webnovel

Nagtuturo ng Leksyon si Zhang shi!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ang katanungan ni Yao shi, nagsitinginan lahat ang mga tao.

Narinig nila ang naunang sinabi ni Song shi kanina. Hindi lang niya gustong baugin si Zhang Xuan, gusto rin niyang patayin ang Golden Origin Cauldron at humingi ng tawad si Zhang Xuan sa harap ng maraming tao.

Kung ikokonsidera ang pagbaliktad ng mga pangyayari, gusto nila tuloy malaman kung paano haharapin ni Zhang Xuan ang sitwasyong ito.

Dahil sa inasal kanina ni Song shi, kahit na anong parusa na ibibigay ni Zhang Xuan sa kanya ay hindi maituturing na pagmamalabis.

At sa oras ding yun, itinikom ni Song shi ang kanyang mga kamao habang kabadong hinihintay ang desisyon ni Zhang Xuan.

Ang matatalo sa Master Teacher Confrontation ay kailangang sundin ang anumang nais ng mananalo. Ito ang patakaran na nilikha ng Master Teacher Pavilion. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com