webnovel

Heaven's Path Golden Body

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sulok ng silid, makikita ang mga kolumpon ng mga patong patong na libro na tungkol sa mga cultivation technique na nakasalansan sa eskaparate. May mga libro din tungkol sa Fighter 1-dan,2-dan,3-dan at 4-dan. At kaparehas ng sa Hongtian Academy, kung gaano kataas ang antas nito, ganun naman kaunti ang tungkol dito. At kung libro naman tungkol sa Fighter 6-dan,nasa sampu lamang ang bilang nito. 

"Kaunti man ang bilang ng mga libro dito, pero ayos na din kesa sa wala!"

Noong una,inisip niya na magiging katulad ito ng sa Compendium Pavilion at makakahanap siya ng kung hindi daan daan ay libu libong mga aklat na pwede niyang pagpilian.Ngayon malinaw na sa kanya na masyado lang siyang nag-iisip.

Subalit, pagkatapos niyang mag-isip ng malalim, ang dahilan sa pagkakaiba ng dalawa ay naging malinaw. Ang lahat ay may magkakaiba ang pangangatawan,at dahil dito, magkakaiba ang cultivation technique na angkop sa magkakaibang tao. Kaya, malinaw na kinailangan ng akademya ng madaming bilang ng libro upang masiguro na merong sapat na mapagkukunan ang mga guro ng ituturo nila sa kanilang mga estudyante, at mapalawak ang kanilang kaalaman.

Subalit, para sa isang indibidwal, sila ay nangangailangan lamang ng isa o dalawang cultivation technique na nababagay sa kanila. Maituturing na malaking koleksyon ang pagkakaroon ni Lu Chen ng sampung libro tungkol sa mga Fighter 6-dan cultivation technique.

Pumulot siya ng sampung libro, sinimulan na niyang buklatin ang mga ito, hualala, at pagkatapos ay biglang sumulpot ang mga libro na katulad ng mga ito sa kanyang isipan.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang mga cultivation technique na nandito?"

Nagtatakang tanong ni Master Lu Chen pagkakita niya sa gawi ni Zhang Xuan na pagkatapos nitong kunin ang libro, saka nito bubuklatin at ibababa ng hindi man lamang binabasa ng maigi ang mga nilalaman nito.

"Hindi naman sa ganun, nagtitingin lang ako!" At sabay iling ni Zhang Xuan. Pagsilip muli ni Zhang Xuan sa paligid, napagtanto niya na ito lamang ang mga libro dito. Papalabas na sana siya ng silid ng bigla niyang napansin ang kolumpon ng mga libro na nakalagay di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Sa kanyang pagtataka, nagtanong si Zhang Xuan, "Ito ay mga..."

"Ah, ang mga iyan ay iniwan ng walang kwentang anak ko! Hilig niyang magpalakas ng katawan, kaya nangolekta siya ng ilang libro tungkol sa pagpapalakas ng katawan! Katunayan, pumunta pa siya sa Book Collection Vault ng kaharian at inilipat ang mga libro dito!" Pilit na ngumiti si Master Lu Chen. "Sa cultivation ng isang fighter, ang zhenqi[1] ang pinaka mahalaga sa lahat. Ang katawan ay maliit lang ang papel sa pagku-cultivate, at hindi ko na ito dapat sinasabi pa!"

Kahit na merong tinatawag na Pigu realm, na nagpapalakas sa buto't balat sa cultivation ng isang fighter, mahalaga pa din ang zhenqi. Magiging tunay na malakas lamang ang isang fighter kung puro at malinis ang zhenqi nito.

Sa mga mata ng mga cultivator, ang katawan ay isa lamang kagamitan sa kanilang kalakasan, at hindi ito masyadong mahalaga!

"Maaari ko bang tignan?"

Pagkakita niya sa libu-libong libro tungkol sa pagpapalakas ng pisikal na pangangatawan, nakaramdam ng kaunting galak si Zhang Xuan. Dahil dun, hindi natiis ni Zhang Xuan na hingin ang pahintulot ni Master Lu Chen para mabasa ang mga ito.

Nasa kanya ang Library of Heaven's Path, kaya hindi na niya kailangan na nasa kanya mismo ang mga cultivation technique. Kapag sapat ang dami ng mga libro dito, saka lamang niya magagawang salain ang mga kakailanganin niya at mapipili niya kung alin ang tama at mali, at makukuha niya ang mga kapaki-pakinabang na mga parte ng mga ito.

Kahit na mukhang hindi importante ang pagsasanay ng katawan, at kahit na hindi siguradong mapapabilis nito ang paglakas ng isang tao, kung merong ganitong karaming libro para maitama ang mga mali at mahanap ang tamang daan, ang epekto ay maaring maging maganda.

At sa kabilang banda, dahil kulang ang libro ni Master Lu Chen tungkol sa mga 6-dan cultivation technique para mapaangat ang kanyang cultivation realm, minabuti na lang niyang basahin ang mga ito. At baka makakuha pa siya ng mga ideya mula sa impormasyon na nakapaloob dito.

