Hindi kalayuan ang advanced tier book collection vault ng Apothecary Guild mula sa lugar kung saan sinagawa ang Pill Debate. Ilang hakbang lamang ay nakarating na sila doon.
"May kabuuang sampung opisyal na apothecary sa Apothecary Guild ng Tianxuan Kingdom. Karamihan sa kanila ay nagpupunta lang dito para magbasa ng mga libro kapag nakatagpo sila ng isang napakahirap na katanungan. Dahil dito, madalas na walang tao sa lugar na ito. Anu't anuman, huwag kang mahiyang kunin ang kahit anong libro na gusto mong basahin!" Ang sabi ni Ouyang Cheng, kasabay ng pagbukas niya ng pinto.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Zhang Xuan bago siya pumasok sa silid.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com