya ng isang jade token sa bulsa niya, pagkatapos ay kinagat niya ang daliri niya at pinatulo niya sa token. "Liu Yang, pinuputol ko na ang ugnayan natin bilang estudyante ko. Maaari ka nang sumama kay gurong Zhang para maging estudyante niya!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin siya kay Zhang Xuan at sinabing, "Hindi mo kailangang magyabang. Swinerte ka lang ngayon. Sa susunod na magtunggali tayo, sisiguraduhin kong mapapahiya ka..."

Pagkatapos ay umalis na siya.

Dahil dito, hindi lamang nadungisan ang reputasyon niya, nawalan pa siya ng isang estudyante at napahiya pa siya.

Malaking bagay na ang matalo siya ng ibang mga guro. Pero ang totoong problema dito ay natalo siya ng gurong nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, ang pinaka walang kwentang guro sa buong akademya...

"Guro, guro..."

Nalungkot si Liu Yang nang makitang umalis si Cao Xiong.

Kahit na nakakuha siya ng magandang resulta sa ilalim ng pagtuturo ni Zhang Xuan, gaya ni Cao Xiong, naniniwalang swinerte lamang si Zhang Xuan. Hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Zhang Xuan.

"Estudyante na kita ngayon. Bilisan mo at ilabas mo ang iyong identity card!"

Walang pakialam si Zhang Xuan sa iniisip niya. Dahil sa pagkapanalo niya, nagkaroon siya ng panibagong estudyante, kaya naman abala pa siya sa pagsasaya niya. Naghagis siya ng jade token kay Liu Yang.

Kahit na ayaw ni Liu Yang na maging estudyante ni Zhang Xuan, alam niyang kailangan niyang sundin ang resulta ng kompetisyon. Kapag hindi niya kinilala si Zhang Xuan bilang kanyang guro, siguradong hindi na siya tatanggapin ng iba pang mga guro. Kaya wala na siyang nagawa kundi ipatak ang kanyang dugo sa jade token upang kumpirmahin ang kanilang kasunduan.

"Magkita tayo dito para sa inyong mga leksyon!"

Wala nang masyadong sinabi si Zhang Xuan pagkatapos niyang asikasuhin si Liu Yang. Tumingin siya kay Wang Ying at sinabi ang mga katagang iyon bago siya lumabas ng canteen.

Pagbalik niya sa kanyang silid aralan, nag-isip ng malalim si Zhang Xuan at bumalik sa Library of Heaven's Path para pag-aralan ito.

Unti-unting naintindihan ni Zhang Xuan ang ilang bagay tungkol sa library na ito matapos niya itong pag-aralang mabuti.

Sa tuwing may magpapakita sa kanya ng mga estilo or martial arts skills, gagawa agad ang library ng libro tungkol sa mga kahinaan nito.

"Haha, napakaswerte ko talaga ngayon! Gamit ang library na ito, madali kong malalaman ang mga kahinaan at pagkakamali ng isang tao sa isang tingin lang. Hindi ako naniniwalang makakakuha pa ako ng zero sa susunod na Teacher Qualification Examination!"

Napuno ng saya ang puso ni Zhang Xuan. Bilang isang transcender, ngayon lang siya nakaramdam ng saya at sigla na harapin ang kinabukasan.

Taizu Changquan = nangangahulugang Ancestor Long Fist.

Isang maikling pasimula tungkol sa Long Fist: Ito ay isang close-combat skill na nakatuon sa pag-unat ng mga braso at binti hanggang sa maximum na kakayanin ng mga ito. Ito ay isang napaka agresibong istilo na may motto na 'ang pinakamagandang depensa ay isang mahabang opensa'. (Source: Wikipedia)

Ang Taizu Changquan ay kilala bilang isa sa 6 na Great Long Fists sa China. Marami itong pangalan (depende ito sa rehiyon) pero ito ay maayos at tanyag, at nakaimpluwensya din ito sa iba pang mga fist techniques sa hinaharap, kaya ito nabansagang 'Mother of a Hundred Fists'. (Source: Baidu)

avataravatar
Next chapter