"Sige lang, aking kapatid!" Sabay ngiti ni Master Lu Chen.

Dahil nadala na Master Lu Chen si Zhang Xuan sa loob ng silid, hindi na siya nag-atubili pa, at pinayagan na niya si Zhang Xuan na basahin ang mga ito.

"Hindi na pala ako magpipigil!" Tumango si Zhang Xuan at naglakad papunta sa salansan ng mga libro. Parang katulad ng kanina, piangbubuklat lang niya ang mga ito.

Hualala! Hualala!

"Siya ay..."

Biglang nagtaka si Master Lu Chen sa ginagawa ni Zhang Xuan.

[Akala ko ba gusto niyang mabasa ang mga libro? Anong ginagawa niya at binubuklat lang niya ang mga ito?

Hindi kaya... Hindi niya nagustuhan ang mga ito?

Kung sabagay. Dahil sa naghahanap siya ng mga libro tungkol sa mga Fighter 6-dan cultivation technique, siya marahil ay isa nang Fighter 5-dan pinnacle. Kung titingnan ang antas ng kanyang lakas, siya marahil ay nakaabot na sa Pigu realm, at wala na siyang pakialam kung sanayin niya pa ang kanyang katawan o hindi.

Marahil, sinilip lang niya ito ng dahil gusto lang niyang usisain ang mga ito.]

Nang maisip niya ito, hindi na siya nangialam pa. Pinulot na lang niya ang isang painting na iniwan ng isang Master at sinuri ito ng mabuti.

Natapos buklatin ni Zhang Xuan ang salansan ng mga libro sa loob lamang ng sampung minuto.

"Ang tamang paraan sa cultivation!"

Libu-libong libro ang sumulpot sa silid aklatan. Nanginig ang isipan ni Zhang Xuan at nabalot ito ng liwanag. Pagkatapos ay isang perpektong aklat ang nabuo sa kanyang isipan.

Kaparehas ng mga cultivation technique na nauna, nakapaloob sa libro ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga tamang pamamaraan na nakasaad sa libu-libong libro.

"Masilip ko nga 'to..."

Pagbuklat niya ng libro, isang linya ang nakapukaw ng kaniyang isipan.

"Ang zhenqi ay parang tubig, na kung saan ang katawan ay ang sisidlan na naglalaman nito. Kapag matibay ang sisidlan, mas madaming mailalagay na tubig, at mas mataas ang magiging kalidad nito..."

Ang paunang salita ay nagbigay linaw sa kaniya.

"Tama!"

Umilaw ang mga mata ni Zhang Xuan.

Noon, ang pag-iisip niya ay katulad ng sa iba. Pakiramdam niya ay walang saysay kung iku-cultivate niya ang kanyang katawan, at ang importante ay ang cultivation ng kanyang zhenqi.

Saka lang niya napagtanto kung gaano kababaw ang kanyang pag-iisip.

[Kapag nawala ang balat ng isang tao, saan kakapit ang kanyang buhok?

Parehas ito ng relasyon sa pagitan ng zhenqi at ng katawan. Tanging isang malakas na pangangatawan ang kayang tumagal sa malakas na pwersa ng zhenqi para mas mapalakas pa ito.] 

Nang maramdaman niya na parang may nagbukas na pinto sa kaniyang harapan, hindi mapigilan ni Zhang Xuan na basahin pa ito. Habang mas marami ang nababasa niya, lalo pa siyang ginaganahang magbasa. Ang zhenqi ng kanyang katawan ay biglang dumaloy ng naaayon sa nakasaad sa libro ng di niya namamalayan.

Geji! Geji!

Dahil sa pagdaloy ng kanyang Zhenqi, ang kanyang katawan na hindi naman mahina sa simula, ay nagbagong anyo namang muli. Ang mga hibla ng kanyang laman ay kumapal at ang kanyang balat ay lalong tumibay. Ang kanyang katawan ay nagbago at lalong lumakas.

Kacha! Kacha!

Habang ang kanyang isipan ay nakatuon lamang sa nilalaman ng libro, walang kamalay-malay si Zhang Xuan sa malaking pagbabago ang nangyayari sa kanyang katawan. Para bang isang imprastraktura ang nabuhusan ng tunaw na bakal, ang kanyang katawan ay naging isang malakas na sandata na mas malakas pa sa pangkaraniwang tao.

"Katulad ng inaasahan sa isang technique na nasala ng library, ito'y napakalakas! Simula ngayon, ito'y tatawagin kong Heaven's Path Golden Body!"

Isang oras ang lumipas.

Natapos na ni Zhang Xuan ang libro. Umikot sa buo niyang katawan ang kanyang zhenqi nang naayon sa nakasaad na mga paraan sa libro. 

Weng!

Pagkatapos niyang pangalanan ang libro, umilaw ng napakaliwanag ang libro at apat na salita ang lumitaw sa pabalat nito 'Heaven's Path Golden Body!'.

