"Ah?"
"Masyado mong napwersa?"
Nagulantang sina Court Chief Wu, Pavilion Master Kang, at lahat nang nandun.
Napangiwi si Ruohuan gongzi, at muntik na siyang himatayin.
Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung bakit nabigo sa pagsubok na iyon si Zhnag shi. Kaya, ito pala ang tunay na dahilan... Nauna na pala niyang higupin ang seed water hanggang sa natuyo ito, kaya nawalan na ng silbi ang Yin-Yang Lake... Sa puntong ito, kailangan pa ba niyang makapasa sa pagsubok?
Para isipin na humahanga siya rito kanina dahil sa pagtanggap nito sa kaniyang pagkatalo... Kung titignan ito ngayon, wala talaga siyang hiya!
Anong gagawin natin at ngayong tinuyo mo na ang seed water?
Naiiyak na tuloy si Ruohuan gongzi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com