webnovel

Pagtuturo ng Sword Art

Editor: LiberReverieGroup

"Ito ay…" 

"Sobrang lakas…" 

Nang marinig nila ang boses at makita ang malaking uka sa kanilang mga harapan, ang lahat ng kulay sa mga mukha ng mga taong kasalukuyang naririto ay nawala. Sa oras na iyon, nanahimik ang buong lugar. 

Hindi si Sect Leader Bai ang pinakamalakas sa kanila, pero lalong hindi rin siya ang pinakamahina. Hindi lang iyon, siya ay kilala sa kanyang bilis. Kahit na si Sect Leader Luo Huang ay nahuhuli sa kanya pagdating sa karera. 

Pero… kahit na gaano pa siya kabilis ay napatay siya sa loob ng kalahating segundo…

Hindi lang iyon, hindi man lang gumalaw si Yang shi mula sa kanyang kinakatayuan. Kahit na nangyari ito sa kanilang harapan, walamg kahit sino sa kanila ang nakaalam kung paano niya napatay si Sect Leader Bai, at kung paano nagawa ang malaking uka na ito sa lapag. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com