"Hindi koi to hahayaang mangyari..."
Umiling si Zhang Xuan.
Kung mangyayari ito, malilito siya sa kanyang katauhan.
Subalit, kung hindi niya kikilalanin ang isa sa kanya bilang kanyang guro, hindi siya magiging isang assistant master teacher at dahil dito, hindi siya magiging karapat-dapat na makuha ang master teacher examination.
Sumasakit na ang kanyang ulo habang iniisip pa lang ito.
"kalimutan mo na. hindi ko na muna ito iisipin ngayon. Subalit, mabuti rin ang makilala ang tatlong master teacher bilang si Zhang Xuan. Una, kailangan kong maging malapit sa kanila. Ikalawa, matatanong ko sa kanila kung bakit may poison aura sa aking katawan!"
Matapos ang sandaling pag-iisip, nakapagpasya na si Zhang Xuan.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com