"Sa susunod, magsasanay ako gamit ng paraang ito nang maayos... Un? Tapos na akong magsanay?"

Pagkatapos niyang basahin ang libro, kung kailan nakapagdesisyon na niyang magcultivate gamit ang paraan na ito pagbalik sa akademya, ay napagtanto niya na natapos na niya ng di namamalayan ang cultivation ng katawan niya habang binabasa ito.

Sa madaling salita, na-master na niya ang body enhancement cultivation technique.

"Walang pagkakamali sa cultivation technique ng Heaven's Path, kaya mabilis lamang ang pagsasanay nito. Kahit na alam ko na ito, hindi ko inakala na mamamaster ko ang Heaven's Path Golden Body ng di ko namamalayan..."

Kaakibat ng kanyang karanasan sa Heaven's Path Divine Art, alam na niyang madali at epektibo magcultivate gamit ang isang perpektong cultivation technique, kaya inasahan na niya na hindi magiging mahirap ang cultivation ng Heaven's Path Golden Body. Yun nga lang, hindi niya inaasahan... na makukumpleto niya ang cultivation dahil lamang sa pagbabasa nito ng isang beses.

Sa puntong ito, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak.

"Kalimutan ko na nga lang yun, kahit na hindi ako nakahanap ng sapat na libro tungkol sa mga Fighter 6-dan cultivation technique, lumakas naman ako ng ilang ulit dahil sa physical body enhancement cultivation technique!"

Sa pagpunta niya sa bahay ni Master Lu Chen, hindi man siya nakahanap ng sapat na kaalaman tungkol sa mga Fighter 6-dan cultivation technique, kapalit naman nito, nakuha naman niya ang Heaven's Path Golden Body, kaya naging maganda ang kinalabasan ng kanyang lakad. 

Yun nga lang, ang katawan ay naiiba sa zhenqi. Ang zhenqi ay madaling sukatin at hindi mahirap malaman kung gaano katindi ang taglay na lakas ng isang tao pagkatapos niya sa kanyang pagsasanay. Sa kabilang banda, ang kalamnan ay nakatago sa ilalim ng balat, kaya mahirap itong gawing batayan ng pagsukat ng kakayahan. 

Ang ibig sabihin, kahit na namaster na niya ang Heaven's Path Golden Body, wala siyang paraan kung paano masusukat ang kanyang lakas, o kaya kung lumakas ba ang kanyang katawan o hindi.

Hindi naman ito malaking bagay. Dahil matagumpay ang kanyang cultivation, madali na lang sa kanya na maghanap ng Strength Measuring Rock Pillar pagbalik para subukan ang kanyang lakas.

"Anong ginagawa ni Zhang Xuan?"

Sa puntong ito, si Master Lu Chen, na nagsama sa kanya dito, ay punong puno na ng mga katanungan.

Habang binabasa ni Lu Chen ang kanyang libro, sumisilip siya sa ginagawa ni Zhang Xuan. Pagkatapos magbuklat ni Zhang Xuan ng mga libro, tumayo ito ng hindi gumagalaw ng mahigit dalawang oras.

[Anong ginagawa niya?

Hindi kaya masyado na siyang madaming nabasa kaya nawala na siya sa katinuan?

Hindi naman sa hindi pa nangyari ang ganitong sitwasyon dati.]

Noon, may isang napakagaling na henyo sa kaharian ng Tianxuan. Ang mga cultivation at battle technique na inaabot ang ilan ng dalawa o tatlong taon bago matutunan ay natutunan niya sa loob ng dalawa o talong araw lamang!

Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang matutunan lahat ng mga cultivation at battle technique para pagsama-samahin ito at bumuo ng isang panibagong technique... Sa bandang huli, bago pa man siya makagawa ng panibagong technique, ay nawala na siya sa katinuan!

Si Zhang Xuan ay nagawang mapataas ang kanyang lebel ng cultivation sa Fighter 5-dan pinnacle kahit na napakabata pa niya. Kasabay nito, nagtataglay din siya ng master-level na abilidad sa pagpipinta. Hindi kaya... katulad ng senior na iyon, siya'y nagahaman at nagkaroon siya ng problema!

"Kaptid kong Zhang Xuan..."

Punung-puno ng hinala, hindi na napigilan ni Master Lu Chen ang kanyang sarili. Kaya, lumapit na siya upang mapigilan si Zhang Xuan na magpatuloy pa sa ginagawa niya.

Habang manghang-mangha si Zhang Xuan sa kakayahan ng Heaven's Path Divine Art, nakarinig siya ng isang sigaw, at kasunod nito, isang kamay ang kanyang naramdaman.

"Ah, Master Lu Chen..."

Pagbalik ng kanyang kamalayan, madali siyang lumingon at ang balikat niya ay bumangga kay Master Lu Chen.

Peng!

Umalingawngaw sa buong kwarto ang isang malakas na tunog, at tumalsik si Master Lu Chen. Tumama ang kanyang likod sa eskaparate, at nagkalat ang mga libro sa silid.

------

[1] Zhenqi -> tunay na esensya